KALOKOHAN 6 [Can this be love]

34.8K 1.6K 466
                                    

KALOKOHAN 6 [Can this be love]

A/N: Utang na loob, wag nyong gawing promotional area ang comment box ng storya ko. Alam kong walang kwenta ‘to pero sana naman marunong tayong rumespeto ng storya ng iba hindi ba? Sana naman naiintindihan nyo ang ibig sabihin ng ‘comment box’. Wag nyo ho akong puriin para lang makapag-promote kayo. Salamat.

Anyway, bago ako tuluyang mahighblood magkwekwento na ‘ko.

-

Pagkatapos mag-walk out ni Wanna Bee sa crime scene kasama ang kanyang mga minions, patuloy pa rin sa pag-iyak si Candys with matching uhog pa. Pilit naman syang kinakalma ng kaibigan nyang si Missy.

“Friend, hindi ka pa tapos umiyak? Ilang weeks ka ng umiiyak e.” tanong ni Missy.

“Eh kasi naman si writer ang tagal mag-update eh. Wala na nga akong mailuha. Ajujujuju.” Reklamo naman ni Candys.

Since ilang weeks na rin naman ang nakakalipas kaya ito na siguro ang tamang panahon para makilala ni Candys ang kanyang Prince Charming. Sheet. Damsel in distress ang peg ni Candys lakas maka fairy tale.

“You need help?” magalang na tanong ng isang lalaking bigla na lang lumapit sa kanila at inilahad pa ang kamay nito kay Candys.

Humihikbing tiningala ni Candys ang lalaki at halos masilaw sya sa pang-close up na ngiti ng binata. Parang na-estatwa si Candys habang nakatingin sa lalaking mala-Prince Charming ang datingan. Maputi, matangkad, clean cut ang buhok, pantay pantay ang mapuputing ngipin, ang linis ng damit at may mala-porselanang kutis na akala mo ay takot ang mga mikrobyong dumapo sa makikinis nitong balat. Kulang na lang ay glitters na parang kay Edward Cullen na nagshi-shining shimmering splendid kapag itinapat sa araw.

Slow motion na tinaggap ni Candys ang palad ni Prince Charming habang nakatingin pa din sa mga mata ng binata. Sabayan pa ng pagkanta ni Prince Charming ng ‘A whole new world’ habang inaalalayan si Candys na tumayo.

“I can show you the world. Shining, shimmering, splendid. Tell me, princess now when did you last let your heart decide? I can open your eyes. Take you wonder by wonder. Over sideways and under on a magic carpet ride.”

Noong makatayo na si Candys ay sinabayan nya ang binata sa pagkanta.

“A whole new world. A new fantastic point of view. No one to tell us no or where to go or say we’re only dreaming.”

Sa kalagitnaan ng malagkit nilang pagtitinginan ay ang biglang pagsingit ni Missy.

“Beauty and the Beast.” Itinuro muna nya si Prince Charming bago ang kaibigang Nerd na si Candys.

Sira ang moment ng dalawa.

“Selemet.” Nahihiyang sabi pa ni Candys habang hawak-hawak ang palad ng binata.

“Walang anuman, binibini. Ngunit maari mo bang ibalik sa akin ang aking palad? Sapagka’t ito’y namamawis at iyon ay nakakadiri.” Magalang pa din na sabi ni Prince Charming. Nahiya naman si Candys at binitawan ang kamay ng binata.

“Candys Bilab.” Sabi pa ni Candys. Naguluhan naman si Prince Charming pero sinagot pa din nya.

“I’m feeling right now.” Pakantang sagot ni Prince Charming.

“Hihihi. I mean, I’m Candys Bilab.” Pagpapakilala ni Candys.

“Ahh. I’m Prince Sipe.” Nag-ngitian pa silang dalawa.

“Excuse me guys, nandito pa ako.” Pagpaparamdam ni Missy pero hindi sya pinansin ng dalawa na busy sa pagtitinginan at pagngingitian.

Candys POV

I am hyperventilating to the nth power. This is it. I am having a moment.

Can this be love?

Matutupad na ba ang make-over ko?

*sabog confetti*

a/n: Hindi pa din ako umaabot sa quota. Very sad.

The Wattpad StoryWo Geschichten leben. Entdecke jetzt