Kalokohan 28

7.9K 520 88
                                    

Kalokohan 28

A/N: Buhay pa ko! Di lang nakapag-update patay agad?

Sa totoo lang, hindi na maalala ng writer kung anong nangyari. Kaya't sabay-sabay tayong mag-backread!

-

Hindi pa rin makapaniwala si Prince Sipe sa kanyang nalaman.

"Si Candys Bilab my lab ba talaga 'yun?!" gulong-gulong tanong nya sa sarili habang tumatakbo para sundan ang dalaga.

Wala syang idea kung saan pumunta si Candys. Kung kumaliwa, kumanan o dumiretsyo ba. Pero no worries dear readers...dahil walang imposible sa Watty Land.

"Candys!!" sigaw nya sa nakatalikod na babae.

Alam nyang si Candys yun. Dahil wala namang ibang character na present sa eksena. Sila lang dalawa ni Candys.

Tumigil ang dalaga sa paglalakad pagkarinig nya sa pangalan nya. Alam nya ding si Prince Sipe yun...dahil wala namang ibang lalaki ang may gusto sa kanya.

"Huwag kang lalapit!" Sigaw ni Candys nang hindi lumilingon. With matching hikbi pa.

"Per---"

"Prince pleaseeeeee....." pag-iinarte nya at tinakpan pa ng dalawang palad nya ang bibig nya.

"Pero Candys---"

"Prince ano ba! Don't touch me!" at winiggle wiggle pa nya ang mga balikat nya.

"Pero Candys! Hindi kita hinahawakan. Ni hindi din ako lumalapit sayo!" naguguluhang paliwanag ng binata na kanina pa naestatwa sa kinatatayuan nya.

Tumigil sandali sa paghikbi si Candys at dahan-dahang nilingon ang binata.

'Shet naman Prince! Bakit ba ang gwapo mo pa din kahit naguguluhan ka?' sabi ng malanding utak ni Candys.

"Edi lumapit ka!" pagbulyaw nya sa binata.

Dahan-dahang lumapit si Prince sa kanya. Kalkulado ang bawat hakbang. Nakatuon ang tingin sa babaeng mahal nya. At dahil napakaganda ng ganitong eksena..

Lagyan pa natin ng wind effect na nakadagdag sa kagaguhan --- kagwapuhan ni Prince Sipe na parang Prince Charming ang datingan.

#SorryGwapoLang

Habang naghihintay naman si Candys na tuloy-tuloy pa din ang pag-agos ng luha pero deep inside mamamatay na sa kilig habang nakatingin sa binata.

#SorryMalandiLang

Nang makalapit nang tuluyan sa dalaga, marahan at maingat nyang idinampi ang kanang palad sa pisngi ng dalaga para punasan ang luha nito.

Dahil sa ginawa nya lalong umagos ang luha sa mga mata ni Candys.

'Oh My God! I'm gonna dieeeeee! I kennot! More! More!' sigaw na naman ng malanding isip ni Candys.

"Candys Bilab my lab....wag ka nang malungkot, oh praise the Lord!"

"Ang mga ibon na lumilipad, minamahal ng Dyos di kumukupas, wag ka nang malungkot...oh praise the Lord." dagdag pa nito habang pinupunasan ang mga luha ng dalaga.

*hikbi*

*hikbi*

*hikbi*

Yan lamang ang naisagot ni Candys. Agad naman syang niyakap ni Prince at hinaplos ang buhok nyang bagong rebond.

"Haba ng hair...nag-rejoice ka ba girl?" tanong ni Prince.

Niyakap nya nang mahigpit ang binata bago nya ito simagot, "Hindi...shinampoo ko lang yan."

Sinulit ni Candys ang pagkakataon. Sinimot nya ang bango ni Prince.

'My God! Namiss ko 'tong amoy mo bebeh Prince! Amoy lungad. Nakakagigil.'

"My lab, mapapatawad mo pa ba ako? Hindi ko talaga sinasadya. Alam kong mali ang ginawa ko. Hindi ka namin dapat pinagpustahan. My lab maniwala ka..." kumalas sa pagkakayakap si Prince at bahagyang inilayo sa kanya ang dalaga upang matitigan ito sa mga mata.



"!cK4w Lh4rn sZ4pH4t nHü4h."

At sa huling pagkakataon, umagos muli ang mga luha ni Candys dahil sa sobrang sayang naramdaman nya. Kilig na kilig sa mga binitawang salita ng binata.

--

Thanks Bespren Je para sa translation ng 'Ikaw lang sapat na.' Hahahaha.

The Wattpad StoryWhere stories live. Discover now