Kalokohan 27

10.3K 644 74
                                    

Kalokohan 27

 

Shashall’s POV

 

Seryoso? Hindi nakilala ni Prince si Candys? Ang gagaling talaga ng mga stylist ko! Aba, dapat lang ‘no. Ang mahal kaya ng binayad ko sa kanila. Dalawang buwan ba namang imake-over si Candys, ewan ko lang kung hindi magbago ang mukha nya.

Ilang linggong iniscrub ang mukha nun, inunat at kinulot ang buhok. Binleach ang buong katawan, nagpa-whitening pa ng ngipin. Inahitan ng kilay, winax ang binti, gupit ng kuko, lahat na ng klase ng nail art sinubukan sa kanya. Nagrereklamo na nga yung mga tauhan ko. Milagro na daw ang kailangan kay Candys, ayun, pinagnovena ko! Umepekto naman.

Tignan mo naman, after two months, hindi na sya nakilala ni Prince.

“Oy, nandyan ba si Candys?” natigilan ako sap ag-momonologue nung nagsalita si Prince. Napakunot ang noo ko. Bakit nya alam na nandito si Candys?

“Paano mo nalaman na nandito si Candys?”

“Google map.” Sagot nya.

“Seryoso?”

“Syempre joke lang. Maganda ka sana eh, kung hindi ka lang tanga.” Sagot pa nya.

Nakakainis talaga sya! Bakit ba sya ganyan sakin? Sobrang mean nya! Sa ibang girls naman hindi sya ganyan, lalo na kay Candys. Prince Charaming na Prince Charming ang kilos nya. Samantalang pagdating sakin? Dinaig pa nya yung mga evil villain.

“Anong kailangan mo sa kanya?” taas kilay kong tanong.

“Makikipagbalikan ako sa kanya.”

Ouch. Kay Candys nagagawa nyang makipagbalikan, samantalang sakin? Ouch.

“Wala sya dito.”

“Nasan sya? Alam kong magkasama kayo.”

“Bakit mo ba hinahanap ang wala?”

“Kaya ko  nga hinahanap kasi hindi ko makita.”

“Nandito naman ako Prince. Nasa harapan mo lang. Hindi ka na mapapagod kakahanap. Prince…ako na lang!” hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya.

Ang bango-bango nya talaga. Amoy baby! Amoy lungad (suka ng bata)!

Naramdaman ko pang inaalis nya ang pagkakayakap ko sa kanya, kaya mas lalo ko pang hinigpitan. Kung dati hinayaan ko syang lumayo sakin, ngayon. Hindi na.

Pero he is strong like a turtle kaya naman natanggal nya ang pagkakayakap ko sa kanya. Hinawakan nya ang dalawa kong balikat at tinignan ako sa mga mata.

Oh my God! Hahalikan na ba nya ako? Ito na ba ‘yun? Wait. Pipikit ba ako? Tama, dapat akong pumikit, ganon yung mga napapanood ko eh. Pumipikit kapag nagkikiss. Hindi ko din alam kung bakit. Para siguro hindi nila makita yung mukha ng hinahalikan nila. At Malaya silang imagine-nin na hinahalikan sila ng ultimate crush nila. Sino bang iisipin ko? Hollywood actor? Band vocalist? Model? Sheeet. Ang dami kong crush.

Ito na, pipikit na ako.

“Hoy! Umayos ka nga! Nakanguso ka pa dyan.” Sabi ni Prince sabay bitaw sakin.

Kainis! Malapit na eh!

“Sabihin mo na nga lang kung nasan si Candys!!”

“Kakaalis lang. Tanga!” Sabi ko. Kumunot naman ang noo nya. Sinusubukang intindihin kung anong sinabi ko.

“Buffering?” tanong ko pa.

“Si…Si…” hindi nya maituloy ang sinasabi.

“Oo. Si Candys yun!” Sagot ko.

Gulat na gulat syang tumingin sa akin. Napahawak pa sya sa bibig nya. At biglang sumigaw.

“OHHH HINDEEEEE!” At saka kumaripas ng takbo.

Sa pangalawang pagkakataon, naiwan na naman akong luhaan, sugatan hindi mapakinabangan. 

The Wattpad StoryWhere stories live. Discover now