Kalokohan 25

10.6K 562 44
                                    

Kalokohan 25


Prince Sipe's POV

Pwede bang magmura? Pucha! Ang sama-sama ng loob ko! Tangina! Kung hindi pa mamatay sina Mitch, Missy at Ash hindi ako magkakaroon ng eksena? Walang hiya! Hindi ako option lang! Prinsipe ako! Priority dapat ako! Hindi 'yung kapag wala ng character saka lang ako maaalala ng writer! Pambihira! Para saan pa at ginawa nya ako kung iisnabin lang naman nya?

Kaya kayong mga writer kayo, kapag gumawa kayo ng character, siguraduhin nyo namang may papel sa storya. Yung maalala ng reader. Hindi yung ginawa mo lang kami para lang may kausap ang bida nyo! Ganyan kayo eh, pano naman kaming pang-supporting roles lang? Ampeyr!

Ano bang naging kasalanan ko at pinarusahan ako nang ganito? Ngayon na nga lang ako lumabas sa eksena, pinaglakad pa ako ng writer magmula sa school hanggang sa bahay ni Shashall. Hindi ba nya alam kung gaano kalayo ang bahay ni Shashall? 

Inabot ako ng dalawang buwan sa paglalakad! 

Nagsisisi na ako dahil pinagpustahan lang namin ni Manny si Candys noon. Oo na, gago na ako. Sobra akong nagsisisi kaya nga ito, bumabawi ako. Kailangan ko syang maka-usap at makipagbalikan sa kanya.

Hingal na hingal akong nakarating sa bahay nina Shashall. Malamang alam ko kung saan ang bahay nya, ex-girlfriend ko ‘yun eh. Naging kami lang naman dahil sa mga magulang namin.

Akalain nyo ba namang ipagkasundo kaming dalawa? Ewan ko ba sa mga nanay namin. Gusto ko na lang isipin na nahilig silang dalawa noon sa pagbabasa ng pocketbooks o panonood ng mga telenovela kaya naisipan nilang gawin samin ni Shashall ang hindi nangyari sa kanila.


Arrange marriage? Pucha!

Maganda naman si Shashall, marami ding nagsasabi na bagay daw kaming dalawa. Kaya lang, wala talaga akong maramdaman sa kanya bukod sa inis! Ang arte kasi! Sobrang arte! Hindi lumalabas ng hindi naka make-up o naka-ayos. Kaya ayun, hiniwalayan ko. Hindi nya matanggap. Hindi dahil sa mahal nya ako, kung di dahil natapakan ko daw ang pride nya.

Gusto ko kasi yung babaeng simple lang. Yung hindi nya alam na maganda pala sya. Yung kahit hindi magmake-up ng makapal, maganda pa din. Lalo na kapag ngumiti sya, lalong gumaganda.

Parang si Candys.

Grabe! Pangalan pa lang nya, napapangiti na ako. Hindi na tuloy ako makapaghintay na makita sya.

Kakatok pa lang sana ako noong biglang bumukas ang pintuan ng bahay nina Shashall.

“Prince?” sabay na sabi ni Shashall at ng babaeng kasama nya.

Kumunot naman ang noo ko. Sino tong kasama ni Shashall? Bagong kaibigan?

“Anong ginagawa mo dito?” tanong nung babae.

“Sorry? Who you?” tanong ko. Hindi ko naman kasi talaga sya kilala.

Napahawak sya sa dibdib nya at mahinang bumulong ng ‘ouch’. Bakit kaya? May sakit kaya sya sa puso?

“Napakasama mo talaga! Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan natin, i-who-who you mo ako? Wala ka talagang puso! Wala na ba talaga akong halaga sayo ha? Prince?” galit nag alit na sigaw ng babae sa akin at itinulak pa ako saka tumakbo papalayo. Lalo namang kumunot ang noo ko.

Anong problema ng babaeng yun? Ano bang sinasabi nya? Saka bakit sya tumakbo? Ang wirdo naman nun.

The Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon