KALOKOHAN 11

23.1K 1.1K 332
                                    

A/N: Seryoso 'to. Nakakalimutan ko ng isang rant itong ginagawa ko. Pakiramdam ko kasi 'storya' ko na talaga sya. Hahaha. Masyado akong napamahal sa story. Lels.

*****

ANG NAKARAAN....

Basahin ang last chapter para malaman ang nakaraan.

KALOKOHAN 11


Masyadong nasaktan si Candys sa nangyaring break-up nila ni Prince Sipe.


"Ajujujujuju" Umiiyak habang tumatakbo kung saan ang dalaga.

Oo. Luhaan. Sugatan. Di mapakinabangan.

(ng Updharmadown)


Nakasalubong pa nya sina Missy at Ash na holding hands while walking at may pa-sway sway pa.

"Candys." Tawag ni Missy sa kaibigan.

Napatigil sa pagtakbo si Candys at tumingin sa kaibigan.

"Anyareh?" Tanong ulit ni Missy.

"Hulaan mo." Humihikbing sabi ni Candys.


"Tao ba 'to?"

"Oo"

"Kilala ko ba?"

"Pwede."

"Si Ate Mitch?"

"Hindi."

"Si Wanna Bee?"

"Nope."

"Ang mga minions?"


"No."

"Si Prince Sipe?"

"Oo."


"Oh? Anong meron sa inyo?"

"Wala nang kami. Ajujujujujuju!"

Iyak ni Candys.


"Awww. Ok ka lang ba?" Niyakap pa ni Missy ang kaibigan.



"Gaga ka ba? Umiiyak ako tapos tatanungin mo ako kung ok lang ako? Ikaw? Ok ka lang?" Pasigaw na sabi ni Candys sa nakakatangang tanong ng kaibigan.


"Nagtatanong lang naman eh." Sabi pa ni Missy at saka nag-pout.


Dahil walang character sa Watty Land ang hindi marunong mag-pout.

It's a MUST!


"Tseh!" Pang-ssnob ni Candys at bigla ulit tumakbo palayo.


"Anong nangyari doon? Tsk!" Maangas na tanong ni Ash sa jowang si Missy.

"Saksak puso tulo ang dugo."

"Ano? Tsk."

"Broken hearted." Paglilinaw ni Missy.

"Ahhh. Tsk."

"Kaya tayo wag tayong maghihiwalay ha?" Nakangusong sabi ni Missy.

"Ok. Wala naman akong choice eh. Ikaw ang kapartner ko hanggang dulo. Magagalit ang readers kay writer kapag pinaghiwalay tayo. Kahit na malandi at maarte ka, at hindi ikaw ang ideal girlfriend dahil feeling perfect ka lang, sayo pa din ako. Kasi nga....WALA AKONG CHOICE. TSK."


Maluha luha naman si Missy sa narinig.

"Ibig sabihin napipilitan ka lang?"


"Obvoius ba?"


"Damn you! Dagil dyan break na tayo!" Sigaw ni Missy at pinagsusuntok ang dibdib ni Ash.


"Ok." Balewalang sagot ni Ash.

"Yun lang yon? Hindi mo man lang ako pipigilan?"


"Nakipagbreak ka tapos gusto mo pigilan kita? Asa! Tabi nga, may lakad pa ako. Tsk."


Naglakad palayo si Ash at iniwang umiiyak si Missy.

#medyobadboy

Ngayon pareho nang sawi ang magkaibigan. Kaya laging tandaan...

Una-una lang yan.



a/n : Walang kwentang chapter para sa isang walang kwentang storya. Huwag ka nang magreklamo nakikibasa ka lang naman.

The Wattpad StoryOnde histórias criam vida. Descubra agora