KALOKOHAN 22

13.6K 795 163
                                    

KALOKOHAN 22

 

Nasusundan nyo pa ba ang mga nangyayari? Walang kwenta no?HAHAHAHA.

 

*

 

Pagkatapos ng nagging usapa nina Shashall at Candys sa famous place sa School dumiretsyo sila sa MANSYON ni Shashall – kung saan ang lahat ng bagay doon ay sosyal.

Mula sa gate, sahig, kisame, bintana, kurtina, lupa, bato----lahat mamahalin. Binati sila ng isang daang katulong. Manghang-mangha si Candys  sa kasosyalan ng mansion ni Shashall. Banyo pa lang kasi nina Shashall ay bahay na nila Candys.

“Wow! Sobrang yaman mo.”Paghanga ni Candys.

“Correction, mayamang, mayamang, mayamang, mayamang, mayamang, mayamang….hanggang hingalin ka sa kakasabi ng mayaman.Ganon ako kayaman.”

Pumunta sila sa isang kwarto.

“May salon kasa loob ng bahay mo?” gulat na tanong ni Candys.

“Correction, mansion. Yes, may department store nga ako sa third floor eh. Gusto mong makita?” belewalang tanong ni Shashall.

“WOW! You already!” pumalakpak pa si Candys at naghawi naman ng buhok si Shashall.

“Nasan parents mo?” tanong ni Candys.

“Duh? Tinatanong pa ba yan? Are you sure you’re from Watty Land? Ang mga mayayamang character na katulad ko, pakalat-kalat sa ibang bansa ang magulang. May business sa iba’t-ibang kontinente, they are all over the world. Nas-stress na nga sila kung pano nila uubusin ang pera nila. At I’m worried dahil in the future yun din ang magiging problem ako, paano ko uubusin ang pera ko? Isn’t that stressing?” humawak pa si Shashall sa sintido nya at maarteng hinawi ang buhok.

Nga-nganaman si Candys!

Sabagay, iba-iba sila ng problema. Kung si Shashall problemado kung pano uubusin ang pera nya. Sya naman, problemado kung paano maaalis ang pagiging ‘nerd’ nya at ilang make-over ang kailangan nyang pagdaanan para maging maganda.

Dahil sa Watty Land, bawal ang pangit. At ang lahat ng pangit kailangang gumanda. Kung mahirap na pangit ka, wag kang mag-alala dahil di magtatagal at magkakaroon ka ng kaibigan na mayaman at sya ang bahala sa make-over mo. Ganyan sa Watty Land.

“Maiwan na kita Candys, magshoshopping lang ako sa taas. Sila na ang bahala sayo, papagandahin kanila.” Iniwan sya ni Shashall sa salon at nagpunta sa department store nya sa taas.

Hindi na umarte pa si Candys at umupo na para maayusan. Yun ang akala nya dahil pagka-upo nya, nag-transform ang mga tao sa salon at naging monsters silang lahat. Binalatan sya ng buhay at hindi na muling nakalabas nang buhay sa bahay ni Shashall!

Pero joke lang.

-

Makalipas ang isang buwan, lumabas na si Candys sa salon ni Shashall. Napangiti si Shashall nung Makita sya, ang dating nerd noon ay dyosa na ngayon!

“Exaggerated naman writer!” alma ni Candys.

“Gaga, nasa Watty Land ka! Walang imposible dito.” Sagot ng writer

Moving on…

“Ano nang next after ng make-over?” tanong ni Candys kay Shashall.

“Makikipagbalikan ka kay Prince Sipe.”

“Tapos?”

“Makapagtanong ka naman the parang di pa predictable yung mangyayari.”

“Malay mo may twist. Hihihi.”

“Oo nga ‘no? Alam ko na…”

“Ano?” lumapit si Shashall sa kanya at bumulong.

“Yan ang twist! Hihihihi.”

Ano kaya ang ibinulong ni Shashall? May twist nga kayang maganap? Makapaghiganti nga kaya sila Prince Sipe? At nasaan na ba si Prince? Ang tagal na nyang naglalakbay hanggang ngayon wala pa din! Sa EDSA ba sya dumaan kaya natraffic?

Masagot kaya lahat ng tanong ng writer? Masagot kaya ng writer ang mga tanong nya sa sarili nya?

ABANGAN!

***

 

The Wattpad StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon