KALOKOHAN 12

23.5K 1.1K 191
                                    

Wala.

Walang direksyon si Candys. Pagod na pagod na sya kakatakbo....kaya't naglakad na lang sya.

Sa paglalakad nya ay napadpad sya sa isang salon!


Nagningning ang mga mata nya at nagshine bright like a diamond ang mga ito.


"This is the moment. Ito na ang pinakahihintay kong make-over. Humanda ka sakin Prince Sipe. Gaganda ako at maglalaway ka!"

Pagmomonologie ni Candys.

Pinahid nya ang mga luha sa pisngi nya gamit ang laylayan ng blouse nya saka suminga.

Kinapa ang wallet sa bulsa ng palda.

Bente pesos lang ang laman. Inilabas nya ito at nalungkot habang tinitignan.


"Anong mabibili ng bente pesos mo?" Tanong ni cornetto boy na bigla na lang sumulpot sa harapan nya.


"Gusto kong magpasalon pero kulang ang pera ko!" Iyak nya.


Napatigil sya sa pag-iyak noong abutan sya nito ng ice cream.

"Oh. Ikain mo na lang yan."


"Salamat." Humihikbing sabi ni Candys.


"Salamat ka dyan." Mabilis na kinuha ni Cornetto boy ang bente pesos na hawak ni Candys.

"Geh. Magsuklay ka, magpulbos ng mukha, manamit ng napapanahon, magsalamin na sakto ang sukat sa mukha at ngumiti ka. Hindi ka lang marunong mag-ayos kaya pumapangit ka. OA ka lang at ang mga tao sa Watty Land. Hindi ka naman sobrang pangit, bakit kailangan ng make-over?" Sabi nito at umalis dala ang mga paninda nyang ice cream.


'May point sya.' Tumango tango pa si Candys at naglakad papauwi ng bahay nila.

-

KINABUKASAN...



Maagang nagising si Candys. May pasok na naman at makikita na naman nya si Prince Sipe. Kalbaryo na naman. Ajujuju moments na naman.

Humarap sa salamin si Candys.

"Hindi naman ako panget eh. Hindi nga lang maganda." Bumuntong hininga pa sya at saka ipinaypay ang kamay sa ere.

"Hindi pa pala ako nag-to-toothbrush"

Pumasok sya sa banyo para magtoothbrush. Tinanggal ang brace. Humarap sa salamin. Ngumiti.

"Mas ok kapag walang brace."

Humarap ulit sa salamin. Tinanggal ang pagkaka-pigtail ng buhok na kahapon pa nya hindi tinatanggal. Nagsuklay. Nabali ang suklay na plastik sa sobrang ganit ng buhok nya. Kumuha ulit ng panibagong suklay. Brush na para mas matibay. Ngsuklay hanggang sa maging maayos ang buhok.


Tinanggal ang salamin na malaki ang frame. Naligo. Pumunta sa tokador kinuha ang minsanan nya lang magamit na contact lens at isinout.


Nagsuklay ulit. This time mas maayos na ang buhok nya dahil tinadtad nya ng conditioner ito para lumambot.


Binuksan ang cabinet. Kumuha ng damit na napapanahon. Nagpantalon. Blouse. Flat shoes.


Nagpulbos at naglagay ng kaunting lip gloss. Nagpabango.


Kinuha ang backpack. Itinaktak ang laman. Kinuha ang shoulder bag na hindi nagagamit, inilipat lahat ng gamit doon.


Isang pang tingin sa salamin bago ngumiti at saka umalis ng bahay.

Candys POV

Ako si Candys Bilab. Nabansagang nerd dahil sa malaking salamin. Manang na damit at backpack na malaki.


Well in fact. Isa lamang akong average student na may malabong mata, walang taste sa fashion at masyadong masipag magbitbit ng mga gamit.


Ako si Candys Bilab at ito ang simula ng pagbabago.




What?!

Makapasok na nga!

The Wattpad StoryWhere stories live. Discover now