Kalokohan 24

11.1K 733 142
                                    

Kalokohan 24

                                  

Pasipol-sipol pa si Ash Tag habang naglalakad papunta sa bahay nina Missy. Hindi nya kasi matandaan kung saan nya naipark ang kotse nya. Kaya nagpasya na lang syang maglakad sa kabila ng tirik na tirik at galit na galit na araw. Partida, naka-leather jacket pa sya nyan. Balewala lang din sa kanya kung naliligo na sya ng pawis at any moment ay pwede na syang ma-heat stroke.

Gusto nyang Makita si Missy at makipagbalikan dito. Kahit papaano naman ay minahal nya ito, at patuloy na minamahal hanggang ngayon. Narealize nya ‘yun nung natangga lang hangover nya at nagising sya sa kwarto ni Wanna.

Kinikilabutan pa rin sya kapag naalala ang napakalanding boses ni Wanna. Grabe! Hindi nya inakala na may gusto sa kanya ang bitch na si Wanna.

#pahumble

“TSK. Sa gandang lalaki kong ‘to? Syempre lahat ng babae sa school may gusto sakin.”

Pangisi-ngisi pa nyang sabi.

“Mas gugustuhin kong makatuluyan si Missy kesa kay Wanna. Kahit pa feeling perfect si Missy, at maarte ok lang. At least si Missy, alam kong wala akong magiging karibal! Kapag kasama ko si Missy, lalong nadadagdagan ang kagwapuhan ko. Pano ba naman, sa akin lang umiikot ang mundo nya. Napakaswerte ko! TSK.”

Napahinto si Ash sa paglalakad. Napaisip sya sa mga sinabi nya.

“Tangina ang corny! TSK!” hindi nya akalain na nasabi nya ang mga kakornihan na ‘yun. Buti na lang at walang nakarinig sa kanya kung hindi masisira ang #medyobadboy nyang image.

Maya-maya lang bigla na syang nakaramdam ng pagka-uhaw, at pagkahilo. Pinunasan nya ang pawis sa mukha.

“Konting tiis na lang.” sabi pa nya.

Halos kaladkarin na din nya ang mga paa nya papunta sa bahay nina Missy. Wala syang kaalam-alam na nag-rest in peace na ang dalaga.

At mukhang malapit na din silang magkita.

Unti-unti nang nagdidilim ang paningin nya at pinag papawisan sya ng malamig. At ilang minuto lang, tuluyan nang nagblanko ang paningin nya at natumba sya.

Pinilit pa nyang imulat ang mga mata nya at magsalita. At ang tanging lumabas sa bibig nya ay ang kanyang makabagbagdamdaming…

“TSK.”

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Ang #medyobadboy na si Ash Tag ay namatay suot ang kanyang pinakamamahal na black leather jacket at nag-iwan ng isang makabagbagdamdaming ‘tsk’.

Sinong mag-aakala na ang isang mala-gangster na datingan at #medyobadboy na katulad ni Ash Tag ay namatay dahil sa heat stroke?

No one saw it coming. No one ever predicted it.

No one…

Except for the writer! *winks*

Lesson: Huwag magsusuot ng leather jacket kapag summer. BWAHAHAHA

The Wattpad StoryWhere stories live. Discover now