Kalokohan 23

12.3K 678 83
                                    

Kalokohan 23

                      

Wasak. Lutang. Sabog.

Tatlong salitang pwedeng i-describe kay Missy. Pagkatapos nyang makipagbreak kay Ash Tag, nagkulong sya sa kwarto nya at umiyak nang umiyak.

Inaalala nya ang mga nangyari  sa kanila ni Ash Tag. Mag mula nung una nya itong Makita sa school habang naglalakad sya papunta sa classroom nya at si Ash naman ay papaalis ng school. Nakasuot ito ng itim na leather jacket, #medyobadboy ang datingan, na talaga naming nakakuha agad ng pansin nya.

Hindi nya din makakalimutan ang pagbabangaan ng mga balikat nila. Lalo pa nung nagkatinginan silang dalawa. Tumigil ang mundo nya at parang nahipnotize sa ganda ng mga mata ni Ash Tag. Hindi nya na alam kung ilang batalyong paru-paro ang lumusob sa tyan nya noon.

At hinding-hindi nya makakalimutan ang mga katagang binitawan ni Ash Tag noong una silang magkita.

‘TSK’

Parang musika sa tenga nya ang tinig nito. Halos mamatay-matay sya sa kilig noon, ngunit ngayon halos mamatay-matay sya sa sakit dulot ng (napakawalang kwentang) paghihiwalay nila.

“Ang gaga mo kasi! Nasa’yo na nga, pinakawalan mo pa!” sabi ni Missy habang sinasabunutan ang sarili nya. Nagpagulong-gulong pa sya sa kama nya.

“Wala na! It’s too late! Sumama na sya kay Wanna.” Lalo syang humagulgol nung maalala nya kung paano akayin ni Wanna palabas ng bar si Ash at isinakay sa kotse.

Sinundan nya si Ash sa bar nung nagbreak sila. Makikipagbalikan sana sya pero nakita nyang wala na pala syang babalikan. Ajujujuju.  Kaya ayun, tulad ng mga tangang bida, nagpakatanga sya at umalis sa bar. Mas pinili nyang umiyak nal ang at magmukhang tanga. Parang tanga! Kainis!

“Kung hindi rin lang naman kami magkakatuluyan ni Ash. Mas mabuti pang mamatay na lang ako!” sabi pa nya.

“Go!” pagchecheer ng writer. Natigilan naman si Missy sa pagdradrama nya.

“Gusto mo talaga akong mamatay?” disappointed natanong nya. Hindi nya kasi inaakala na pati ang lumikha sa kanya ay gusto syang patayin.

“Oo, para mabawasan na yung ina-update ko!” katwiran ng writer na sobrang tagal mag-update at ngayon ay walang magawa kaya gusting pumatay ng character.

“Ang sama mo! Wala kang puso! Napakawalang kwentang writer mo! Hindi mo minamahal ang mga characters mo. Si Ate Mitch piñata mo na, tapos gusto mo ako din mamatay? Anong klase ka!”panunumbat nya

“Ayoko kasi ng malanding character, kaya piñata ko si Mitch. At ayoko din ng tangang character kaya papatayin din kita.” Kaswal na sagot ng writer.

“Bakit mo pa kami ginawa kung papatayin mo rin lang naman kami?” naguguluhang tanong nya.

“Para mo na ring tinanong kung bakit pa ako nag-iinit ng tubig pangkape kung papalamigin ko lang din bago ko inumin.”Matalinhagang sagot ng writer.

“Anong konek?”

“Wala. Para lang magmukha akong matalino sa sinabi ko. Writer ako, kaya kong pagmukhaing matalino at bobo ang sarili ko nang hindi mo nahahalata. Bwahahahaha.”

Naiinip na ang writer kaya naman inabutan nya si Missy ng kutsilyo.

“Magsaksak ka na para matapos na ‘to!”

Gulat at takot na takot si Missy na nakatingin sa kutsilyong iniaabot sakanya kaya tumakbo sya palayo.

“Ayoko! Ayoko pang mamatay!!!” sigaw nya habang tumatakbo.Palingon-lingon pa sya sa likuran nya habang tumatakbo at sumisigaw. Dahil nakatingin sya sa likuran nya, hindi nya napansin na may  hagdanan sa harapan nya kaya nahulog sya sa hagdan.

Wasak. Lutang. Sabog.

Tatlong salitang pwedeng idescribe sa nagkagutay-gutay na katawan ni Missy.

“YES! Konti na lang characters ko…hihihi. Sino naman kaya ang next kong papatayin? Abangan!” tuwang-tuwang sabi ng sadistang writer.

Lesson: Huwag kang lilingon habang tumatakbo. Bwahahaha!

The Wattpad StoryWhere stories live. Discover now