KALOKOHAN 21

14.7K 796 174
                                    

Kalokohan 21

Sa sobrang tagal ng update hindi na mataandaan ni Writer kung anong nangyari sa last chapter, kaya basahin nyo na lang ulit. Kung ayaw nyo, edi wag. Madali naman akong kausap.

*

“Nasan ako?” tumingin sa paligid si Ash.

Sa sobrang sakit ng ulo nya humawak sya dito. Pilit nyang inaalala ang mga nangyari bago sya mapunta sa kulay yellow and blue na kwartong puno ng saging ang design. Nakita nya yun kahit patay ang ilaw.

“Gising ka na pala, mahal ko.” Pagpaparamdam ni Wanna. Naglakad sya palapit kay Ash.

Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, hindi nagawang maaninag ni Ash kung sino ang babaeng kaharap. Tanging ang design lang ng kwarto ni Wanna ang naaninag nya.

Wag na nating alamin pa kung pano nangyari yun, para magkaroon ng mystery. Ganerns!

“Sino ka? Huwag kang lalapit!” sabi ni Ash at umatras. Lumapit naman si Wanna.

*lapit*

*lapit*

*lapit*

Umatras si Ash.

*atras*

*atras*

*atras*

Lumapit si Wanna.

*lapit*

*lapit*

*lapit*

Umatras si Ash.

*atras*

*atras*

*atras*

“Sinabi ng wag kang lalapit!” sigaw ni Ash.

“Gago ka ba mahal ko? Paano ako makakalapit sayo kung layo ka nang layo?”

Nakaramdam naman ng hiya si Ash kaya tumigil sya sa kinatatayuan. Napangiti naman si Wanna at saka lumapit.

“Wag kang lalapit!” sabi ulit ni Ash.

Tumigil si Wanna sa paglapit. “Madali naman akong kausap mahal ko.”

Sandaling tumahimik sa loob ng kwarto. Maya-maya lang ay biglang sumigaw si Wanna at pumalakpak.

“Bukangliwayway!” At lumiwanag ang buong kwarto.

Hameysing!

“Hi mahal ko!” pa-cute na sabi ni Wanna sa kumaway pa.

“Wanna?” tangang tanong ni Ash.

“The one and only…Wanna Bee!”

“Nasan ako? Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito? Paano ako nakapunta dito. Kailan ako napunta dito?” Halos makumpleto na ni Ash ang why, when, where, what, at how question.

“Isang sagot, isang kiss?” malanding offer ni Wanna.

Umiling si Ash at itinikom ang bibig. Umupo sya sa gilid ng kama. Kinuha ang cellphone nya.

Binuksan ang Wattpad app.

Naglog-in.

Hinahanap ang The Wattpad Story kung saan sya ang bida.

Binasa ang nakaraang chapter. Ilang sandali lang….

“Ahhh. Nalasing pala ako, tapos sinundo mo ko at dinala dito. Buti na lang marunong akong mag-backread. Dapat kanina ko pa pala ginawa para hindi ako nagmukhang tanga kakatanong.” Sabi pa nya.

“Kainis!” Iritang sabi ni Wanna.


“Oy sige Wanna. Salamat sa pagsundo. Alis na ko.” Paalam nito at lumabas ng pinto.


Iniwang tulala ang malanding kontrabidang napaka-lamya at hindi mapanindigan ang pagiging ‘bitch’ nya hanggang dulo dahil nain-love sa main character na hindi sya gusto kaya ngayon ay naghahabol sa parang baklang main character na hindi mapanindigan ang pagiging astig kaya dinaan na lang sa pangalan.

Langya, haba ng description.


Maya-maya lang ay bumukas ulit ang pintuan ng kwarto, sumilip si Ash Tag.

“May nakalimutan ako.” Sabi pa nito.

“Ang puso mo ba mahal ko?” sagot ni Wannah.

Umiling naman si Ash Tag saka binitawan ang makapagbag damdamin nyang linya.

“TSK.”

***

The Wattpad StoryWhere stories live. Discover now