Chapter 2

22.6K 565 33
                                    

Note: This is the revised version. Please do not confuse yourself with the comments on the comment section. Thank you.

Chapter 2

SA BUHAY NG tao, mas malaki ang probability na ang taong makakasama mo sa isang lugar o sa isang pagkakataon ay ang taong pinaka-kinaiinisan mo. But you have no choice but to deal with the person you hate the most. I didn't know that it was possible to hate someone to the core when you just met her. Now, I'm standing on the doorway, hesitating to walk inside because I have seen the bitch I already hate the most.

"Excuse me, miss."

Doon lamang ako natauhan nang may nagsalita sa likuran ko. Humingi ako ng paumanhin tsaka tumabi sa daan at naghanap ng bakenteng mauupuan. Sa kasamaang palad, sa tabi iyon ng babaeng kinaiinisan ko. Nag-martsa ako palapit sa bakanteng upuan kahit labag sa loob ko ang gagawin. Subalit napahinto ako sa pag-upo nang magsalita si Scarlett.

"What are you doing?"

"Taking a seat?" Sarkastiko kong sagot.

"I know," she said. "Pero bakit d'yan? Just look for another."

"Bakit? Sa'yo ba 'tong upuan na 'to?!" Naiinis kong tanong.

"Look for another seat. I don't want to have you beside me." What she said pissed me off more.

"Uupo ako kahit saan ko gusto. Ngayon kung ayaw mo akong katabi, edi ikaw ang umalis d'yan!" Singhal ko sa kanya.

Napatayo na si Scarlett at nakuha na rin namin ang atensyon ng lahat. "Why would I? Hindi ako sumusunod sa mga utos ng kung sino lang!"

"At lalong hindi rin ako sumusunod sa utos ng kung sino lang!" Pagbabalik ko sa kanya ng sinabi niya.

"I'm not like you," she rolled her eyes on me. "You are nobody and I don't want to be near you so go away."

Ano bang problema nito sa akin? Napakaarte niya, nakakainis! "Sino bang may sabi sayong lumalapit ako sa'yo? Ito na lang ang bakanteng upuan. Wala akong pakialam kung ano man ang issue mo sa akin pero uupo ako sa upuan na 'to, sa ayaw at sa gusto mo. Now if you will just stop being a bitch." I said trying to end this argument.

"The hell I would like you to sit beside me? And how dare you call me a bitch, huh?" Maarte pa rin nitong sabi.

"Aren't you?"

"Hey, girls, easy."

Isang lalaki ang pumagitna sa aming dalawa ni Scarlett. She rolled her eyes and the guy wrapped his arms on my shoulder.

"Relax, ang hot ninyo masyado sa isa't isa." Sabi ng lalaking umawat sa amin.

I rolled my eyes on her and she glared at me before going back to her seat. Marahas kong inilayo ang sarili sa taong nakaakbay sa akin ngayon at inayos ang uniform bago maupo.

"Don't mind her. Ganyan lang talaga si Scarlett." Payo sa akin ng lalaking umawat sa amin na sa likuran ko lamang pala nakaupo.

"As much as I want, I can't. Bitches get through my nerves easily." Sarkastiko kong pahayag na pinapatamaan si Scarlett.

Tinapunan naman niya ako ng tingin tsaka inirapan. Narinig ko ang mahinang tawa ng lalaking nakaupo sa likuran ko.

"I guess makakasundo mo si Scarlett," tumatawang sabi nito.

"Never!" Sabay naming sagot ni Scarlett.

"Well anyway, my name is Lance."

I looked at his hand before shaking hands with him. "I'm Luna," pakilala ko naman.

The Bitch Has ChangedWhere stories live. Discover now