Chapter 10

14.8K 459 78
                                    

Note: This is the revised version. Please do not confuse yourself with the comments on the comment section. Thank you.

Chapter 10

"SCARLETT, TIGILAN MO nga 'yan!"

"What?" At nasundan ito nang mahina niyang pagtawa.

"'Yan, 'yang pagtitig mo." Halos itakip ko sa mukha ko ang buhok ko dahil sa nakakailang na pagtitig ni Scarlett. Simula nang magkaayos kami ni Scarlett—isang linggo na ang nakakalipas, naging mas sweet at clingy ito. Akala mo ay hindi niya ako sobrang kinainisan noong una kaming nagkakilala.

Hinawi ni Scarlett ang hibla ng buhok na tumatakip sa aking mukha. "Bakit? Bawal ba?" Kasabay ng kanyang pagtatanong ay ang pagsilay ng matamis nitong ngiti.

"H-hindi."

"Am I making you uncomfortable?" Puno ng sinseridad niyang tanong.

Wala sa sariling nakagat ko ang aking labi para pigilan ang pag-ngiti. Sobrang kakaiba kasi ng Scarlett na kasama ko ngayon kaysa sa Scarlett na una kong nakilala. "H-hindi rin."

She chuckled as her finger touched my lips to keep me from biting them. Wala na itong ibang sinabi at ngumiti na lamang sa akin. I can feel myself falling deeper for Scarlett and although it was too early to ask, I can't help but wonder what is going on between the two of us. I don't want to put the pressure on her as well. Ayokong magmadali pero ayoko ring maramdaman na pampalipas-oras lamang ako.

"Is there something wrong?"

Kaagad akong natauhan nang tanungin ako ni Scarlett. "N-nothing," and I tried to smile at her. "It's just that..."

I trailed off. Paano ko sasabihing iniisip ko kung ano ba ang mayroon sa aming dalawa? Kahit na sinabi na nito noong nakaraan ang nararamdaman niya, hindi naman nito nilinaw ang sinabi niya noong nagkaayos kami. Ano ba ang gusto niyang mangyari? Handa ba siyang pumasok sa isang relasyon na marami pa rin ang hindi nakakatanggap?

Napansin ko na tila hinihintay ni Scarlett ang anumang sasabihin ko. Sakto namang nahagip ng paningin ko ang nagmamadaling si Lance. Papunta siguro ito sa kanyang klase.

"I'm just thinking about Lance," I told Scarlett and gazed at her. "Isang linggo na rin noong huli kaming nagkausap. I think I should apologize to him also. Napagbuntunan ko siya ng inis noong nakaraan."

Kumunot ang noo ni Scarlett. Mukhang hindi nagustuhan ang aking sinabi. "Let him be," she replied. "Magpupumilit na naman 'yon porket akala niya okay na kayo."

"But Lance is also my friend."

"Stay away from him. Kalimutan mo na rin 'yung pabor na hiningi sa'yo ni Xavier."

Hindi na ako nakipagtalo pa kay Scarlett dahil mukhang tuluyan na itong nawala sa kanyang mood.

"SCARLETT! MASAKIT NA ang paa ko!"

Sa halip na ipakitang concern siya, tinawanan lang ako ng bruha. "Sabi ko naman sa'yo bubuhatin na kita, eh. Pero ayaw mo." Kanina ay tumatawa pa siya, ngayon naman nakasimangot na.

"Baliw ka ba? Nasa mall tayo, 'no!"

"Eh, ano naman ngayon?" Lumalabas na naman ang pagiging brat niya. She even crossed her arms in the sassiest way possible.

Napailing na lang ako. "Sige na. Bumili ka na muna ng pagkain tapos balikan mo na lang ako dito," pagtataboy ko sa kanya. "Bilisan mo para makabalik na rin tayo sa school." Sawa na raw kasi si Scarlett sa mga pagkain sa school cafeteria kaya nagyaya ito na bumili na lamang ng pagkain sa labas. When I asked her why we don't just eat outside, she just told me that she wants to eat at our hangout place. 'Yung lugar kung saan kami nagkabati ni Scarlett.

The Bitch Has ChangedWhere stories live. Discover now