Chapter 18

5.3K 173 5
                                    

Chapter 18

"SO HOW ARE things going on between you and Scarlett? I heard you are not in good terms because of Clifford?"

Napasandal na lamang ako sa pader habang pinagmamasdan ang mga taong naririto ngayon sa send-off party ni Clifford. It was Xavier who approached me. Hindi ko na ito nakausap pa nang personal bago mag-school break kaya halos dalawang linggo na rin kaming hindi nagkikita.

"It's not really because of Clifford," I told him.

"Ah," he mumbled. "Mukha naman nang ayos na kayo ni Clifford, so ano pang problema n'yo ni Scarlett? Hindi ka pa rin ba naniniwala sa nararamdaman niya para sa'yo?"

Napalingon ako sa direksyon ni Xavier dahil sa sinabi niya. Kung ganoon ay pati ito ay may alam na?

"Don't give me that look, Luna." He said with a wide grin on his face. "There's no way that I wouldn't know anything."

Eventually, Xavier brought me at the balcony of Clifford's penthouse. Wala raw kasi masyadong tao doon kaya makakapag-usap kami nang maayos. Sumama na rin ako kasi wala naman akong gaanong kakilala sa mga bisita ni Clifford dahil panay anak ng mayayaman ang naroroon. Nakaka-out of place.

Sumilip pa muna si Xavier sa loob kaya ganoon na lamang din ang ginawa ko. Nagkakasayahan silang lahat pero hindi naman katulad nang ibang tao na sobrang party people at wild.

"Clifford really has a lot of friends," Xavier said while grinning. When he looked back at me, his face became serious all of a sudden. Nakakatakot ang mabilis na pagbabago ng mood nito. "Where are we again?"

"Huh?"

He smirked at me and shook his head. "You and Scarlett, what's up?" He asked. He is now leaning on the railings of the balcony.

I went near the railings and did the same. Kitang-kita ang buong siyudad mula sa penthouse ni Clifford at sobrang ganda ng tanawin.

"I have hurt her and pushed her away." I said without glancing at Xavier. "Kahit na may nararamdaman kami para sa isa't isa, masyado ko na siyang nasaktan. Deserve niyang sumaya at mahanap ang taong para sa kanya."

Napalingon lamang ako kay Xavier nang marinig ko itong tumawa. "Ganoon na lamang 'yon?" Ngayon ay may mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi. "Wala pa kayong nasisimulan, gusto mo na kaagad tapusin ang lahat? Ang hina mo naman."

Hindi ako makapaniwala sa aking naririnig. Para bang hindi si Xavier ang kausap ko ngayon at ibang tao. Ngayon ko lamang siya nakitang naging ganito at narinig na magsalita nang ganito.

"Mahal mo siya, mahal ka niya. Anong komplikado roon? Masyado ninyong pinapahirapan ang mga sarili n'yo kahit na may maaari naman kayong magawa. Kung idadahilan n'yo na takot kayong masaktan ang isa't isa, walang kwenta ang dahilan n'yo. Parehong-pareho kayo ni Scarlett."

He sounds like he's already fed up with everything. Hindi ko alam kung bad mood lang ba 'tong si Xavier at sa akin binubunton ang inis o pati siya ay nahihirapan na rin sa sitwasyon namin ni Scarlett.

"Hayaan ninyong masaktan kayo kasi doon n'yo matututunan ang mga bagay na dapat ninyong matutunan. There's no safer place to ensure that our hearts will never be broken than the arms of the people we love. Love can break us, at some point, but love will always be our refuge."

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako kung hindi pa lumapit sa akin si Xavier para punasan ang luha sa aking mga mata. Wala na ang nakakainis na ngiti sa mga labi niya pero napalitan na 'yon ng tipid pero totoong ngiti niya.

"It's never too late to start again, Luna. I know Scarlett's just waiting for you. Don't make yourselves wait for so long." Xavier said and straightened his body. He has this serious look on his face again. "If you are thinking about the favor I asked you about Lance, forget about it. Kung 'yun lamang ang dahilan kung bakit nag-aalangan ka pa rin sa inyo ni Scarlett."

The Bitch Has ChangedWhere stories live. Discover now