Chapter 5

16.9K 411 33
                                    

Note: This is the revised version. Please do not confuse yourself with the comments on the comment section. Thank you.

Chapter 5

"I JUST HAVE fallen in love a while ago."

Matapos ang sinabi ni Scarlett, napako ang tingin namin sa isa't isa. Walang nagsasalita sa aming dalawa; walang gustong bumasag ng katahimikan. Parang nag-uusap ang mga mata namin. Kung anong pinag-uusapan nila, walang nakakaalam.

"Hey, Luna's here."

Naputol ang pagtititigan namin dahil napukaw ng nagsalita ang atensyon naming dalawa. Sabay kaming napalingon sa may pintuan. Nakita ko na nakatayo sa may doorway si Xavier at kasunod naman niya sina Symon at Lance.

"Hey there, pretty girl!" Masiglang bati ni Lance sa akin. He was beaming with joy and I can't help but smile also. Lance has this carefree and jolly aura that can lift someone's mood. People will just hardly notice it because they are seeing Lance as a guy who can get everything he wants without working hard for it.

"What are you doing here, Luna? It's such a surprise to see you with Scarlett." Symon asked with a wicked grin on his face. I rolled my eyes at him because he's teasing me again about Scarlett and me hating each other.

Naramdaman ko na lang bigla ang pasimpleng paglayo sa akin ni Scarlett. Nang lingunin ko siya ay nakita kong bumalik na ito sa paggagawa ng PowerPoint presentation ng report namin. "Gumagawa ng presentation. May report kasi kami sa philosophy next meeting." I replied to Symon when I glanced back at him.

"Oh, I see," Symon mumbled. "Partner kayo?"

I guess he really enjoys teasing me. "Yeah," I said then mouthed at him, "Shut up."

Symon shrugged and stuck his tongue out to me. Inilapag na nila ang kanilang mga gamit sa bakanteng couch tsaka umupo. Si Xavier naman, dumiretso sa kusina.

"Mukhang hindi naman na ako kailangan dito. Aalis na ako, Scarlett," paalam ko.

Tumingin sa akin si Scarlett nang nakakunot ang noo. "Are you going somewhere?"

Hindi ako nakasagot agad dahil sumingit sa usapan si Xavier. "Stay here for a while, Luna. Ngayon lang kami nagkaroon ng bisita dito. You're welcome here anytime and besides, we want to be friends with you. Do you mind if we'll hang out for this time?" Nagmula pa ito sa kusina at napansin kong may suot-suot itong apron.

I politely smiled at Xavier. It will be such a shame if I will decline the home owner's request. Isa pa, pareho sila ni Symon na mahirap tanggihan. Although both of them seem to be so much alike, there's still something different between the two of them.

"I can drive you home para matiyak ko na makakauwi ka nang safe," presinta ni Lance.

I have seen Scarlett and Symon glared towards Lance and as innocent as he looks, he asked, "What?"

"It's okay, pwede naman akong mag-commute."

"It's not safe so I will drive you home, okay?" This is what I hate about Lance. He is too persistent.

"Enough, silly boy. Uwian agad ang pinag-uusapan ninyo? Eh kararating palang natin at ngayon palang natin makakasama si Luna." Naiiling-iling naman na sabi ni Xavier.

"Inuunahan ko lang kayo na ako ang maghahatid kay Luna," depensa ni Lance.

Natatawa na lamang na lumingon sa akin si Xavier. "Pasensya ka na kay Lance, Luna, makulit kasi talaga 'to kasi bata pa."

"Hey! Don't tell that to Luna! 'Wag mo nga akong ipahiya," protesta ni Lance. Kitang-kita sa mestizo nitong mukha ang bahagyang pamumula.

"I'm just telling the truth, kiddo," pang-aasar ni Xavier.

The Bitch Has ChangedWhere stories live. Discover now