Chapter 9

13.9K 482 41
                                    

Note: This is the revised version. Please do not confuse yourself with the comments on the comment section. Thank you.

Chapter 9

"THE SUBSCRIBER'S CANNOT be reached. Please try again lat—"

I ended the call and sighed heavily as I threw myself onto the bed. I already tried calling her countless times but she wasn't picking up the call. Hindi ko maitatanggi ang bigat sa kalooban ko nang umalis si Scarlett at iniwan ako kasama si Lance. Halos manlumo ako nang umalis si Scarlett. She left without even hearing me out.

"I NEVER THOUGHT Scarlett would do something like this. I should thank her for this," Lance mumbled to himself. "Um...Luna?"

I rolled my fist into a ball and clenched my jaw. "You shouldn't have told her."

Nakita ko ang pagtataka sa mukha nito. "L-Luna?"

"Wala kang karapatang sabihin na nililigawan mo na ako, dahil hindi pa kita pinapayagang gawin 'yon!" Nagulat si Lance nang medyo tumaas ang boses ko dahil sa inis.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa. I have to get out of here. Kinuha ko ang mga gamit ko at nag-plano nang umalis.

"T-teka, Luna," pigil sa akin ni Lance.

"Sorry, Lance, but I need some time alone. Ayokong may masabi o magawa ako na makakasakit sa'yo."

Naglakad na ako paalis pero muli akong pinigilan ni Lance. Hinawakan niya ako sa aking braso kaya agad ko itong binawi mula sa kanya. "Let me at least bring you home," he offered sincerely.

Tinapunan ko siya nang malamig na tingin. "Anong mahirap intindihan sa sinabi kong gusto ko munang mapag-isa?"

SOBRANG BIGAT NG nararamdaman ko ngayon dahil gusto kong magpaliwanag kay Scarlett. Isa pa, sobrang daming tanong ang pumapasok sa isip ko. Bakit kailangang magsinungaling ni Scarlett na sinet-up niya lang kaming dalawa ni Lance? Bakit niya ba talaga ako pinapunta sa lugar na 'yon?

I tried calling Scarlett for the nth time, but just like my previous attempts, I was not able to speak to her. When I already gave up, I just laid on my bed. When I heard my phone suddenly beeped, I immediately checked it, only to be disappointed when I read where the text message came from. It was from Lance and he has been apologizing to me continuously.

Medyo na-guilty naman ako dahil naibunton ko kay Lance ang galit at frustration ko. Pero may karapatan naman akong magalit, hindi ba? Pakiramdam ko ay inaangkin at binabakuran niya ako kahit wala naman siyang karapatang gawin 'yon. Hindi ko alam kung masyado bang immature ang rason ng inis ko, pero pakiramdam ko ay hindi niya ako inirespeto nang sabihin niya kay Scarlett na nililigawan na niya ako.

I ignored Lance's message and went to my phone contacts. I browsed my contacts until I found Symon's name and called his phone number. Alam kong matutulungan niya ako sa mga oras na 'to.

"Luna..." Bungad nito sa akin.

Sa sobrang pag-aalala ko kay Scarlett ay parang nabunutan ako ng tinik nang sagutin ni Symon ang tawag ko. "Thank God, you picked up my call!"

"Oh, hey, easy. Something's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Symon.

Napabuntong-hininga na naman ako. "Actually, that was why I called. Pasensya na kung naistorbo pa kita."

"Nah. It's okay, Luna. So, what's the problem?"

Nagdadalawang-isip man, nilakasan ko na lamang ang aking loob na magtanong kay Symon. "Kasama mo ba si...S-Scarlett?"

The Bitch Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon