TWO

792K 10.1K 231
                                    

CHAPTER TWO

LARA

I woke up this morning with dry tears on my cheeks, di ko alam na nakatulugan ko ang pag-iisip at pag-iyak. At napatakbo ako bigla sa bathroom, when I felt something on my stomach, parang bumaliktad ang sikmura ko. Then realization hit me, it is true. There is a life inside me. And I need to decide not only for myself now, but also for this baby. For my baby.

Naligo na ako at nagsuot ng kumportableng damit. Just a plain shirt, jeans, snickers, a cap and a pair of aviator shades to cover my swollen eyes. Dumaan lang ako sa isang fast food chain to have breakfast, dahil wala rin naman akong ganang kumain. After that ay dumiretso na ako sa Bulacan.

Inabot ako ng isang oras at kalahati sa pagda-drive. Buti nalang talaga at hindi ganoon katindi ang traffic. Nagpatuloy lang ako sa pagpapatakbo. It's been a long time, mula nung huli akong nagawi dito, marami nang nagbago, pero syempre kagaya pa rin ito ng dati. I continued driving hanggang sa nadaan ako sa isang lugar na bahagi ng buhay ko. But I didn't give a glance to that familiar signage na nadaanan ko. And as I turn left ay narating ko ang sementeryo. I usually goes here whenever I miss her, or during special occasions, like her birthday at kapag depress ako, like now.

Naupo ako sa harap ng puntod and put a bunch of red roses na paborito niya, binili ko 'yon on my way here, I also lit a candle.

CARMELA LOPEZ NG

"Hi Mommy, I miss you."  A tear fell on my cheek. "Ma, may problema ako, alam ko naman na kasalanan ko din yun, kung hindi siguro ako umalis sa poder ni Daddy at sumunod nalang ako sa gusto niya, hindi ito mangyayari." Tumigil ako sandali at pinahid ang luha ko. "Ma, I'm pregnant. At hindi ko alam ang gagawin ko."

"Ma sana nandito ka, di ko talaga alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko pa kilala yung lalaking nakabuntis sa 'kin." I laugh bitterly.

I sigh, "Ma, eto na ba ang time para umuwi ako sa atin? I'm sure 'yon ang gusto mo, ang magkaayos kaming mag-ama. Pero Ma, kahit siguro umuwi ako dun, hindi pa rin basta-bastang maibabalik yung dating relasyon namin ni Daddy." Hinawakan ko ang maliit ko pang puson. "Ma, guide me please. Babalik nalang po ako ulit. "I love you Mommy, I wish you were here. Bye." Tumayo na ako at bumalik sa kotse.

Ilang minuto na akong nakasakay sa kotse pero hindi ko pa rin binubuksan ang engine. "Okay, I'll do it." Kausap ko sa sarili ko.

I dialed a number on my phone. Ilang ring lang siguro bago ito sinagot. "Hello, Ng Residence."

"Manang," masiglang bati ko sa sumagot.

"Lara? Hija, ikaw nga ba iyan?"

"Yes Manang."

"Kamusta ka na Hija? Kailan ka ba babalik dito?" sunod-sunod na tanong niya na halata ang pagkasabik.

"Okay lang po ako Manang. Itatanong ko lang po sana kung nandyan si Daddy?"

"Naku Hija, nasa Bacolod ang Papa mo, may inaasikaso, sa makalawa pa ang uwi n'un."

"Gan'un po ba? Sige ho, pupunta po ako d'yan, pero pwede po bang h'wag niyo nang ipaalam kay Dad?" hindi siya sumagot.

"Please po Manang, gusto ko lang po kayong makita. Miss ko na po kayo." Narinig ko pa siyang bumuntong hininga sa kabilang linya bago sumagot.

"O sige na Hija, kung 'yan ang gusto mo, pero sana magbati na kayo ng Papa mo. Alam kong 'yon din ang gustong mangyari ni Carmela." Malungkot ang pagkakasabi niya n'un.

"Manang alam n'yong mahirap para sa 'kin ang bagay na iyan, pero darating din tayo sa puntong 'yan, hindi pa nga lang sa ngayon." Pampalubag loob ko sa kanya.

"O sige Lara, aantayin kita, a'saan ka na ba?"

"Dumalaw po ako kay Mommy, nasa sementeryo po ako."

"O siya, mag-iingat ka."

"Salamat po Manang, papunta na po ako d'yan." Ibinaba ko na ang tawag at nag-maneho na. Malayo palang ako ay nakita ko ang signage na nadaanan ko kanina on my way to cemetery.

-----

WELCOME TO VILLA CARMELA NG

Pumasok na ako sa malawak na kalsada, malaki din ang pinagbago nito. It's been five years since the last time na nakita ko ito, five years na ang lumipas mula nang umalis ako sa lugar na ito. Pagpasok ko sa gate ay hinarang agad ako ng bantay, binaba ko ang bintana ng kotse, kaya kitang-kita ko ang gulat na rumehistro sa mukha ng bantay.

"Manong Gener," tinanggal ko din ang pagkakasuot ko ng shades para mas makita ko siya ng maayos.

"Teka, ikaw na ba iyan Senyorita Lara?" napangiti ako sa tanong niya.

"Manong naman e, sabi ko naman po Lara nalang." Ngumiti siya sa 'kin.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago." Ngumiti nalang ako sa kumento niya.

"Sige po Manong, papasok na po ako." Sinara ko na ang bintana ng kotse at tuluyan nang pumasok.

Paghinto ko palang sa main door ay nakita ko na si Manang Lilia. Pagkababa ko nga ay sinalubong niya agad ako ng yakap. Inakay niya na rin ako papasok sa loob. Napangiti ako nang makapasok ako sa loob. Finally, I am home.

Halos wala pa ring pinagbago ang bahay namin. Makikita pa rin sa center ng bahay ang family portrait namin. Sa paglibot ko ng paningin sa loob ng bahay, naalala ko lahat ng memories ko sa bahay na ito. The place where I grew, ang lugar kung saan ako natuto. Where I had my happy and sad memories. Napangiti ako ng mapait sa mga ala-alang 'yon.

Mahaba-haba din ang napagkwentuhan namin ni Manang, nang nakaramdam ako ng antok. Kaya umakyat na ako sa kwarto ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang mabuksan ko ang pinto ng luma kong kwarto. It smells like my old perfume, at ang pagkakaayos nito is still the same as how I left it 5 years ago. Halatang hindi ito pinabayaan, dahil malinis at maayos ang buong kwarto. Umupo agad ako sa kama ko, pero dahil sa antok ko ay humiga ako at nakatulog.

-----

Nagisng ako nang maramdaman ko ang pagkalam ng tiyan ko, napatingin ako sa suot kong relo at nakitang nakatulog pala ako ng mahigit dalawang oras. At ang huling kain ko pa ay 'yung kinain ko kaninang umaga, bago ako nagbyahe pa-Bulacan. Kaya naisipan ko nang bumaba, para makakain ako.

Sa ilang oras kong namalagi dito sa mansion, ay hindi ko maiwasang maramdaman kung gaano ko na miss ang bahay na ito.

Now I am confused again. Babalik na ba ako dito at bibitawan ko na ang pride ko? Or I'll chose to live my life at pareho kaming mahirapan ng anak ko?

At hindi ko rin alam ang sagot sa tanong ko.

----

Enjoy reading fellas!

-LEYN-

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon