TWENTY FOUR

444K 6K 274
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

LARA

Nabalisa ako sa nakita ko. Halos hindi na nga ako magkanda-ugaga sa gagawin ko. Pero nagawa ko pa ring kunin ang susi, lumabas ng bahay at sumakay sa kotse. Pinaandar ko ang kotse. Naluluha na ako habang nagmamaneho. kasabay ng bawat pagpahid ko ng luha ang pagmumura ko kay Enrique sa isip ko.

I felt betrayed. Para akong di mapakali na ewan. Parang gusto kong sabunutan ang babaeng 'yon at gusto kong sampalin si Enrique.

Literal na pinaharurot ko ang kotse. Wala akong pake, dahil disoras naman ng gabi. Awa naman ng Diyos ay nakarating ako ng ligtas sa condo niya, nag-park ako tapos nagmamadaling pumasok sa loob at tinungo ang elevator. Habang sakay ng elevator ay patuloy patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Mabuti nga't walang ibang tao, kun'di malamang sa malamang ay pagtitinginan na ako.

"Shit ka Enrique!" mahinang mura ko. Nakahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko feeling ko ang bagal ng pag-angat ng elevator samantalang nasa 7th floor lang naman iyon. Hanggang sa bumukas na ang elevator. Nagdadalwang isip pa ako kung bababa ba ako o hindi.

Pero buo na ang loob ko. Nandito na rin lang ako, aatras pa ba ako?

Lumabas na ako ng elevator bago iyon tuluyang magsara. Mabagal ang mga hakbang na binaybay ko ang daan patungo sa yunit na katapat lang ng elevator. kinakabahan at natatakot, natatakot sa maari kong makita.

Nung nasa tapat na ako ng pinto ay inipot ko ang lahat ng tapang ko. Pero sa tuwing poporma ako para katukin ang pinto ay pinanghihinaan pa rin ako ng loob. Sobrang bilis na ang pintig ng puso ko na wari mo'y lalabas na ito sa dibdib ko anumang oras. Ang kamay ko ay namamwis kahit malamig ang building.

Huminga ako ng malalim at pinahid ang mukha ko. Sinubukan kong pihitin ang doorknob na sa pagkagulat ko ay bukas. Ano 'yon paranginaasahan na nilang may darating?

Halos hindi ako humuhinga nang makapaso k ako sa loob. Madilim ang buong yunit. Tanging ang kapirasong liwanag na nagmumula sa nakaawang na pinto ang nagsisilbing ilaw.

Mabagal pa rin ang mga hakbang ko at nanginginig pa ako. Dahil sa pinaghalong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Nang makalapit ako ay dahan-dahan kong tinulak ang pinto.

At nagulat ako sa nasaksihan ko. Si Enrique ay natutulog sa kama at nakayakap sa kanya ang babae na walang iba kundi si Eunice.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Pero agad ding umalsa ang lahat ng naipon na galit ko kay Eunice mamula nung narinig ko ang boses niya sa voicemail.

Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang nangyari sa kanila kanina. Halatang wala silang suot sa ilalim ng kumot, patunay nito ay ang mga nagkalat nilang ddamit sa sahig.

Napahawak ako sa nakaawang kong bibig upang pigilin ang paglabas ng boses ko. Gusto ko silang sugurin pero parang napako ang paa ko sa kinatatayuan ko.

"MGA WALANG HIYA KAYO!" sa huli ay hindi ko rin napigilan ang galit ko. Napabalikwas naman ng bangon si Eunice, ganun din si Enrique. Napatingin ang huli sa akin tapos sa niya. Hinihimas niya pa ang ulo niya.

"Fucking shit!" Tanging nasabi niya ng mahimasmasan at mabilis na bumangon mula pagkakahiga. Gusto ko na sanang tumakbo pero hanggang ngayon at hindi pa ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Lara, mali ang iniisip mo." pagtatakip niya pa sa kagaguhang ginawa nila.

"Damn you! Anong akala mo sa akin tanga? Bulag?" nanggigigil na sigaw ko sa kanya nang makabawi ako. Mabilis ko rin silang tinalikuran at hinayaang muling tumulo ang mga luha ko.

"Mali ang nakita mo." pagsusmamo pa ni Enrique na alam kong naksunod sa akin. Nahawakan niya na rin ang braso ko.

"Tigilan mo ako! Sinabing hindi ako bulag!" ipiniksi ko ang kamay braso ko mula sa pagkakhawak niya. Nanggigigil na talaga ako sa galit at ang gusto o na lang gawin ngayo ay makalayo sa kanila.

Kaya hangga't kaya ko pang pigilin ang nararamdaman ko ay lumabas na ako ng kwartong iyon. Pero hindi pa man ako nakaklabas ng tuluyan ay nahawakan naman ni Enrique ang kamay ko.

"I'll explain love, please..." pagmamakaawa niya pa. Love? The heck!

Hinarap ko siya at ipiniksi ng kamay ko. "Wala ka nang dapat ipaliwanag, dahil nakita na ng dawalang mata ko." pinipigil ang maiyak na sagot ko sa kanya.

"Lara... babe..." parang nanghihinang tawag niya sa akin.

"Raffy kung ayaw niyang makinig, hayaan mo siyang umalis." sa narinig ko ay parang kumulo ang dugo ko.

Agad kong pinahid ang mga luha ko at hinarap sila. "Ikaw na malanding babae ka!" matapang ang boses na sigaw ko habang dinuduro-duro siya. "Mang-aagaw ka!"

Pero tinitigan niya lang ako na akala mo siya pa ang naagrabyado. Ewan ko pero parang nagdilim ang paningin ko kaya hinablot ko anf buhok niya.

"You are a whore! A bitch! A mistress" galit na galit nang sigaw ko na hinila pa ang buhok niya.

"Aahhh... Raffy, please help me... Aaaahh..." maarteng tili ng hitad na alam mong nag-iinarte lang. Kaya sa sorbang galit ko ay mas ginalingan ko pa ang paghila sa buhok niya.

"Lara please stop." pagmamakaawa ni Enrique. "Pag-usapan na lang natin ito." sa narinig ko ay parang nagpanting ang tenga ko. The way he said it, parang mas kinakampihan niya pa ang lintik na babae niya.

"Aahhh... ouch!" reklamo pa ng makating babae kaya hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa buhok niya.

"Lara please." pagmamakaawa na naman ng magaling kong asawa. Kaya binitawan ko ang buhok ng bruhang babae at sinampal si Enrique. Sa sobrang lakas aybumakat ang kamay ko sa pisngi niya. Pero nabigla ako nung hilahin ni Eunice ang kamay ko, buong pwesra akong hinila at biglang binitawan.

My god! Parang alam ko na kung ano ang susunod na mangyayari. Kasabay ng pagsigaw ni Enrique ng pangalan ko ay ang pagtama ng balakang ko sa pinto.

Then I felt it. Ang mainit na likidong dumadalot mula sa pagkababae ko pababa sa hita ko. Para akong nauupos na kandilang napaupo sa sahig.

Nanghihina ako. Bumagsak na ang mga luha ko at umiiyak na ako. Agad akong dinaluhan ni Enrique at binuhat. Naririnig ko pa ang paulit-ulit na pagtawag niya sa pangalan ko, pero naliliyo na ako, hindi ko na rin kaya ang dumilat. I wanted to cry. Natatakot ako. Natatakot akong mawala ang anak ko.

Kahit wala na ako sa tamang katinuan ay narinig ko pa ang pagpara ni Enrique sa taxi at agad akong sinakay doon. "Manong sa pinalama;ait na ospital, pakibilis!" apurang utos niya sa driver.

"Lara, wake up please!" basag ang tinig na tawag niya sa akin. Hinawakan niya pa ang pisngi ko habang kandong-kandong niya ako. "I'm sorry my love..." naiiyak nang sambit niya.

"Anak I'm sorry, please hold on..." basag ang tinig na sabi niya. "I love you..." bulong niya sa akin na humalik sa noo ko. "I'm sorry..." ulit niya pa.

Sa nanghihinang tinig ay nagsalita ako. "Kapag... may nangyari sa anak ko... Sinusumpa ko, hindi... kita... mapapatawad." naluluhang banta ko sa kanya.

Then I heard voices of people na hindi magkandaugaga bago ako tuluyang mawalan ng malay.

---

THANKS for .. nagka-error sa pag post kanina.. nagloko si watty...

~LEYN~

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now