FORTY TWO

384K 5.3K 254
                                    

CHAPTER FORTY TWO

LARA

It's Sunday, napagkasunduan namin ni Enrique na ipasyal si Ethan. Enrique suggested na mag-picnic nalang kami somewhere, but Ethan wants to see animals, dapat nga isa sa plan ko ay mag ocean park, pero since gusto ni Ethan ng animals, we decided na mag zoo. And here we are at Rizal sa Avilon Zoo.

"Mom, do you see that bird?" excited na tanong ni Ethan kahit nasa sasakyan palang kami. "Of course sweetie..." natutuwang sagot ko. Halatang-halata ang tuwa nito habang nakasilip sa bintana ng kotse, hindi tuloy magkandaugaga si Ate Tessa. Humahanap pa kasi si Enrique ng magandang parking space.

"I told you, magugustuhan nya dito." ngumiti ito sa'kin at hindi rin nakalagpas sa paningin ko ang pagkindat nya, kaya nahampas ko sya ng mahina sa braso. "O, anong problema?" nanlalaki ang matang tanong nito.

"Pakindat-kindat ka pa dyang nalalaman." natatawang sabi ko.

"What's wrong kinikilig ka ba?" pakiramdam ko namula ang pisngi ko dahil sa tanong nya, para kasing nakalimutan namin na hindi lang kami ang tao dito.

"O, bakit ka tumahimik," sinanggi pa nito ang braso ko.

"Tumigil ka nga." saway ko dito, nahihiya na ako kay Ate Tessa. Nanahimik nalang ako. Sira talga yang si Enrique, di man lang nahiya kay Ate, ang sasabihin nya panigurado 'mag-asawa naman tayo eh, walang masama.'

Madalas kasi sa bahay, bigla yang mangyayakap while I'm cooking o kaya pag nakita nya ako, ayoko naman ng ganun, specially, now that Ethan is growing tapos kasama namin si Ate Tessa sa bahay, minsan tuloy parang nahihiya yun, pag na-aabutan kami ni Enrique on a sweet position.

Maya-maya ay nakapag-park na din si Enrique, nauna nang bumaba si Ate Tessa at si Ethan, hindi na kasi nagpapigil eh. "Ate, ikaw muna bahala kay Ethan ha." bilin ko dito.

"Opo, Mam." sagot nito bago tuluyang bumaba. Sinundan ko ang tingin ni Ric, sinusundan kasi nya ng tingin ang anak nya at si Ate Tessa. Nang medyo makalayo na sila Ate sa kotse ay nagulat ako sa sumunod nyang ginawa.

Bigla niya akong hinalikan sa labi, sa una ay nanlalaki ang mata ko, but as he softens his kiss, napapikit nalang ako, while kissing him back. His hands have its own mind; his left hands were now cupping my face while his other hand ay humahagod sa likod ko.

Ang lalim na nang halik namin, muntik ko nang malimutan na nasa kotse pala kami, ano ba 'to, bakit ang bilis ko bumigay sa kanya, para naman akong ngayon lang nakipaghalikan sa kanya, dahil sa totoo lang I just can't get enough of him, hindi naman ako gan'to dati, nabuhay nga ako na wala sya for 4 years eh.

Tinulak ko sya nang mahina, kaya napahiwalay sya sa akin, hahabol pa sana sya ng halik, pero umiwas lang ako, pareho pa kaming naghahbol ng hininga pagkatapos nun, he is now looking at me, actually ay nagtititigan kami. I can see through those ash brown eyes, how he cares and how much he loves me. "I love you Lara." Mahinang bulong nito.

"I love you too, Ric." Bulong ko din na hinawakan pa sya sa pisngi.

"Ah-ouch!" natawa ako sa reaksyon nya, hawak nya na ngayon ang magkabilang pisngi nya. Anlakas na ng tawa ko dahil sa itsura nya. "Bakit mo ako kinurot?" parang batang tanong nito.

"Gusto ko lang." kibit balikat na sagot ko, natutuwa kasi ako parang ang sarap kurutin ng pisngi nya. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya, pero sya nakahawak pa rin sa kinurot kong pisngi.

"Oy Ric, OA na ha!" naptingin ako sa kanya, hindi naman siguro sobrang sakit yun, para um-acting sya ng ganyan. Hindi sya sumagot, tapos ipinikit nya pa yung mata nyang isa, na parang may nararamdaman syang masakit. "Uy, masakit ba talaga?" concern nang tanong ko sa kanya, parang iba na kasi, hindi naman siguro sya aasta nang ganyan kung hindi naman totoo.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now