EIGHT

565K 8.3K 146
                                    

CHAPTER EIGHT

LARA

Tuwang-tuwa ako habang pinapangas ang mansanas na sinawsaw sa suka't asin, grabe bakit ang sarap nito? Gan'to pala ang feeling kapag nagke-crave. Pero mabuti nalang talaga at hindi na nagtanong si Manang, dahil paniguradong mahihirpaan akong makalusot.

Pagkatapos kong kumain ay bigla ko na namang naalala ang bisita ni Daddy. Ano kaya kung sabihin ko nalang sa kanya? Hindi pwede, mahirap na. Baka mangialam pa si Dad, I know Lorenzo Ng. He doesn't want a digrace on his name, kaya nga sa matinding galit niya sa akin ay talagang hindi siya tumigil sa pangingialam sa pananahimik ko.

And I am sure na kapag nalaman niya ang sitwasyon ko. Paniguradong magagalit 'yon, pero kapag nalaman niya na ang business partner niya ang ama. I'm sure that he'll do his best to make him marry me. Lalo na't nangangailangan siya ng taong mamahala sa company niya. I know my father very well. For sure he's in favor of that Enrique because they are working together.

At 'yon ang ayaw kong mangyari, because I believe in the sanctity of marriage. Ayokong magpakasal ng dahil lang sa nabuntis ako. Call me hopeless romantic. But I wish to get married once I'm a hundred percent sure that I wanted to, and when the time comes that cupid target my heart bulls eye. Kasi ang kasal dito ay hindi naman pwedeng basta-basta nalang. Walang divorce and annulment will be processed for a long time.

-----

Nagising ako ng makaramdam ako ng pagkalam ng sikmura, hindi ako nasusuka, I just wanted to eat something. Tumingin ako sa wall clock at nakitang mag-aalas dose na ng madaling araw. Nagtulog lang pala ako sa kwarto maghapon. Pakiramdam ko kasi para akong laging pagod, maybe this is also part of pregnancy. Itatanong ko nalang sa OB ko sa next check-up ko.

'Yong apple lang pala ang kinain ko kanina. Kaya naisipan ko nalang bumaba, ayoko naman nang abalahin si Manang para ipaghanda pa ako. I can manage.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan and go directly to the kitchen. Ano kayang kakainin ko?

Nang makarating ako sa kusina ay agad kong binuksan and refrigerator at naghanap ng pwede kong kainin. "What to eat?" humawak ako pa ako sa puson ko na parang tinatanong ang baby ko kung ano ang gusto niya. "Ayoko na ng apple."

Nagpatuloy ako sa pagtingin sa laman ng ref, hanggang sa may mahagip ang mga mata ko. Ice cream bucket. Parang bata namang sabik sa ice cream na kinuha ko 'yon at nagmamadaling tumingin sa estante and saw the peanut butter and bread there.

Perfect! Kinuha ko 'yon at umupo na ako sa isang stool at nagsimulang magpalaman. Tapos na akong magpalaman, nang parang nakulangan ako. That's why I tiptoed back to the ref to get a tomato. Parang na-kyutan lang ako sa red tomatoes.

Halos nangangalahati na ako sa pangatlong peanut-butter-ice-cream-tomato sandwich ko nang maramdaman kong parang babaliktad na naman ang sikmura ko. Pero binaliwala ko lang 'yon, dahil minsan talaga ay may ganyan akong pakiramdam, simula nung magbuntis ako.

Pinagpatuloy ko ang pagkain. Buti nalang talaga at may kapirasong ilaw na nakabukas mula dito sa kusina, kaya kahit papaano ay nakikita ko pa ang kinakain ko. Sana lang talaga ay walang makahuli sa akin dito dahil talagang mabubuking ako.

Nang nasa pangatlong sandwich na ako ay tuluyan nang bumaligtad ang sikmura ko, kaya dali-dali akong tumakbo sa banyo at nagdududuwal sa bowl.

"Are you alright?" nagulat ako nang marinig ang baritonong boses na iyon, kasabay ng paghagod sa likuran ko.

-----

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon