TWELVE

582K 8.1K 219
                                    

CHAPTER TWELVE

ENRIQUE

Sa loob ng halos isang linggo naming magkasama ni Lara sa loob ng iisang bubong ay medyo nagkakausap na kami. Usually kapag uuwi ako, while we were having our dinner together.

I am surprised of the fact that she knows how to cook. Kaya naaaliw ako umuwi ng maaga, because I am always excited on what she have for the dinner. At napansin kong masyado akong maganang kumain. Pagkatapos imbes na tapusin ko 'yong inuwi kong trabaho ay madalas, bagsak na ako sa kama at umaga nang magigising.

Every morning naman pagpapasok na ako. Medyo hindi ko naman siya makausap ng matino. Kasi lagi akong tinataboy. Nasanay nalang ako dun, she already explained to me that her mood swings were brought by her so called 'paglilihi.' Basta sa umaga bahong-baho siya sa akin, kahit bagong ligo ako. Sa gabi naman, hindi siya nagrereklamo sa kung ano'ng amoy ko.

"Sir, what's with the frown?" nabalik ako sa huwisyo sa tanong na iyon ni Lyn, ang sekretarya ko.

"Huh?!" I asked her out of nowhere.

"Sir, masyado ka po kasing seryoso, parang ang lalim ng iniisip ninyo kaya hindi ninyo napansin na kanina pa ako nandito." She said na parang natatawa, Lyn was one of my loyal employee. Almost three years ko na din siyang sekretarya, kaya hindi na 'yan iba sa akin.

"Lyn answer me honestly, mabaho ba ang pabango ko?" I asked curiously, nakita ko ang biglang pagtawa niya. "I am serious Lyn." Tinakpan niya ang bibig niya para tumigil sa pagtawa.

She sniffed. "Okay lang naman Sir, bakit naman kayo na-concious?" tanong niya, pero kita ko sa mukha niya na may idea siya. "Naku, Sir ha! May pinopormahan ka no?"

Napangiti ako sa sinabi niya."Wala, it's just my wife." Nakanigitng sabi ko.

"Wife?! Are you kidding me Sir?" hindi makapaniwalang sagot niya.

"Yes, and I am not kidding you." I replied, nakalimutan ko pa lang sabihin sa kanya, dahil naging rush nga ang kasal.

"Paanong—galing ka lang sa Macao for your business trip tapos, kasal ka na agad." Naguguluhang komento niya.

"Last week lang 'yon, at hindi na ako nakatuloy sa Macao remember? Basta it's a long story." Hindi na nga ako pinasama ni Tito sa Macao, alagaan ko nalang daw ang anak at magiging apo niya.

"Ganun ba Sir. Congratulations na lang and best wishes to you and your wife." Ngiting-ngiting bati niya. "Ay Sir, curious lang ako, nakita ko na ba siya before? 'Yong asawa ninyo?" she curiously asked na halata ang excitement.

"Maybe, she's a model. Don't worry makikita mo din siya soon." I said smiling.

"I bet she's beautiful, na hindi ninyo kayang i-resist, halatang-halata iyon sa ningning ng inyong mga mata." Nang-aasar na sabi niya pa habang inaabot sa akin 'yong folder na kailangan kong pirmahan. Tapos nagpaalam na din siya.

-----

LARA

"What a boring routine?" I asked to myself. Nakakatamad pala kapag wala ka lang gagawin maghapon kundi ang kumain at magtulog. Hindi naman ako makalabas, dahil hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta.

Hay naku, ano kayang magandang gawin? Makapag-grocery kaya? Tama I should go to the grocery, para magkalaman na ulit ang ref dito sa bahay.

Sinubukan kong tawagan si Enrique. "Buenavista Tower's President's office, good afternoon." Bati sa 'kin nung sumagot. Oh so he was the President. Hindi ko 'yon alam, dahil hanggang ngayon ay estranghero pa rin kami sa isa't-isa. Kahit naman sabihing kasal kami at isang linggo nang nagsasama, hindi naman kami ganung nagkaka-usap.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now