FORTY THREE

356K 5.4K 165
                                    

dedicated kay _Casper_ binasa nya daw to.. *kaway-kaway*

CHAPTER FORTY THREE

LARA

Mangiyak-ngiyak din si Ate Tessa sa kakahingi ng sorry sa'min ni Ric, mula nung sumakay kami sa ambulansya, hanggang sa makarating kami sa ospital at ngayong nag-aantay sa labas ng emergency room.

Medyo kalmado na ako, pero di pa rin nawawala yung kaba sa dibdib ko. Tinanong na rin ni Ric si Ate Tessa kung ano ba talaga ang nangyari. Ang sabi nya, bigla daw tumakbo si Ethan, sinundan nya naman, malapit na syang lumapit nung biglang may kulay itim na sasakyan na papalapit, wala daw ilaw na bukas ang sasakyan. Bale sa kalkula nya, halos nasagi lang si Ethan, kaya ito gumulong tapos umatras na daw yung sasakyan tapos bumwelta na at humarurot ng takbo.

Hindi na niya nakita yung plate number, dahil mas inuna nyang lapitan si Ethan. Kaya ngayon nagsisismula nang tumawag si Ric sa mga pulis para ipatanong kung meron bang CCTV camera sa lugar na yun. Para ma-aksyunan na din, tinawagan ko na din si Daddy at papunta na rin sya dito.

Wala nang panahon para sa sisihan ngayon. Ang importante ay maging maayos si Ethan.

-----

Hindi na ako mapakali, isang oras na sa loob ng Emergency Room si Ethan, may dumating ding mga pulis, kinuhanan kami ng statement.

According sa mga statement ni Ate Tessa. Ang hint nila ay planado daw ang aksidente, dahil walang bukas na signal light ang sasakyan tapos agad itong tumakbo.

Sa ngayon ay ina-asahan nalang talaga nila ang CCTV footage mula sa security agency ng park na yun.

"Mam, Sir mauna na po kami, gagawin po namin ang lahat ng makakaya namin." paalam nito, nakipagkamay na sila kay Ric. "Thank you." ako naman ay tumango nalang at sumandal kay Ric.

"Everything will be alright babe, just trust God okay," bulong ni Ric sa'kin na hinalikan pa ako sa noo, tapos sininghot pa ang buhok ko.

Matagal na din kami sa ganoong pusisyon nang dumating si Daddy. Parang batang napatakbo ako dito. "Daddy..."

"What happened hija? Where's Ethan?" tanong nito, pero hindi ako makasagot. "Hijo, anong nangyari?" baling nito kay Ric habang yakap nya ako. At kinuwento ni Ric ang nangyari. Sinabi na rin ni Dad na tinawagan na nya ang mga kaibigan nyang makakatulong sa'min.

Natigilan naman kaming lahat at napatingin sa pinto ng emergency room nung lumabas doon ang doctor na naghandle kay Ethan.

"Doc, how's my son?"salubong agad ni Ric.

Para akong hindi makahinga ng maayos habang papalapit ang doctor, natatakot ako sa mga bagay na maaari kong marinig.

"As of now he is on a good condition." nakahinga naman na ako ng maluwag sa ibinalita ng doctor, "He just got some bruise on his body, while his head, I think he was saved by his angel, if you believe in such, but I guess nai-tukod nya ang elbow nya to save his head, that cause him to have a stable fracture." kaswal na paliwanag ng doctor.

"'Bout his head, well based on my observation, it seems like, wala naman syang severe head injury, so let's just wait and pray for a positive result of the CT-scan." Patuloy nito na ngumiti ng payak, as if assuring us that everything will be fine.

"Ahm, Doc, gising na po ba sya?" tanong ni Ric.

"He is still asleep, I think masyadong nabugbog ang katawan nya kaya para syang pagod, but he will be transferred to a private room soon." paliwanag nito. "If you may excuse me."

"Thank you Doc." napayakap ako kay Ric pag alis ng Doctor, pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik. "He's fine now." mahinang bulong ni Ric. Tumango-tango lang ako at yumakap lalo sa kanya.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now