THREE

683K 8.9K 134
                                    

CHAPTER THREE

LARA

Eight years ago...

"Hello Daddy?" maiyak-iyak ako habang sinasabi ko iyon. The moment na narinig ko ang boses ng Daddy ko ay hindi na ako magkamayaw sa pakikiusap sa kanya. "Dad, please go home, natatakot ako, mas lalong lumalala ang kalagayan ni Mommy, I need you beside me, and I know kahit hindi niya sabihin, she also needs your presence here. Dad please." Nasabi ko 'yon lahat sa kanya sa pagitan ng pagluha at paghikbi ko.

"Calm down my Princess, everything will be alright. I'll call you later, I'm in the middle of a meeting." Ilang ulit ko pa siyang tinawag pero ibinababa niya na ang tawag. Nanlumo nalang ako sa pangbabaliwala na ginawa ni Daddy.

Four months ago nung malaman ko ang sakit ni Mommy, that was after my 18th birthday, nung biglang sumpungin si Mommy at isugod sa ospital. N'un ko lang din nalaman na isang taon na pala nila 'yon alam ni Daddy, pero hindi agad siya pinagamot. My Mom has a stage 3 stomach cancer. Medyo mahirap nang agapan, lalo na ngayon na mas lumalala, dahil binalewala nga lang nila.

Two months ago ay labas-masok na si Mommy sa ospital, pero two weeks ago sinabi niya sa 'ming, pagod na daw siya, kaya kung okay lang na sa bahay nalang siya i-treat. So last week, bago umalis si Dad, papunta sa isa niya na namang business trip ay ini-stable na namin si Mommy sa bahay, kumpleto naman ang mga aparato na nakakabit sa kanya.

Pero iba na yung kagabi. Sumusuka na siya ng dugo kaya aligaga na ako sa pagtawag kay Daddy, na ngayon lang sumagot pero eto lang ang nakuha kong sagot sa kanya. That he was in the middle of a meeting. He's frustrating!

Dapat talaga ay hindi ko na tatapusin ang final quarter nung last semester ko dahil sa paglubha ni Mommy, wala naman kasing nag-aasikaso sa kanya, dahil sa kabi- kabilang business trip ni Daddy. Pero hindi ako pinayagan ni Daddy, sayang daw ang panahon kung titigil pa ako, two months lang daw, but that two months maybe the last moments I can spend with my Mom. So in the end sinunod ko pa rin si Dad. Siya naman ang laging nasusunod mula nung tumuntong ako ng college.

Galit na talaga ako kay Dad. Kung unahin niya ang business niya, parang wala siyang pamilya. I don't know how he turned to be a workaholic. Hindi naman siya ganyan dati.

A week after nga ay nawala na rin si Mommy. That was the summer bago ako mag third year college. Hindi ko alam kung ilang beses kong sinubukang tawagan si Daddy bago niya ako sinagot.

"Daddy, wala na si Mommy." Mahina ang pagkakasabi ko n'un, dahil hinang-hina na ako at pagod na ako sa kakaiyak. Mahabang katahimikan ang namagitan bago siya muling nagsalita.

"Okay Hija be strong, uuwi ako the day after tomorrow." D'un na ako tuluyang nawalan ng amor kay Daddy. Dahil totoong dalawang araw ang pinalipas niya bago siya umuwi. Mas pinili niyang tapusin ang deal niya sa Singapore.

After namin maipalibing si Mommy, mga ilang araw lang siguro ay bumalik na naman siya sa pagta-trabaho. Hindi man siya nagbusiness trip or pumasok sa office pero nagta-trabaho naman siya sa office niya sa bahay. Nag-umpisa na akong umiwas sa kanya. Lumalabas lang ako ng kwarto kapag alam kong busy siya. Minsan nagpapadala na lang ako ng pagkain sa kwarto.

Nung nagpasukan ay d'un ako nagrebelde. In the first place naman ay hindi ko gusto ang course na pinakuha niya sa 'kin, which is BS in Economics. Pinilit ko lang iyon gustuhin dahil lang sa pakiusap ni Mommy. Then Dad always reminds me of the responsibility I need to fulfill once I finish schooling. Kahit nung mga panahong critical na si Mommy ayan ang lagi niyang pinapaalala sa akin.

Sa pagrerebelde ko ay hindi ko naman totally pinabayaan ang pag-aaral ko. Pumapasok naman ako sa school, pero natututo na akong gumimmick wih my friends every Friday and weekends. Nawala na ako sa Deans List. Para saan pa ba ang pagsisikap ko na makakuha ng magandang grades kung wala namang mag-aapreciate sa effort na gagawin ko? Hindi na rin ako umuuwi sa Bulacan. Wala naman na akong uuwian d'un dahil busy ang Daddy kong magpalago ng pera niya. Well, magtrabaho siya hanggang gusto niya I will spend all his money.

Hanggang sa umabot ako ng fourth year at kinausap na ako ni Daddy about sa pagpapalakad ng business. Kesyo, pag-ayusan ko daw ang pag-aaral ko, dahil pagka-graduate ko ay sasabak na ako sa company. 'Yon ang lubha kong ikinagalit, so that was his real plan kung bakit niya ako pinagpilitan kunin ang course na ito kahit may gusto akong iba. Pinagbigyan ko siya sa pagkuha ng course na ito pero hindi ko na siya pagbibigyan ngayon.

Before I graduated, planado ko na ang mga gagawin ko. I planned of running away with the trust fund from my Mom that I would be getting once I finished my schooling.

So after my graduation ay nilagay na nga iyon ni Daddy sa account ko. Then he told me to take a rest habang summer bago ako sumabak sa company. Pero it never happened. Kasi pagkabigay ng trust fund ko ay binili ko na agad ang condo na matagal ko nang inire-reserve. Lumayas ako ng mansion, at bumili ng sariling sasakyan. Bukod naman doon ay may mga natabi pa akong pera mula sa mga allowance ko nung nag-aaral ako, I put it on a separate account na hindi under sa pangalan ni Daddy. Hindi niya agad nalaman ang paglalayas ko dahil nasa business trip siya.

Buti na lang talaga at wise ako, dahil nung nalaman ni Dad ang paglayas ko ay hi-nold niya na lahat ng cards ko, 'yong tira naman sa trust fund ko ay nilagay ko din sa account ko. Pinuntahan niya ako sa condo ko, pero hindi ko siya pinagbuksan. I also ignored his messages and calls.

After a week or so, ay hindi na siya nangulit. Akala ko n'un sumuko na siya. Kaya nagstart na ako mag-apply for a Modeling Agency, because that was what I really wanted to do. Papatunayan ko kay Dad na hindi ko kailangan na magtrabaho sa company niya.

In the first place naman talaga ay Modeling ang gusto ko. Pinilit ko lang ipursue ang gusto ni Dad, dahil na din sa paki-usap ni Mommy, she said na sa itsura ko daw, matatanggap agad ako sa modeling once I graduate from college. Study first ang policy ni Mommy at mas maigi na daw na may matapos na degree even if you are a successful model.

Pero, hindi pala ako nilubayan ni Daddy. Matindi talaga ang pagtutol sa 'kin ni Dad. There was this time na, ayos na ang deal ko sa isang modeling agency, when suddenly na-dissolve ang contract even before I signed it. I know my father was the reason behind it. I know his connections, kayang-kaya niya akong gipitin. Hinayaan ko na iyon. So I tried to apply to a new company. Isang pipitsuging agency. Hindi na siya nangialam, maybe because he thought na wala akong patutunguhan sa agency na iyon. But he was wrong kasi, in my five years working in that company, sumabay ang pagganda ng career sa pag-angat ng agency. That made me famous in Modeling and Runway Industry.

I became the famous Cassie Lopez. Yes, I used my second name Cassandra and my Mom's last name. Ayokong gamitin ang pangalan ni Daddy dahil ayokong gamitin ang connection niya sa anumang maari kong marating.

Hindi na rin nanggulo si Daddy. Maybe he accepted his defeat, pero I'm sure alam na niya lahat ng whereabouts ko, dahil paniguradong pinababantayan pa rin niya ako. Saan pa ba niya uubusin ang milyones niya?!

--------

happy birthday to me... (11/24/2013) this chapter is dedicated to myself...

thank you for reading!

-LEYN-

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now