TWENTY SIX

479K 6.2K 171
                                    

CHAPTER TWENTY SIX

LARA

"Cassie, Hannah is trying to call you for the millionth time." bungad sa akin ni Manager Joe, pagkatapos na pagkatapos ng shoot ko.

Agad ko namang kinuha sa kanya ang phone ko para tignan at matawagan na si Hannah.

Yes, that was Manager Joe, my former manger in the Philippines. At dito na kami nagkita sa Australia, nagkaroon kasi siya dito ng sariling modeling agency.

Yes, I am her talent pero part time model niya lang ako, minsan naman ay taga train ng mga bagong modelo. Nakasalubong ko lang siya sa isang mall nung unang taon ko dito sa Australia.  Madaling naasikaso ni Dad ang mg papeles ko noon kasi halos lahat ng kamag-anak ni Mommy ay dito na nakatira.

And speaking of my Dad. Nagkaayos na kami, naipaliwanag niya na sa akin ang lahat-lahat. 'Yong mga bagay na pinagmulan ng galit ko sa kanya. Sinabi niya sa akin na kagustuhan ni Mommy na huwag siyang ipagamot. At ito rin ang may kagustuhan na lumayo si Dad, para hindi siya kaawaan habang unti-unting kinakain ng sakit niya ang ganda at lakas niya.

Kung nalaman ko 'yon noon pa ay hindi sana umabot sa sitwasyon kung saan nag-away kami ng matagal. At hindi rin aabot sa punto na magtatagpo kami ng landas ni...

Nawala ako sa pagbabalik tanaw nang marinig kong tumunog ang phone ko.

"Bakit Hannah?" bungad ko sa pinsan ko, nang sagutin ko ang tawag.  Pero parang alam ko na kung bakit siya tumawag.

"Your son is looking for you, matagal ka pa ba?" hindi ako nagkamali.

"No actually I'm on my way."  sagot ko na nagmamadaling tumakbo sa parking dahil paniguradong nag-aapura na si Ethan.

"Mommy..." hala mukhang umiiyak na. "Aunt Hannah, doesn't want to play with me." sumbong niya with his Ausie accent.

Ganyan talaga 'yang dalawang 'yan, laging hindi magkasundo. Napaka-isip bata kasi ng pinsan kong si Hannah, pamangkin ni Mama sa kapatid. She was twenty-two, pero kung makipag-asaran sa three years old ang inam.

And my Ethan, magpo-four na siya next month. Excited na nga ako e. Ang bilis lang ng panahon, parang kailan lang nalaman kong buntis ako, pero ngayon lumalaki na ang anak ko. He was the best thing that ever happened to me.

Kahit malaking paghihirap ang naranasan ko four years ago, he was worth it. Nung mga panahong hiniling ko kay Dad na ialis ako sa Pilipinas. Ilang beses din niya ako tinanong kung sigurado ako bago niya inasikaso ang lahat. Inabot siya ng isang linggo para maayos lahat ng papeles ko. Ang nagagawa ng maraming koneksyon.

Sobrang hirap ng naging buhay ko nung makarating ako sa Australia. Hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa muli, kung paano ako mamumuhay dito. Aminin ko man o hindi, pero may hinahanap ako. Nalulungkot ako na mag-isa lang ako.Tumira ako sa isang apartment na hindi kalayuan sa bahay ng mga Tita ko. Then Hannah came, my cousin. Sabi ni Tita Ana ay pwede daw sa akin muna tumira si Hannah, para may makasama at maka-usap ako.

Si Hannah ang nagpasyal sa akin sa Australia. Medyo naging okay ako, pero sa kabila n'un ay madalas pa rin akong umiiyak sa gabi. Halos isang buwan 'yom. Pero kailangan ko iyong tanggalin sa sistema ko, kaya tinatagan ko ang loob ko at sinubukang pigilan ang madalas na pag-iyak ko.  Napapagalitan kasi ako ng doctor ko dito.

Hanggang sa palagay ko ay nakapag-move on ako. Nag-file ako ng petisyon for annulment. Pero sa ilang ulit kong nagpadala sa kanya ay walang ni isang bumalik. It means nire-reject niya iyon.

Ewan ko kung kung bakit hindi niya pa rin pinipirmahan. e halos pinabayaan niya na rin naman kami. Kung may halaga naman kasi kami sa kanya, bakit hindi siya sumunod dito? Hindi ko alam kung bakit, pero sa totoo lang, nung mga unang buwan ko dito ay umaasa ako. Pero wala e, hindi naman siya sumunod.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now