Chapter 1: A Dream Come True

428 15 4
                                    

Posted the video version of this story. Video on the side. Some parts of the this story may not be told in the VIDEO VERSION. The VIDEO VERSION is only a summary. =)

================================================================================

*A Dream Come True*

Sa love, maraming possibilities. Things go and new opprtunities come in our way. At minsan, kailangan natin kalimutan ang taong isinisigaw ng puso para sa taong mahalaga sa atin at ayaw natin masaktan. 

[Leo's POV]

"Mahal kita Leo!" narinig ko ang sigaw ni Nicole mula sa malayo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Unti-unti ko siyang nilapitan. Malapit na sana ako kaso, biglang nagdilim ang paligid at unti-unting nawala sa paningin ko si Nicole.

"Leo! Hoy Leo! Gising na!" idinilat ko ang aking mga mata. At bumulaga sa akin si Kuya Cocoi. Hindi ko alam kung anong meron kung bakit niya ako ginising, ang alam ko lang, madaling araw pa lang. Kinuha ko yung cellphone ko na nasa maliit na table sa tabi ng kama ko, tinignan ko ang oras, 4:00 am.

"Kuya ano bang meron? Ang aga-aga pa ah!" sigaw ko kay kuya. Asar-asar na talaga ako. Bangag pa ako kasi naman ala-una na ng madaling araw ako natulog kagabi. 

"Leo, ngayon ang dating ni Nicole mula San Francisco, California. Eh diba, tayo ang susundo sa kanya." Ay oo nga pala, ngayon nga pala ang dating ni Nicole. Nakalimutan ko. 

Si Nicole nga pala yung bestfriend namin ni Kuya Cocoi. Siya din yung ex ni kuya. At si Nicole ang lihim na nilalaman nitong puso ko. Gusto ko sanang umamin kay Kuya, pero baka magalit sakin yun, mahal na mahal niya pa kasi si Nicole. Pero, kahit ako, hindi ko alam ang dahilan kung bakit sila nag break ni kuya. Nagulat na lang din ako ng malaman ko yun kay kuya. Kasi noon naman, sobrang saya nilang dalawa eh.

Halong emosyon ang nararamdaman ko habang papunta kami sa NAIA. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Ang tagal ko nang naghintay para sa pagkakataong ito. Limang taon din na paghihintay. Pero inaalala ko pa rin si kuya. 

"Leo, nandito na tayo. Tara na." Nasa NAIA na pala kami, ang bilis naman. Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala kami. Sana hindi ako pangunahan ng emosyon. Pipilitin kong pangunahan ang nais gawin ng puso ko.

"Nicole! Nicole!" Sigaw ni Kuya Cocoi. Nakita ko si Nicole na papalapit sa amin. Ang ganda pa rin niya, wala siyang pinagbago. Pero sana, siya pa din ang Nicole na pareho naming minahal ng kuya ko. 

"Hi Coi! Hi Leo! Namiss ko kayo!" Tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya. Gusto ko sa siyang yakapin, kaso baka makahalata si kuya. 

"Wag ka na umiyak Nicole, nandito na kami oh, magkakasama na ulit tayo." Sinubukan pawiin ni kuya ang mga luha ni Nicole, pero kinuha lang ni Nicole ang panyo at pinunasan yung mga mata niya. Kung pwede lang, ako na sana ang pumawi sa mga luha niya. 

Bigla kong naalala noong una kaming magkita ni Nicole. Naglalaro kami ni kuya sa labas ng bahay ng dumating yung mga bagong lipat sa katabing bahay nung amin. Tapos, nakita namin si Nicole, aksidenteng natamaan ni Kuya Cocoi ng bola si Nicole. Dali-dali kaming lumapit ni kuya upang mag-sorry sa kanya. Akala namin galit siya, kasi nakatungo, yun pala, tinatawanan lang niya kami kasi sobrang sorry kami ni kuya, paiyak na nga kami.

"Leo! Tara na!" Nawala ako sa pag-iisip, nasa van na pala sina kuya at Nicole. 

"Nicole san mo gustong pumunta?" Tanong ni kuya. 

"A-ah sa bahay niyo nalang muna siguro, gusto ko magpahinga." 

Buong trip, tulog lang si Nicole, pagod ata talaga. Kung sabagay, mahirap pa mag-adjust sa time zone tska baka dahil na rin sa jetlag. Dumating na din kami sa bahay. Ako na ang gumising kay Nicole, ang ganda niya kahit natutulog. 

Para siyang anghel. Gusto kong hawakan ang mukha niya. Gusto kong hawiin ang buhok niya. Tapos, bigla dumilat yung mga mata niya. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Leo, nandito na ba tayo?" 

"Oo, Nicole. Tara na, pasok tayo sa loob."

Diretso kami ni Nicole sa sala. Bagsak lang kami bigla. Katabi ko na siya sa sala. Bigla siyang sumandal sakin. Kinabahan ako bigla. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Leo, tulungan mo ko dito! Baba natin mga gamit ni Nicole." Kahit kelan talaga tong si kuya, panira! Ang saya na sana ng araw ko eh! Sinira pa! Nakakabadtrip talaga!

"Oo na eto na! Teka lang!" sagot ko kay Kuya Cocoi. Kahit na nakakabadtrip, sinubukan ko itago ung nararamdaman kong asar kay kuya. Para na rin kay Nicole, ayaw na ayaw kasi nun na nag-aaway kami ni kuya eh.

"Oh, eto na yung huling gamit ni Nicole, pwede na ba akong umupo at magpahinga?" Sabi ko kay Kuya Cocoi. 

"Sige na Leo. U-uh,Nicole diyan muna kayo ni Leo. Maliligo lang ako."

Patay. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko umamin, ayoko sabihin sa kanya na mahal ko siya, pero hindi ko mapigilan ang sinisigaw ng puso at ng utak ko. Eto na ang pagkakataon na matagal ko nang hinihintay, aamin na ba ako?

"Uy, Leo, tahimik mo ah. Kanina ka pa tahimik eh. Kamusta ka na pala?" tanong ni Nicole. Anung sasabihin ko? Hindi ako makapagsalita kasi naman baka bigla nalang akong madulas at masabi ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.

"N-Nicole..." 

"Oh bakit Leo? Anung nangyarri sayo, pautal-utal kang magsalita. ahaha." Tawa lang siya ng tawa. Ako naman, nangiti nalang.

"N-Nicole, m-mahal kita!" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Anu pa bang magagawa ko, nagawa ko na. Tumigil siya sa pagtawa. Tapos, tinignan niya ako sa mga mata.

"Leo, mahal na mahal din kita. Ang tagal kong hinintay na mangyari to." Pag-amin ni Nicole. Bumilis ng bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Tapos, bigla nalang nagdilim ang paligid. Hindi ko alam kung bakit. At bigla nalang nawala si Nicole. Unti-unti siyang naglaho. Narinig ko nalang ang mga sigaw niya..."Leo! Leo! Leo!"

"Hoy! Leo! Gising na!" Narinig ko ang boses ni Kuya Cocoi. Idinilat ko ang aking mga mata. Nakita ko si Kuya Cocoi sa harapan ko. 

"Oh, buti naman nagising ka na Leo. Kanina pa kita ginigising." Naalala ko yung mga pangyayari kanina. Lahat ba yun, isang malaking panaginip lang? Yung pag-amin ko. Isang malaking kalokohan lang pala. Asa naman ako na totoo yun, Kinuha ko yung cellphone ko, tinignan ko yung oras, 4 am.

"Anu ba meron kuya?" 

"Susunduin natin si Nicole, galing San Francisco, California." Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Cocoi. Ganitong-ganito ang mga nangyari sa panaginip ko kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang mga nangyayari. Mahal na mahal kita Nicole...

The Fifth WheelWhere stories live. Discover now