Chapter 6: Stargazer

96 4 0
                                    

*Stargazer*

[Leo's POV]

*yawn*  Grabe, antok na antok pa ako at ang sakit pa ng ulo, hang-over mula sa pangyayari kagabi, pero kailangan kong gumising ng maaga coz today's the BIG day! Panahon na para magconfess ako kay Jessy ng tunay kong nararamdaman para sa kanya. Pababa na sana ako nang biglang bumukas yung pinto... 

"Bro! Ready ka na?" Ay putek na yan! Umagang-umaga mukha pa ni Kuya Cocoi ang bumulaga sakin. Anu ba pinagsasabi nito?

"I'm so proud of you Leo!" Tapos bigla akong niyakap. Ay asdbhjsf! o.O 

"Kuya? Are you gay?"   >.>    Kadiri naman kasi eh! Panira ng araw. Akala ko pa naman mula umaga hanggang gabi magiging masaya 'tong araw ko. Eh sa ngayon palang sira na eh! Tinanggal niya yung pagkakayakap niya sakin.

"G*go ka ba? Kuya mo 'to! Kaya nga kuya eh! Hindi ate! KUYA kasi nga lalaki diba?" Ay tanga. Nag-iisip ba naman 'tong kuya kong 'to? Mas matured pa nga ata ako mag-isip kesa dito eh. Haha! XD

Hinawi ko siya paalis ng pinto. "Hay! Bahala ka nga diyan! Gulo mo eh! Pacheck-up ka nga ng utak!" XD Nakakabanas talaga. Umagang-umaga eh. Dumiretso ako sa refrigerator para kumuha ng juice kaso bigla naman sumulpot sa harapan ko si Nicole. Oo nga pala, dito nga din pala siya nakikitulog sa bahay.

"LLLLLLLLLLLLEEEEEEEEEEEEOOOOOOOOOOOO! Ang sweet-sweet mo naman!" Grabe, naguguluhan na talaga ako sa mga tao sa bahay na 'to. May nangyari ba kagabi na hindi ko alam? Nababaliw na mga kasama ko sa bahay na 'to eh! Nakakatorete na. 

"Ano bang pinagsasabi niyo?"

"Alam na NAMIN yung tungkol doon sa confession plan mo!" Ay asgfhsad! Pano nila nalaman? Tapos, bigla ko nalang naalala yung nangyari kagabi.

[flashback]

Nagpunta kami sa bar. Patuloy lang kami sa pag-inom hanggang nalasing na ako...

"Leo, mahal mo napinsan ko no?" At dahil wala na nga ako sa katinuan...

"Nicole, mahal na mahal ko na si Jessy! At bukas, aamin na ako sa kanya! May confession plan pa nga ako eh!" Kinuha ko yung papel sa bulsa ko. Palagi ko kasing dala-dala 'tong papel na 'to kasi baka mawala kung iiwanan ko sa bahay. 

[back to present]

asdbjgsd!! GRAAAAA!! Sabi na! Mali yung pagsama ko sa kanila kagabi eh! Haaay! Well, might as well go on. Them knowing my plan can't destroy it right? 

"So, Nicole, tingin mo magugustuhan niya yung gagawin ko?" Wala na akong ibang mapagtatanungan at mapagkakatiwalaan kundi si Nicole lang.

"Hay. Anu ka ba Leo. Syempre, magugustuhan niya yun! Ang sweet kaya! Be confident Leo. Kaya mo yan! Ikaw pa!" Sana nga tama ka Nicole. I hope na hindi ako maturn down. 

*Calling Jessy*

C'mon Jessy, please answer the phone. Para hindi ako masyadong mahalata sa plano ko, sasabihin ko sa kanya na kasama sina Kuya Cocoi at Nicole. 

"Hello?" Ayun! Buti naman sinagot mo! 

"Uh. Hi. Si Leo nga pala 'to. Yayayain lang sana kita sa gimik mamaya. Kasama sina Kuya Cocoi at si Nicole. Libre ka ba? Pero kung himdi ka talaga pwede ok lang din naman." Sana pwede, sana pwede, sana pwede! [fingers crossed]

The Fifth WheelWo Geschichten leben. Entdecke jetzt