Chapter 16: Your Hero

106 1 0
                                    

A/N: sorry sorry sorry po! at ngayun lang nakapag-update! ang hirap kaya ng senior life! hahaha! xDD pero, eto, finally! makakapag-update na din! :)))

Dedication: Ako ang hero mo. Isigaw mo lang ang pangalan ko.  ily. <3

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>><<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

Chapter 16

*Your Hero*

[Gillain's POV]

"Uh.. G-Gillain, sigurado ka na ba diyan sa plano mo?" Nawala ako sa pag-iisip ng bigla nalang akong tanungin nitong shonga-shonga kong katabi.

"Oo baket? Wala ka nang pakielam kung gusto kong ituloy o hinde." Tss. Bwiset naman kasi 'tong si Hiro. 

"Eh, mamaya balikan ka niyan. H-Hindi ka ba naniniwala sa karma?" Grrr! Nakakaasar na 'to ah! His such a pakielamero! >______<

"Che! Karma mo mukha mo Hiro! You know what? Just get the hell outta my face!" Bihira na nga ang mga lalaking mauuto, etong asong 'to, tanga-tanga pa! Grr! Nakakastress! 

"P-Pero Gillain..." Nagmamakaawang mukha... Hahaha! He's so hopeless! 

"Are you deaf or something? I said get outta my face!" At ayun, tumigil rin sa paglalakad ang aso. Buti nalang.

Hmm? Nagtataka kayo kung ano ang plano ko? Well, it's pretty simple, i'll destroy Cocoi's life like he destroyed mine! At pano ko naman gagawin yun? Eh di paghihiwalayin ko sila ni Nicole! Oh diba? It's a brillian plan! Dontya agree with me? Mwahahaha! 

[Hiro's POV]

Marahil nagtataka kayo kung sino ako? Ako si Hiro Fukiyama. Isang out of this world nerd. Ang lalaking palaging out of place. Ang tanging tao dito sa school na walang kaibigan. At ako lang naman ang sunud-sunuran kay Gillain na parang aso. Tawagin niyo na akong tanga kung tanga pero kung mahal mo ang isang tao, magpapakatanga ka naman talaga diba? 

Naalala ko pa yung araw na unang kong nakilala... Para kong namatay... Para kong napunta sa langit...

[flashback]

"Acceleration is equal to the speed of light if it is in equinox with the velocity of the speed of sound times the value of x multiplied and then divided to two times the added sum of... *SYNTAX ERROR*(wala na akong maisip. xDD)."

"Aray!" Bigla nalang nalaglag yung libro ko sa Physics. Tapos ng iniangat ko yung ulo ko... WOOOOOOOOOOOW. Isang ANGHEEEEEEL... O_____________O

"S-S-Sorry angel from heaven..."

"Anung angel from heaven ka diyan! Tumingintingin ka nga sa dinadaanan mo ha! Paharang-harang! Tulungan mo nga ako!" Iniabot ko ang kamay ko sa napakagandang nilalang. Hindi ko napansin yung mga nauna niyang sinabi, ang narinig ko lang ay tulungan mo ako... 

Ang lambot ng kamay niya... Ang kinis ng balat niya... Parang heaveeeeeen...

"A-Anu ba! Bitawan mo nga ako nerd! Kadiri ka! Alis nga! Baka isipin pa ng mga tao diyan eh friend kita!" Tapos, agad-agad naman siyang naglakad palayo sa akin. Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. At napahawak ako sa dibdib ko, yung puso ko. Nagmahal na ata na iba sa pag-aaral... 

Simula ng araw na 'yon. Palagi ko siyang pinapadalan ng love letters, palagi kong iniiwan sa locker niya. Palagi ko siyang sinusundan hanggang sa pag-uwi. Mamaya may kung sinong loko ang umaaligid sa kaniya. Marami pa namang mga loko sa daan. Hindi ko naman siya malapitan, ayokong layuan din siya ng mga tao... Okay na sa akin ang nakikita ko siya sa malayo... Makita ko lang siya, kumpleto na ang isang araw ko...

Pero isang araw, may di ako inaasahan na pangyayari...

Palagi kasi akong dumadaan sa bahay nila, naninigurado lang kung naka-uwi na siya...

Kasama niya si Cocoi. Hindi ko alam kung anung meron sa kanila pero palagi ko silang nakikitang magkasama, pero kahit na nagseselos ako, wala akong magawa kundi panuorin sila sa malayo.

Nakita ko siyang bumaba ng kotse at tumakbo sa loob ng bahay nila... Umiiyak siya... Hindi ko maiwasan magtaka at magalit kay Cocoi. Pero, hindi ko naman alam ang nangyari... 

Kinabukasan, inabangan ko siya sa may garden ng school. Nakita ko siya dun, mag-isa lang. Kitang-kita ko na pula pa yung mga mata niya, tapos, umupo siya sa isang bench at bigla nalang umiyak. Pagkakataon ko na 'to. Kailangan niya ng comfort so kailangan ko tatagan ang loob ko... Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at iniabot ko yung panyo ko...

"Uhm... A-Ah. G-Gillain? E-Eto p-panyo oh..." Tinaas niya yung ulo niya pero inilayo niya lang yung tingin niya sakin...

"Malinis 'to. Di ko pa 'to ginagamit..." 

"Lumayo ka nga sakin! Ayoko ng bwiset sa buhay ko ngayon!" Nagulat ako sa sinabi niya, at hindi ko na napigilan ang damdamin ko... Tumulo nalang yung luha ko...

"Ano bang problema mo Gillain!?! Nandito na nga ako para maging isang kaibigan! Pero pilit mo pa rin akong nilalayo!" 

"Problema? Gusto mo malaman ang problema ko? ANG PROBLEMA KO! NAKIPAG-BREAK SAKIN KAGABI YUNG LALAKING MAHAL NA MAHAL KO! YAN ANG PROBLEMA KO! ANO MAY MAITUTULONG KA!?!" Para akong binagsakan ng sandamakmak na semento sa dibdib. 

"Alam mo, iyan ang problema sayo! Maraming lalaki diyan! Malay mo, mas higit pa sa Cocoi na yun! Andame diyan kung maghahanap ka lang!"

"SIGE NGA! ASAN!?! ITURO MO!" Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko...

"AKO GILLAIN! AKO! MAHAL KITA GILLAIN! SIMULA NUNG UNA KITA MAKILALA! KAHIT NA PINAPALAYO MO AKO! GUSTO KITANG KALIMUTAN PERO DI KA MAGAWANG KALIMUTAN NG PUSO KO! Please Gillain, give me a chance. Ipapakita ko sayo na hindi lang ako isang nerd na walang kwenta. Alam ko hindi ako kasing gwapo ng mga lalaki diyan, pero ipapakita ko sayo na mahal na mahal kita! Pangako."

"SIGURADUHIN MO IYAN NERD! SUSUNDIN MO LAHAT NG SASABIHIN KO SAYO! MALIWANAG?!?"

"Oo. Pangako."

[back to reality]

Kahit na ganito kami. Kahit na utus-utusan niya lang ako. Kahit na magmukha pa akong tanga sa harap ng maraming tao... Ayus lang. Kasi, kahit papano, naipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kahit na umaasa pa rin siyang mamahalin ulit siya ni Cocoi. Kahit na hindi niya ako mahal... Sabi nga nila, "Sa love, walang hinihinging kapalit..."

The Fifth WheelWhere stories live. Discover now