Chapter 9: Forgotten Life

108 3 1
                                    

*Forgotten Life*

[Cocoi's POV]

"He's currently on a 50/50 state..." Iyan ang huli kong narinig na sinabi sa akin ng doktor. Inabutan ko si Leo dito sa ospital na nasa emergency room. 

"Papasukin niyo ako! K-Kapatid ko iyan!" Pinilit kong itulak yung mga nurse na humaharang sa akin sa pinto. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. 

"Sir, please. We will do anything to save your brother. Please stay there." Ano ba ang alam nila!?! Hindi ba nila na nag-aalala ako sa kapatid ko? 

"Coi, please. Just stay calm." Hinawakan ni Nicole ang braso ko at pinilit akong paupuin sa isang silya sa labas ng emergency room. Sinunod ko naman siya. Itinakip ko ang mga kamay ko sa mukha ko. 

"Panginoon, ako na po ang humihingi ng tawad sa inyo. Kung anu man po ang nagawa ni Leo, ako nalang po ang parusahan niyo. Wag niyo pong pababayaan ang nakakabata kong kapatid. Mahal na mahal ko po si Leo. Sa akin niyo nalang po ipasa ang paghihirap na nararanasan niya ngayon." T___T

"Cocoi, everything is going to be alright." Itinaas ni Nicole ang mukha ko at pinunasan ang luha ko..

"Nicole, how could I think of being alright if my own brother's life is on the verge of being taken away? Tell me how?" Tuloy pa rin ang pag-iyak ko. Hindi ako mapakali sa mga pangyayari...

"And do you think crying would make it all better? Huh? BELIEVE in GOD. Remember Coi, God is always there to help us in great troubles." Pagkatapos niya sabihin yun, parang nawala ako sa sarili ko. Siguro nga. Palaging andyan si God. 

====================================================================================

Makalipas ang ilang oras, lumapit sa amin yung doctor...

"Your brother has lost a lot of blood..."

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Hinawakan ko siya sa kwelyo ng damit niya. "Tell me, is my brother okay now?!?" 

"Y-Yes. Y-you can go see him now. P-Pero..." Nanginginig na sabi ng doctor. Ano? Pero?

"PERO ANO?!?" Lalo akong nagalit sa kanya.

"T-The p-patient had a mild concusion meaning..."

"MEANING ANO?"

"H-He might not remember you guys for some time. But there's a possibility that he might regain some of his memories." 

"MIGHT?!? What the F*CK! Can't you do anything? I thought you were a doctor?" Sasapakin ko na sana siya pero pinigilan ako ni Nicole.

"Cocoi, ano ba! Tigilan mo na yan! Just listen to the doctor. Kumalma ka muna ng onti okay?"

"We can't do anything about his memories. It's up to you to regain his memories, Show him things that is important to him and he might remember. Just explain everything to him when he wakes up."

Napaupo ako sa isang sulok. At muli na naman dumaloy ang luha sa mukha ko.

"Buhay nga ang kapatid ko. Pero nawala naman ang alaala niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko..." Lumapit sa akin si Nicole.

"Coi, ok na yun. At least buhay si Leo. And the doctor said that all we need to do is make him remember and make him regain his memories. I'll help you get through this. Coi, nandito lang ako, tutulungan kita. Tandaan mo yan." Hinalikan niya ako sa noo, na naging dahilan para mapakalma ko ang sarili ko.

"S-Salamat Nicole."

Pinuntahan na namin si Leo sa kwarto niya. Ilang oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin siya nagigising. 

"U-uhh.." Narinig ko si Leo. Oo, siya yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Unti-unti siyang nagkamalay. At hindi ko inaasahan ang mga narinig kong salita na nanggaling sa kanya...

[Leo's POV]

Tumakbo ako sa kalsada at...

At ano? Wala akong maalala. Sa ngayon wala pa rin akong malay. Sino ba ako? Pero, sa isipan ko, nakikita ko ang sarili ko na tumakbo sa kalsada at nabunggo ng isang kotse. Hanggang doon lang ang naalala ko. Hindi ko din alam kung anong buhay ang aabutan ko pagnagkamalay na ako. Anong mundo ang haharap sa akin pagmulat ko ng mga mata ko?

Pero, may isa pa akong naalala...

"Nicole, mahal kita." Nakikita ko ang sarili ko, sa isang bahay. Hindi ko alam kung saan 'to. Bahay ko ba ito? At may isang babae, hindi ko masyadong matandaan ang itsura niya pero, malinaw kong nakikita ang paligid ko at ang sarili ko. Siya ba? Si Nicole. Ang taong mahal ko...

"U-uhh." Iyan lang ang nasabi ko. Nararamdaman ko na unti-unti nang nagkakamalay ang katawan ko. Pero nawala ulit ako sa sarili ko at pumasok na naman ako sa isang panaginip...

Nakikita ko ang sarili ko sa isang ilalim ng puno. At may isang babae, malamang si Nicole ito. 

"Mahal na mahal kita Nicole..." Naramdaman ko ang mga labi ko na nagsalita. At unti-unti kong naimulat ang mga mata ko. 

[Cocoi's POV]

"Mahal na mahal kita Nicole..." Rinig na rinig ng mga tenga ko ang mga salitang binigkas ng mga labi ni Leo. Ibig sabihin ba nito? Naalala niya si Nicole? Hindi kaya naalala niya lang ang pag-amin niya kay Nicole? Ibig sabihin ba nito, sa isip niya ngayon, si Nicole ang mahal niya. Paano na 'to? Magpaparaya ba ako? Ngayon pa na nagkaayos na kami ni Nicole?

Kitang-kita ko ang pagmulat ni Leo ng mga mata niya...

"N-Nicole, s-si Leo, gising na!" Bigla naman tumayo si Nicole sa sofa na hinihigaan niya sa loob ng kwarto.

"A-ah! Buti naman Cocoi! Leooooo!" ^___^

"P-Pero Nicole, may kailangan ka malaman." Hay. Paano ko ba 'to sasabihin sa kanya. Paano na 'to?  >___<

"Oh? Ano yun Coi?"

"Mahal kita Nicole..." Biglang sabi ni Leo. Patay. HIndi ko na talalaga alam ang gagawin ko. Ano ang sasabihin ko?   =[

"A-Ano Leo? Haha. May naaakaka ka pala eh! Ikaw ah! Makapagjoke ka diyan!" Agad-agad ko naman hinatak si Nicole sa isang sulok. Kailangan ko sabihin sa kanya lahat.

"A-Ano ba Cocoi. Haha!" Akala niya joke pa din. =__=

"Listen to me Nicole. Hindi iyon joke. Sa tingin ko, iyon ang naaalala ni Leo. Sa tingin ko naaalala niya lang yung pag-amin niya sayo na mahal ka niya."

"Alam mo yung tungkol doon Cocoi? P-Pano mo nalaman?" 

"Oo, alam ko yun. I overheard you guys. But don't worry about that now, it's okay. Ano ang gagawin natin kay Leo? Baka maging worse lang kung sasabihin mo na..." 

"Sasabihin ko na tayo?" A-ah. K-Kami na ulit? O___O

"O-Oo." 

"Eh paano kung itago muna natin sa kanya. O-Ok lang ba s-sayo kung, a-ako muna ang tutulong kay Leo? A-ako na din ang magsasabi sa kanya, pero siguro, hindi pa ngayon ang tamang panahon." Siguro nga tama si Nicole. Sa ngayon, siya ang kailangan ni Leo.

"Aaminin ko mahihirapan ako Nicole. Pero, para 'to kay Leo. Titiisin ko nalang." T___T

Bumalik na kami kay Leo. Parang normal lang. Hindi kami magpapahalata ni Nicole. Kakayanin namin 'to.

===================================================================================

Please also support my youtube channel: http://www.youtube.com/user/AkoSiLeo28?feature=mhee 

The Fifth WheelWhere stories live. Discover now