Chapter 2: Awful truth

172 5 2
                                    

*Awful Truth*

[Nikki's POV]

*To all passengers of the California to Philippines flight, the plane is leaving in 20 minutes.*

20 minutes nalang, aalis na yung plane. Ilang oras nalang, magkikita na ulit kami nina Cocoi at Leo.

"Bye Nikki! We will miss you. Take care. Call us when you get there ha." Andami namang paalala nitong si mama oh.

"Yes mom! I will! Bye!" Haay. Nae-excite na ako makita ang Pilipinas. It's been 5 years simula nung umalis kami nina mama sa Pilipinas at 5 years na rin simula ng iwanan ko si Cocoi...

Inaamin ko, bitter pa rin ako kay Cocoi. Kahit na ilang taon na ang lumipas, siya pa rin ang nilalaman ng puso ko, hindi talaga ako maka-move-on sa kanya. Siya lang ang minahal ko ng ganito. Tapos ngayon, magkikita na naman ulit kami. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Baka sa sobrang galit ko, kung ano pa magawa ko sa kanya. Nahihirapan na ako. "Excuse me miss, please put on your seatbelts, the plane is now taking-off." Paalala sa akin nung stewardess. "Ok, I will, thanks for reminding me."

Hindi ko namalayan na umaandar na pala yung plane. Nawala ako sa sarili ko. Hindi ko na talaga alam ang mararamdaman ko pag nagkita kami ni Cocoi. At dahil alam ko naman na mag-iiba ang timezone pag dating ko sa Pilipinas, matutulog muna ako. Baka pagdating ko doon, makatulog lang ako. Gusto ko pa naman magikot-ikot.

*6 am*

"To all passengers, we have now landed at the NAIA airport." Nagising ako ng marinig ko yung advisory. Sa sobrang excitement ko, ayun, nagmadali ako makababa ng eroplano. Nakipag-unahan pa ako sa ilang passengers ng plane. Para tuloy akong bata na ngayon lang nakasakay sa plane at excited na excited bumaba. Habang naglalakad ako papunta sa labas ng NAIA, naalala ko nung mga bata pa kami nina Cocoi. 5 years old palang ako noon ng lumipat kami nina mama ng bahay, at sakto naman, pagbaba ko ng kotse namin, tinamaan ako ng bola sa ulo. Tapos, may dalawang bata na lumapit sa akin, at dahil malakas ang trip ko, kunwari akong nagmukmok at umiyak, tapos, yung dalawang bata, halos paiyak na kakasorry sa akin. Tinignan ko sila, tapos tinawan ko sila ng tinawanan.

"Nicole! Nicole!" May narinig akong tumawag sa akin, Lumingon ako tapos may nakita akong dalawang lalaki, Sina Cocoi at Leo na ba yun? Oo nga! Sila nga! Tumakbo ako papalapit sa kanila. Napatingin ako kay Cocoi at hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko.

"Eto panyo Nicole." Nilabas ni Cocoi yung panyo niya, pupunasan niya yung mga luha ko.

"Wag na Coi. Kaya ko na to." Kinuha ko lang yung panyo niya tapos pinunasan ko yung luha ko. Tulad nga ng sabi ko, bitter pa rin ako sa kanya.

"Wag ka na umiyak Nicole, nandito na kami oh, magkakasama na ulit tayo." Sabi sakin ni Cocoi. Ayaw ata ipahalata kay Leo ang ginawa ko. At nga pala si Leo, napansin ko na iba na ang Leo na nasa harapan ko ngayon, hindi na eto yung Leo na kakulitan ko dati tapos palaging partner ni Cocoi sa mga kalokohan niya. Nagmukhang seryoso na si Leo ngayon. Ibang-iba na sa kuya niya.

"Tara na Nicole." Hinawakan ni Cocoi yung mga kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Natigilan ako ng saglit. Nasa state of shock ako ngayon, Nang matauhan naman kaagad ako, nagpumiglas ako sa hawak niya at inilayo ko ang mga kamay ko sa kanya.

"Kaya kong maglakad Coi. Puntahan nalang natin yung sasakyan."

Nakasakay na kami ng van nang may biglang maalala si Cocoi. "Si Leo nga pala, naiwanan natin doon." Oo nga pala si Leo! Eto kasing si Cocoi, kung anu-anu iniintndi, walang pinagbago, ganun pa rin. Kawawa naman si Leo at sa lahat ng kuya na magkakaroon siya, eto pang si Cocoi.

"Leo! Tara na!" Sigaw ni Cocoi mula sa van. At ayun nga si Leo, nakatayo pa rin doon, kung nasan kami kanina.

"Nicole, san mo gusto pumunta?" Tanong sa akin ni Cocoi.

"A-ah sa bahay niyo nalang muna siguro, gusto ko magpahinga." Yan na lang ang sinagot ko kay Cocoi. Masyado pa kasi akong nagulat at hindi pa rin ako makarecover sa mga nangyari sa amin ni Cocoi kanina. Naging tahimik lang ako sa biyahe. Naiilang ako kausapin si Cocoi. At si Leo naman, hindi ko na alam kung anung meron sa kanya, pero parang kanina pa ako iniiwasan. Kanina sa airport, hindi man lang ako kinausap o kaya nag hello man lang. Anu na ba talaga nangyari dito? Nakakapagtaka lang talaga... Habang nasa biyahe, natulog muna ako kasi feeling ko, pagod na pagod talaga ako. Bigla naman nagflashback sa akin yung mga masasamang ala-ala bago ako umalis dito sa Pilipinas noon. Yung sakit na nararamdaman ko habang nasa biyahe kami papuntang California noon. At yung isa sa mga dahilan kung bat ako pumayag umalis ng Pilipinas...

Bigla nalang ako nagising. Pagkabukas ko ng mga mata ko, nakita ko si Leo.

"Leo, nandito na ba tayo?"

"Oo, Nicole. Tara na, pasok tayo sa loob." Sabi niya sa akin.

Dumiretso naman kami sa sala, upo nalang ako bigla. Napatingin ako sa paligid. Parang ang tahimik. At naalala ko, wala na nga pala ang mama at papa nina Leo at Cocoi. Namatay sa isang car accident. Nagflashback nanaman sa akin yung mga nangyari dito sa bahay na to. Ang swerte ko pala kasi naging parte ng buhay ko tong dalawang to. Kaya naman napasandal ako kay Leo, namiss ko lang talaga tong loko-loko na to. Hahaha! Kaya lang, umepal na naman si Cocoi, tinawag si Leo, ibababa daw yung mga gamit ko. Kaya ayun, naiwan ako mag-isa dun sa sofa. Pero mga ilang saglit, bumalik na din si Leo sa sofa.

"U-uh Nicole, diyan muna kayo ni Leo. Maliligo lang ako." Biglang tumahimik yung paligid pag-alis ni Cocoi sa harapan namin. Gusto ko sana mag start ng conversation kaso hindi ko naman alam ang sasabihin ko at kung paano ko sisimulan. Wala na rin naman kasi akong upadate sa dalawang to simula nung umalis ako dito eh. Bahala na, pilitin ko nalang to kausapin.

"Uy. Leo, tahimik mo ah. Kamusta ka na pala?" Tinanong ko nalang siya. Para lang mabasag yung katahimikan. Nakakasira ng ulo eh. Ang tagal bago siya nakapagsalita.

"N-Nicole..." Sabi niya sa akin tapos pautal-utal pa.

"Oh bakit Leo? Anung nangyari sayo, pautal-utal kang magsalita. Ahaha." Natawa nalang ako kay Leo, Para kasi siyang ewan sa pagsasalita niya.

"N-Nicole mahal kita!" Nagulat nalang ako sa sinabi ni Leo, Natigil ako sa pagtawa, Hindi ko alam na ganyan pala ang nararamdaman niya para sa akin. Ayokong masaktan lang si Leo, Baka umasa lang siya. Naramdaman kong tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Leo, salamat sa pagmamahal po. Pero, sorry Leo, hanggang kaibigan lang ang tingin ko sayo. Alam mo naman na parang kapatid na kita diba? Hindi ko alam na ganiyan na pala nararamdaman mo para sa akin. Sorry talaga. Hindi ako ang babae para sayo." Patay ako nito. Ang hirap pa naman i-comfort nitong si Leo. Sana maintindihan niya.

"Sige Nicole. Salamat sa pagiging totoo mo. Ok lang sa akin kahit na kaibigan lang tingin mo sa akin. Alam ko naman yun eh, sinubukan ko lang, baka kasi may mangyari. Umasa lang ako." Nakita ko na may tumulong luha sa mga mata ni Leo. Ngayon ko lang to nakita na umiyak. Seryoso talaga si Leo sa nararamdaman niya sa akin. Pero sana, makahanap siya ng babaeng magmamahal sa kanya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at iniwan ko doon si Leo sa sofa...

[Leo's POV]

Ayun na, nagawa ko na. Alam ko naman na mapapahiya lang ako sa harapan ni Nicole eh. Pinilit ko pa kasi ang imposible. Napakatanga ko talaga. At ngayon sino naapektuhan, ako lang naman diba? Umasa pa kasi ako na ganun din ang nararamdaman niya para sa akin. Sh1t! Ang sakit-sakit, ganito pala ang pakiramdam ng masaktan. Ang unang babaeng minahal ko, siya rin ang unang nakadurog ng puso ko...

********************************************************************************************************************

Abangan nyo yung susunod na Chapter. May mga mangyayaring masaya. Kasi, puro sad ending yung first two chapters nito, kaya gagawin ko naman masaya yung susunod. Sa mga nakapagbasa na nito, salamat sa pagababasa. Sana patuloy niyong basahin yung mga stories na ginagawa ko dito. Dahil lahat eto kay Ate Alyloony. Ang ganda kasi ng BTCHO! Salamat ulit.

The Fifth WheelWhere stories live. Discover now