Chapter 10: Guilts And Lies

115 2 0
                                    

*Guilt and Lies*

[Nicole's POV]

"Mahal kita Nicole." Rinig na rinig ng dalawa kong tenga ng sabihin ni Leo ang mga salitang iyan. Iyan ang mga salitang hindi ko na ulit inaasahan na sasabihin niya. Pero kung sinabi ko kasi sa kanya ang totoo, baka, baka lalong lumala ang sitwasyon niya. Siguro nga tama si Cocoi at dapat ay sakyan muna namin si Leo. Alam ko mali ito pero para 'to kay Leo. Ito lang ang magandang paraan na naiisip namin ni Cocoi para matulungan si Leo. Aaminin ko, ginagawa ko din 'to dahil naawa ako kay Leo. Sana nga kayanin namin ito ni Cocoi, sana ngayon, alam na niya na mahal na mahal ko siya.

"L-Leo, okay ka na ba?" Hindi siya nagsalita. Pero napaluha siya. Tapos, bigla nalang...  bigla nalang niya ako niyakap. O__O  At oo, nakita ni Cocoi ang nangyari, nandito lang kaya siya. 

"Ok na ako Nicole. Salamat, I love you." At siyempre, narinig din ito ni Cocoi, alam ko, nasaktan si Cocoi. Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalinlangan. Pero mabait na kapatid si Cocoi, alam ko, kaya niyang tiisin ang lahat basta para kay Leo. Kasi mga bata pa lang kami, palagi nang sinasabi ni tito na kailangan daw alagaan ni Cocoi si Leo lalo na kapag nawala na sila. At dahil doon, pinangako ni Cocoi sa sarili niya na proprotektahan niya si Leo.

"A-ah. Sige Leo." Agad-agad kong tinanggal ang mga kamay niya na nakapulupot sakin. 

"Excuse lang ha. Labas lang ako Nicole." Sinasabi ko na nga ba eh. 

"T-Teka lang Coi..." Bigla akong pinigilan ni Leo. Hinawakan niya ako sa braso.

"N-Nicole. Please, dito ka lang please. Naguguluhan ako." At nagsimula na naman dumaloy ang mga luha sa mga mata niya. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Leo. Alam ko nahihirapan siya. Mahirap mawalan ng alaala. Lahat ng mga pinakatatago mong alaala sa sarili mo, makakalimutan mo. Oo, pwedeng maibalik, pero walang kasiguraduhan na ang buong alaala ni Leo ay mababalik.

"N-Ncole, s-sino ba ako? A-Ano ba ang pangalan ko. Tulungan mo ako." Hinawakan ko siya sa pisngi para punasan yung mga luha niya. Para siyang isang bata na nawala sa isang pasyalan na hindi alam kung saan ang pabalik. Naaawa ako kay Leo ngayon. Hindi ko lubos maisip kung anong iniisip niya ngayon. Alam ko mahirap 'to, pero tutulungan ko si Leo sa abot ng makakaya ko.

"Leo. Ikaw si Leo Rodriguez. Kakayanin mo yan Leo ha?" 

"Leo? Leo ang pangalan ko? A-At sino naman yung kanina Nicole?" 

"S-Siya ang kuya mo Leo. Siya si Cocoi."

"Si Kuya Cocoi. " Para siyang isang bata na nag-aaral matuto magsulat at magbasa. =[

"Oo Leo. At ang mga magulang mo Leo, wala na sila. Matagal ng panahon ang lumipas ng nawala ang mama at papa niyo ni Cocoi."

"Si Mama? At Papa? Wala na a-a-akong m-magulang?" Halata sa reaksyon niya na nasaktan at nahirapan siya. Pero kailangan niya malaman ang totoo sa buhay niya. Oo, alam ko, mali ako. Pero sa alaala niya, ako nalang ngayon ang meron siya. Hindi ko kayang sirain iyon. 

"Leo, kakayanin mo yan. Tutulungan kita." Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Kaya mo yan ha? Ibabalik natin LAHAT ng alaala mo."

"S-Salamat Nicole. Uh.. Pwede pa ba ako magtanong?"

"Sige Leo. Feel free to ask."

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Mahal mo din ba ako Nicole? Kasi ang natatandaan ko, umamin ako sayo, tapos, nasa ilalim tayo ng puno. Tapos, uhh.." Bigla niyang hinawakan ang ulo niya. Ilalim ng puno? Malamang ay si Jessy iyon, pero siguro nga, dahil magulo pa sa utak niya, ay nagkagulo-gulo ang utak niya. 

"Uhh.. Leo.." Hindi ko alam ang sasabihin ko...

"Ok lang Nicole. Mali ako ng inisip. Sorry. Yun lang naman ang gusto kong malaman. Alam ko naman eh, hindi ko mapagkakatiwalaan ang alaala ko..." Tumutulo na ang mga luha niya. 

"Oo Leo. Mahal din kita." Hindi ko na kaya panuorin pa na nahihirapan si Leo. Ako ang naging dahilan para magkaganito siya. Kung hindi ko siya pinakilala kay Jessy, wala 'tong gulong 'to. Dapat ako ang gumawa ng paraan para maayos ulit ang buhay ni Leo. Ako ang kailangan umayos nito. Pero aaminin ko, ang Leo na nasa harapan ko ngayon, ibang iba sa Leo noon. Mas naging seryoso si Leo ngayon...

[Jessy's POV]

Ibinagsak ko lang ang sarili ko sa kama. Matapos ang pangyayari, para akong bata na umiyak ng umiyak sa unan ko. Halos buong gabi. At ayun, umiyak ako ng umiyak hanggang sa nakatulog nalang ako sa kama ko.  

*Ate Nikki calling*

"The way you move is like a full on rainstorm

And I'm a house of cards

You're the kind of wrekckless that should send me running

But i kinda know that I won't get far

And you stood there in front of me just

Close enough to touch

Close enough to hope you could'nt see

What I was thinking of

Drop everything now

Meet me in the pouring rain

Kiss me on the sidewalk

Take away the pain

Cause I see, sparks fly, whenever you smile"

Agad-agad kong kinuha yung cellphone ko sa may table na malapit sa kama ko. Eto na naman si Ate Nikki. Ang galing talaga tumayming eh. Parang alarm clock lang. 

"Yes, Ate Nikki?" Ang pangit na nga ng araw ko kahapon. Nadagdagan pa. Dahil hindi ko inaasahan ang sasabihin ni Ate Nikki... T___T

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Jessy, asan ka ba? Hindi mo ba alam ang nangyari kay Leo?" Nagkwento siya kay Ate Nikki ng nangyari sa amin kagabi? O__O

"Ok, let me explain my side. Alam mo naman diba na..." Hindi pa ako tapos mag-explain, pinutol ni Ate Nikki ang pagsasalita ko...

"Nahit-and-run si Leo at nagkaroon ng amnesia." At napuno ng katahimikan ang paligid ko. At bigla ko nalang nabitawan ang hawak-hawak ko na cellphone...

At napahagulgol nalang ako ng iyak. Para akong binalikan ng isang malaking karma. Para akong kinakain ng konsensya ko. Ako ang dahilan, k-kung bakit nagka-amnesia s-si L-Leo. Kung hindi niya ako hinabol, hindi sana siya...  At nagawa ko pang matulog kagabi? Habang siya...  At sina Ate Nikki at Cocoi ay naghintay para kay Leo sa ospital...  Ako ay?  T___T

The Fifth WheelHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin