Chapter 5: Falling Like Crazy

102 3 0
                                    

A/N: Sorry po sa sobrang tagal na update. Naging busy po kasi sa school. Daming kailangan gawin. But I hope this'll be worth the wait. Again, I apologize to all my readers[kung meron man] sa matagal kong update. Sorry...

************************************************************************************************************************

*Falling Like Crazy* 

[Leo's POV]

It's been a while since nung huli kaming magkita ni Jessy. Hindi rin naman siya nagrereply sa mga text ko. Anu na kaya nangyari dun? Miss na miss ko na siya. At isa pa, planado na ang gagawin kong confession ng feelings ko para sa kanya. Kinuha ko yung papel kung saan ito nakasulat...

=Confession Plan=

What: I confess my feelings to Jessy

When: 8:00 pm, January 21, 2012. [Eto yung araw ng birthday ko. Para sumama talaga siya sa akin.]

Where: Park in Pacific Woods. Imus, Cavite.

How: ___________ Sa totoo lang, natotorpe talaga ako kay Jessy. Pero, palakasan na 'to ng loob.

Yan ang buong plano ko. Kulang lang talaga ako sa lakas ng loob. Pero gusto kong makasigurado...

"Uhh.. Nicole, pwede magtanong?" Who else to better know Jessy than her cousin. Rght? Wala naman kasing kapatid si Jessy. Kaya ikaw nalang ang pag-asa ko Nicole.

"Oh? Ano kailangan mo Leo?" Nakangiti sa akin si Nicole. Parang sinister smile. Ewan ko ba, parang alam na ata niya ang itatanong ko sa kanya eh. Pero sana hindi..

"Ah.. Kasi.." Bago ko pa masabi ang itatanong ko kay Jessy. Nagsalita na ulit siya..

"Single siya. No boyfriend-since-birth siya. And she likes watching stars at night." Psychic ba 'to? Alam agad itatanong ko. o.O

"Huh? Sinong siya?" Waaaah! Ano ba yan? Ganoon ba ako kahalata nung nagkita kami? Di kaya nakahalata na rin si Jessy kaya ako iniiwasan? Patay. >.<

"You can't fool me Leo. Kilala na kita. At alam ko na alam mo na, na si Jessy ang tinutukoy ko." Alam na nga niya. Oh may gawsh,

"Ganun ba ako kahalata?" Sana hindi. Sana hindi! SANA HINDI!!!

"Hindi naman. Pero kilala lang talaga kita. Bigla kasing nag-iba mood mo nung pagdatin ni Jessy. Noong una, inip na inip ka. Tapos nung uuwi na eh, halos di mo na mapakawalan yung kamay ni Jessy." Bigla nalang siyang tumawa. Hawak-hawak pa niya ang tiyan niya. Sobra siya makatawa ah. Dapat pa ba akong pagtawanan? Kaibigan ko ba talaga tong si Nicole?

"Please.. Tulungan mo ako." Nag-puppy eyes at lumuhod ako sa harap ni Nicole. Para na nga akong ewan dito eh. Buti nalang nasa bahay kami ngayon.

"On one condition..." Shemayts! May condition pa. Sana naman hindi ganun kabigat magbigay ng condition tong si Nicole. I mean, for old times sake right? Tinignan niya ako sa mata. Mukhang seryoso siya. Kinakabahan na tuloy ako...]

"A-anu y-yun?"  *Dugdug* *Dugdug* *Dugdug*

"NEVER. EVER. BREAK HER HEART." Seryosong seryoso ngayon si Nicole. Bihira kong makita ang ganitong side niya kahit noong mga bata pa kami, hindi naman siya ganito katakot noon kapag seryoso siya. That only means na mahal niya talaga ang pinsan niya. And she's gonna kill me if I break her heart.

"O-ok. S-sure."

"Wait. Hindi pa ako tapos.. NEVER. EVER. LAY YOUR HAND ON HER. IF YOU BREAK THOSE CONDITIONS, YOU'RE DEAD TO ME. UNDERSTAND?" Hinawakan niya yung collar nung polo shirt ko. Kinabahan naman ako kay Nicole. Grabe siya. Para naman over-protected niya.

The Fifth WheelWhere stories live. Discover now