Chapter 3: Start of Something New

113 3 0
                                    

*Start of Something New*

[Cocoi's POV]

Alam ko mali ang nagawa ko kay Nicole, pero masisisi mo ba ako? Bata palang ako noon, wala pa akong masyadong alam sa love at patience. Basta ang alam ko, nasaktan ko siya. At gusto kong pawiin ang sakit na naramdamang sakit ni Nicole. Kahit na bitter pa rin siya sa akin, pipilitin kong ibalik ang nararamdaman niya sa akin.

Nang makita ko si Nicole sa airport, biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng kaba. Oo inaamin ko, mahal na mahal ko pa rin si Nicole. Kahit anung pagmumove-on na ginawa ko, hindi ko talaga siya nalimutan. Waaaah! Ayoko na nito! Hindi ko napigilan ang bibig ko sa excitement. "Nicole! Nicole!" 

Lumapit siya sa amin at bigla nalang tumulo ang luha sa mata niya. Dinukot ko yung panyo ko. "Eto panyo oh." Pabulong ko na sinabi sa kanya. Pupunasan ko na sana yung luha niya kaso pinawi niya lang yung kamay ko. 

"Wag na Coi. Kaya ko na to." Sabi niya sa akin. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng sakit sa puso ko. Anu na ba nangyari sa amin ngayon?

"San mo muna gusto pumunta Nicole?" Tanong ko sa kanya.

"A-ah sa bahay niyo nalang muna siguro, gusto ko magpahinga." Sumandal siya sa may bintana ng van at nanahimik nalang sa buong biyahe. Gusto ko siyang kausapin pero saan ako magsisimula? Naiilang pa rin siya sa akin.

*Leo and Cocoi's House*

Umupo sila ni Leo sa sofa. At kitang-kita ko, sumandal si Nicole kay Leo. Bigla nalang ako nakaramdam ng selos. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Anu ba to? Waaaah! Anu bang pinag-iisip ko, kapatid ko si Leo. At kahit pa na magkagusto nga siya kay Nicole, anu naman ang karapatan ko magalit? Nagkaroon ako ng pagkakataon na mahalin siya pero sinayang ko ang pagkakataon. At kung sakali nga, magiging masaya siya kay Leo. Pero hindi ko talaga mapigilan magselos.

"Leo, tulungan mo nga ako dito! Ibaba natin yung gamit ni Nicole!" Yun na lang ang sinabi ko kay Leo para umalis siya sa kinauupan niya. Pero pagkatapos namin magbaba ng gamit, bumalik ulit si Leo sa tabi ni Nicole. 

"U-uh Nicole, diyan muna kayo ni Leo ah. Maliligo lang ako." Wala na kasi akong maisip na palusot. Hindi ko alam pero nagseselos talaga ako. Malapit na sana ako sa c.r. kaso may nakalimutan ako sa kotse. Narinig ko yung usapan nina Leo at Nicole. Hindi ko na sana papansinin pero nagulat ako sa narinig ko. "N-Nicole mahal kita!" Hindi ko inaasahan na maririnig ko yun mula kay Leo. Pero...

"Leo, salamat sa pagmamahal po. Pero, sorry Leo, hanggang kaibigan lang ang tingin ko sayo. Alam mo naman na parang kapatid na kita diba? Hindi ko alam na ganiyan na pala nararamdaman mo para sa akin. Sorry talaga. Hindi ako ang babae para sayo." Ang sabi ni Nicole kay Leo, 

Nakita ko naman na talagang nasaktan si Leo, At sa unang pagkakataon, nakita ko ang kapatid ko na umiyak. Naawa ako sa kanya dahil alam ko masakit talaga ang nararamdaman niya at hindi ko naman makuhang magalit kay Nicole. Tumayo si Nicole at lumabas ng bahay, nakita ko na napaluha din siya sa mga nangyari. Gusto ko sana siya i-comfort pero hindi ko nagawa, Dumiretso nalang ako sa c.r. at pinilit na hindi ipakita at ipaalam kay Nicole at Leo na nakita ko ang buong pangyayari.

[Leo's POV]

Sabi na eh, ganito ang mangyayari. Hindi na dapat ako umamin, dapat tinago ko nalang to. Tanga talaga ang puso ko eh.

*Lumipas ang tatlong linggo*

Hindi ko masasabing galit ako kay Nicole, pero bitter talaga ako sa kanya ngayon. Pero, pinipilit ko ng magmove-on sa kanya. Kaya ko to! Aja! Magagawa ko to! 

"Leo, gising na. Sasama ka ba?" Tanong ni kuya sa akin. Ang aga-aga pa eh. Ginising agad ako. Bangag pa ako, pano puyat ako kakacomputer kagabi. Halos tatlong oras lang ang tulog ko.

"Ayoko. Kayo nalang ang umalis. Ayoko sumama, inaantok pa ako!" Sigaw ko kay kuya. Bitter lang din naman talaga ako sa kanya kaya ayoko sumama eh. Magkaka-ilangan lang kami.

"Sumama ka na Leo. Magtatampo pa sayo si Nicole eh. Gusto ka daw niya sumama." Pagpapaliwanag naman sa akin ni kuya.

"Eh saan ba kasi pupunta? At kailangan kasama pa ako?" Nakaka-asar na talaga! Grrr!!

"Eh sabi lang makikipag meet daw sa pinsan ni Nicole sa Trinoma. Dali na bro, sumama ka na. O.P. lang ako dun eh." Nagmamakaawa na sakin si kuya. Hahaha! Nakakatawa talaga.

"Sabi na eh, wala ka lang makakasama. Sige na, iiyak ka na eh!" Tinawanan ko lang si kuya Cocoi. Nakakatawa na talaga kasi itsura niya! Epic! Hahaha! Isa pa, once in a blue moon lang yan magmakaawa sa akin eh.

*Trinoma*

Haay. Nakakayamot naman. Ang tagal eh! Kanina pa kami dito ah! Asan na ba yun?!? Bagot na ako dito eh.

"Wala pa ba? Uuwi nalang ako! Nakakayamot na eh!"  >.<

"Maghintay ka nalang Leo, dadating na yun." Pagmamakaawa ulit ni kuya Cocoi.

Biglang nagbago ang mood ko. May maganda kasing babae na papalapit sa amin. Wow! Nakakainlove! Mood changer talaga! 

"Ate Nikki? Ate Nikki! Hi! I missed you!" Sabi nung cute girl. Napanganga naman ako sa gulat. Siya na ba yung pinsan ni Nicole? Wow ha! Ang ganda niya! Para siyang anghel na bumaba sa langit! Lord, siya na po ba yung pangbawi Mo sa sakit na naramdaman ko kay Nicole? Kung siya na nga po, thank You po! Hahaha! You're the best!

"Leo, Cocoi, pinsan ko, si Jessy." ^^  Pagpapakilala ni Nicole sa pinsan niya.

Una siyang nakipag shake hands kay kuya Cocoi. Tapos.

"Hi Leo, I'm Jessy." Inabot niya yung kamay niya pero ako, ayun, nanigas lang ako. Inatake na naman ako ng katorpehan ko. Mukha na siguro akong ewan sa harapan niya ngayon.

"Uhhh..." Yan nalang ang nasabi ko.

"Hi! I'm Jessy!" ^___^   Pagpapakilala niya.

"O-oh. I-im L-L-Leo, Ahehe." Grabe! Anu ba to! Tinamaan na naman ako ng kilig! I think this is love-at-first-sight! Kumakabog ang puso ko sa sobrang kaba at kilig. Waaah! Inabot ko yung kamay ko at nakipag shake hands sa kanya. Parang may fireworks sa dibdib ko! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, kahit nung kay Nicole wala akong naramdaman na ganito ah!  I think I've fallen for Jessy. This is it, eto na yung hinahanap ko na pakiramdam. This might be the start of something new...

********************************************************************************************************************

Sa mga readers, please continue supporting me and my stories. Also, please support and become a fan of Alyloony. She's an awesome writer! Continue reading her works here in Wattpad. And oh yeah, I'm soon having my official Facebook page, Loves Destination. ^___________^

********************************************************************************************************************

The Fifth WheelWhere stories live. Discover now