Chapter 1

357K 8.9K 2.2K
                                    


Lauren's POV

"Laureeeen!"

Nagising ako dahil sa malakas na pagsigaw ni Mama sa aking pangalan. Kinusot ko ang mata saka humikab at napailing. Laging ganito. Hindi naman niya kailangan na sumigaw. Paano kung sumakit ang lalamunan niya? But she loves to be my human alarm clock.

"Gumising ka na diyan anak, nandito na si Clark!" dagdag niya.

Tumayo ako mula sa kama, saka tumungo sa harap ng full-length mirror. And in my amazement, I saw a girl possessing a goddess' beauty. Ang ganda ko talaga! Ang diyosa! Buo na ang araw ko.

In 19 years of my existence, hindi pa ako nagsasawa na makita ang napakaganda kong mukha. But sometimes I wonder, ano kaya ang pakiramdam na maging pangit kahit sandali lang. Pero sa huli, mapapailing na lamang ako. Because I am Lauren Xena Elizalde, and will never be ugly, and will never experience being one.

Ngumiti muna ako sa sarili through my reflectiom before starting to do my morning rituals. Hindi ako nagmadali. I took my time, not caring about Clark who's waiting downstairs. Nang matapos ay sumulyap ako muli sa salamin at napangiti nang malawak. Sinuklay ko ang buhok at kaunting ayos lang. Because I am already beautiful.

I winked at myself before picking my bag and walked downstair.

"Ma?" I called her out. But she didn't answer back.

Tumungo ako sa sala, wala rin siya roon. So I walked straight towards the dining area and saw her laughing. Kausap lang naman niya ang mokong na patay gutom at ang lakas kumain. Agad ko siyang binatukan nang makalapit bago humalik kay Mama.

"Aray! Grabe ka naman talaga sa akin," reklamo niya saka siya ngumuso.

Napatawa naman ako dahil nagkalat ang chocolate syrup sa may bandang bibig niya. He's really a messy eater. Parang bata na walang muwang siyang nakanguso.

He's Clark Sison. 21 years old, an Engineering student. He's my bestfriend since high school. Matagal na rin kami magkasama, and so far, we are really close to each other. Ganoon talaga kapag bestfriends. At sa loob ng ilang taon ay siya lang ang nanatiling pinakamalapit na kaibigan sa akin.

"Kapal mo talaga, mas nauna ka pa kumain kaysa sa 'kin ah! Feel at home na feel at home ka!" nanunuya kong saad saka umupo sa tabi niya.

Ngumuso siya para pigilin ang ngisi. Akma ko siyang kukurutin, ngunit agad siyang lumayo at matunog na humalakhak.

"Ang tagal mo kasi maligo, akala ko nga na-flush ka na sa inidoro," aniya, saka sumubo ng pancake.

Pinanood ko ang paglabas ng dimple niya sa bawat pagnguya na ginagawa.

"Tss, ewan ko sa'yo. Igagaya mo pa ako sa'yo na wisik-wisik lang kung maligo!" sagot ko.

Kumilos na rin ako at naglagay ng pancake sa plato ko saka nilagyan nang maraming chocolate syrup. Napangiti ako at dinamihan iyon.

Inilapag ni Mama ang gatas sa harap ko pati kay Clark. Napailing ako at ngisi lang ang sinagot niya. Mayaman siya pero, heto! Laging nakikikain sa amin.

"Thanks tita," he said and smiled, showing his dimple.

Ngumiti si Mama.

"You're welcome."

Umalis muli si Mama at iniwan kami.

Mayaman sina Clark, alam ko iyon. Halata sa mga porma niya at kilos. Samantalang kami, ayos lang. Nakakakain nang higit sa tatlong beses sa isang araw. Natutustusan ang pag-aaral ko, at hindi naghihirap. Mom is a secretary of the CEO who owns a well-known company. Papa ko? Sumakabilang-bahay na.

"Oy, ayusin mo paglagay ng syrup, oh. Sobrang dami na n'yan!" saway ni Clark sa akin.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Hoy lalake, 'wag mo akong pakialaman. Nasa bahay kita, just to remind you," I replied and arched my brow on him. Napakamot siya at ngumiti.

"Ay, hehe. Sabi ko nga." Saka siya nag-peace sign.

Si Clark ay sikat sa University namin. Kasama 'yan sa 'Campus Crush' kuno. Matangkad, maputi, at singkit na mata. And his main asset is his dimples. Hindi ko nga alam kung bakit may ganiyan-ganiyan pang nalalaman na mga titles. Pero kahit ano pa man, there's no doubt that I deserve the title 'Queen of Beauty' kahit walang ganoon.

Gwapo siya but don't get me wrong. Hindi ko siya gusto nang higit pa sa pagkakaibigan. I love him, as a bestfriend. Nothing more, nothing less. I love him dearly, as my brother and my friend. Not a lover or what.

"Hay, alam kong gwapo ako. Pero baka matunaw na ako niyan," he teased me.

Ngising-ngisi siya at halos mawala na ang mata niya. Napakurap-kurap ako and when I realized that I'm staring at him hinampas ko siya sa braso para maitago ang pagkapahiya.

"Gwapo? Baka gago! Tinitignan ko lang mukha mo kasi marami akong tanong. Kung bakit ka ganiyan kapangit, and such," tugon ko.

Inakbayan niya ako at bahagyang ginulo ang buhok ko. Tinapik ko ang kaniyang kamay nang nakasimangot at kinurot sa tagiliran. Napa-aray siya at nilayo ang aking kamay saka humalakhak.

"Alam ko namang patay na patay ka sa akin, Lauren. Umamin ka na, sasaluhin naman kita eh," pang-aasar niya pa.

Hinalikan niya ako sa noo kaya tinulak ko ang mukha niya saka binatukan nang malakas. Nalukot ang kaniyang mukha at sumimangot. Sinapo niya ang ulo at ngumuso sa akin.

"Aray! Kailangan talaga batukan?" reklamo niya, halatang nasaktan. I chuckled and grinned.

"Oo, para matauhan ka na at malaman na nakakadiri ang sinasabi mo," sagot ko saka tumayo at inayos ang bahagyang nagusot na damit. Dinampot ko ang aking bag. Tumayo na rin siya at inagaw sa akin ang dalahin ko.

"Halika na. Late na tayo. O-oh! Teka! Bakit mo nilalapit 'yang nguso mo?" takhang tanong ko.

"Sabi mo, halikan na eh," nakangisi n'yang sabi.

"Ewan ko sayo!" Saka ako nagmartsa paalis. Baliw talaga siya. Napailing ako.

"Alis na kami, Ma!" I bid my goodbye. Humalik ako kay Mama.

"Ingat mga anak," sagot ni Mama

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Clark sa tabi ko.

"Lalim no'n ah," pagpuna ko.

Nilingon ko siya at naabutan na nakatitig sa akin.

"Ilan bang nalunok mong anesthesia?" seryosong tanong niya.

Kumunot ang aking noo at nagtakha sa kaniyang tinuran.

"Huh, bakit naman ako lulunok no'n?" I don't get him. Hindi naman ako baliw para lumunok noon.

"Tss, slow pa," aniya at umiling. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kaniyang kotse at ngumuso sa akin.

Napakamot na lang ako sa ulo saka sumakay sa kotse nya. Slow? Anesthesia? Ano raw?

******

Supladdict<3

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now