Chapter 5

221K 7.8K 1K
                                    

Lauren's POV

Nagising ako nang magaan ang pakiramdam. I can't help but to smile. Iyon bang parang ang saya at may mangyayaring maganda!

Maaga akong nag-asikaso. I chose to wear a hanging blouse and I paired it with shorts and ankle boots.

"That's too revealing."

Napatingin ako sa damit ko at sinipat iyon. Konsensya ko ba 'yong nagsalita? At wow, lalake ang konsensya ko. Manly and husky pa ang boses. Taray!

Nagpapaka-Maria Clara na ang konsensya ko? Wow naman.

Pero trip ko talaga ito eh!

Kukunin ko na sana ang bag ko pero biglang humangin nang malakas. Geez, ayaw talaga ako pagsuotin ng ganito ni Mother Nature.

Bumuntong-hininga ako at lumabi. My eyes widened when I heard someone chuckled. Nilingon ko ang paligid ng kwarto ko. Wala naman akong kasama! Wala rin akong makita! It's going creepier o baliw na talaga ako?

Hindi pwedeng mabaliw ako! Pero shit, ang sexy ng voice, huh?

Pumunta ako sa closet saka kumuha ng blue jeans, black tube at pinatungan ng see-through blouse. Okay na siguro 'to, 'di ba? Gusto ko lang magsuot ng mga fashion trends. Sumulyap muna ako sa salamin at halos mapapalakpak ako.

Napakaswerte ni Mama at nagkaroon siya ng ganito kagandang anak. At ang swerte ng lahat ng tao na makakakita sa akin. Kaya kahit kailan hindi ako nag-absent nang walang dahilan at trip-trip lang, eh. Kasi kawawa naman iyong mga estudyante at iba pa na ako ang inspirasyon sa bawat araw. Mawawalan sila ng gana kapag hindi nila nasilayan ang aking kagandahan. I smiled on myself and went out.

Naglakad na ako pababa at pumunta sa kusina. Natagpuan ko sa dining table ang fried rice, hotdog, at bacon. Umuwi pala si Mama? Sabi niya 'di siya uuwi. Alam ko naman na busy talaga si Mama sa kaniyang trabaho. And someday, she won't need to work anymore. Ako naman at siya ang magiging reyna ko!

Nagtimpla ako ng gatas at dinial ang number ni Mama.

"Anak," aniya.

Her voice is light and it brought a soothing effect on me.

"Umuwi ka pala, Ma?" tanong ko saka sumubo ng pagkain. Mahingin ko iyon na nginuya.

Kinulang ata ng asin si Mama. Hindi masyado malasa pero okay na.

"Hindi, anak. Bakit?" tanong niya.

Kumunot ang aking noo at napangisi. Minsan si Mama, trip ako, eh.

"Weh? Pinagluto mo pa nga ako eh," sagot ko saka sumimsim ng gatas.

Nakakagana kumain kahit hindi masyadong malasa. Halos sunod-sunod ang pagsubo ko.

"No, hindi ako umuwi dahil nasa Suvic kami, 'di ba? May dinaluhan si boss," aniya at may himig ng pagtatakha sa boses.

Napatigil ako sandali. Tinitigan ko ang pagkain na halos paubos na. Napamaang ako at kumunot ang noo. Then who cooked my breakfast? Baka naman ako, habang tulog!

"Ah, sige Ma. I'll call you later. Love you."

Magsasalita pa sana siya pero pinatay ko na. Ayokong mag-alala siya sa 'kin.

Baka si Clark? Paano siya nakapasok?

Argh, bakit pa ba ako na-momroblema eh naubos ko na? Tsk!

"Hindi naman siguro ako malalason," pagkumbinsi ko sa sarili.

Napatango-tango ako at inubos na ang pagkain. Napangiti ako.

Hays, bakit lagi na lang may mga weird na nangyayari?

Tumayo ako at hinanda ang sarili. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag at pinasadahan ang buhok. Nilibot kong muli ang tingin sa bahay bago umalis. Gosh! Mababaliw na yata ako!

Habang nasa biyahe ay umiikot pa rin iyon sa utak ko. Imposible naman na may pumasok na magnanakaw tapos imbes na magnakaw, nagluto na lang siya para sa akin. Aww, how thoughtful naman niya kung ganoon nga. O kaya, may aspiring chef tapos pilit na pumasok sa bahay. Kaya lang, kinulang siya ng asin. Dapat magpakita siya sa akin para mabigyan ko siya ng contructive criticism. Medyo pumait iyong bacon dahil medyo nasunog kaya medyo maitim. Medyo lang 'yon, ah!

Pagpasok ko sa University ay wala ng weird na katulad kahapon. Sinuot ko na pala 'yong necklace. Big deal sa kanila iyon, eh. Halos gusto kong ingudngod sa kanila iyong necklace ko at magyabang. Akala nila, huh!

"Lauren!" Napalingon ako sa likod ko.

I saw Clark smiling from ear to ear. Tumigil ako sa paglalakad at hinawakan ang strap ng aking bag. He's wearing a polo shirt and a jeans. He looks so fresh and jolly.

"I'm sorry, 'di kita nasundo. Busy eh," aniya at napakamot.

Lumabas na naman ang dimple niya sa kaunting pagkibot ng kaniyang mga labi. Hindi ko napigilang pindutin iyon bago ngumiti at tumango.

Humalakhak siya saka marahan na kinurot ang aking pisngi.

"Okay lang. Pero ikaw ba ang nagluto sa bahay ng breakfast ko?" Nakangiti kong tanong.

Pwede ring siya. Malay ko ba na baka aspiring chef ito si Clark.

"Huh?" Kumunot ang kaniyang noo.

"Paggising ko kasi mayroon ng nakahanda. Hindi ganoon kasarap pero ginanahan ako." saad ko.

Pinanood ko ang pagkawala ng ngiti sa labi niya at pagseryoso ng ekspresyon.

"H-hindi. Wala nga akong access ng passcode ng bahay n'yo, 'di ba?" Tanong niya.

Natigilan ako at medyo— medyo lang, medyo kinilabutan. Kung hindi siya, sino?

Dahan dahan na lang akong napatango. Nagkatitigan kami at bumaba pa ang mata niya sa aking leeg. Napansin kong matagal ang tingin niya sa may leeg ko kaya napahawak ako roon.

"Bakit? Suot ko na yung kwintas ah! Weird nyo, eh." Sabi ko. I arched my brow on him.

"Saan mo nakuha 'yan?" seryoso niyang tanong. Gumalaw ang kaniyang panga at nag-isang linya ang labi.

Napakunot noo ako saka kinuha ang cellphone ko at pinindot ang camera. I set it on front camera.

Nanlaki ang mata ko nang may nakita akong pula. Kiss mark? Hickey? Ano ba 'to?

At sa pag-usog pa ng cam ay nakita ko ang dalawang tuldok. Parang sugat na pagaling na. I unconsciously touched it with my amazement.

"A-ano 'to?" Tanong ko

"May pumasok ba sa kuwarto mo?" aniya

Napaisip naman ako. Wala. Ang alam ko, sarado ang lahat ng bintana sa bahay. At hindi naman basta makakapasok ang kung sino sa bahay namin.

"Wala naman," sagot ko.

Nabigla ako nang kabigin niya ako at niyakap nang mahigpit. Mas lalo pa iyon na humigpit kaya napangiwi ako.

"C-clark.." Halos 'di na ako makahinga.

"Damn, he's already starting," bulong niya saka hinigpitan ang yakap sa akin.

"Akin ka lang, 'di ba?" tanong niya.

I chuckled. "Possessive bestfriend? Siyempre, oo. Ni wala nga akong ibang mas malapit na friend."

"Damn, akin ka lang talaga.."

*******

Supladdict<3

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now