Chapter 38

128K 3.9K 495
                                    

Lauren's POV

Nagising ako dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa aking balat. Umupo ako saka sumandal sa headboard ng kama at inilibot ang tingin sa kwarto.

I miss this place. Ang tagal din namin nakulong sa lugar na 'yon. At masaya akong nakabalik na kami rito sa palasyo. Nakayayamot lang na walang nakahanap sa amin nang maaga. But can't blame them dahil malakas na nilalang ang nakalaban namin.

Si Lailyn, or should I say Venice ay matagal ng patay. Kaya pala nagtatakha ako, na kung patay na si Clark dapat patay na rin siya. Because that's the rule. May mamatay lamang na isa sa mag-mate na bampira ay kapwa na sila mamamatay. Manliban na lamang kung ang babae ang unang namatay.

May paniniwala siguro ang creator na kapag ang babae ang natira ay hindi kakayanin nito ang mabuhay dahil sa pangungulila. Kabaligtaran naman kapag ang babae ang mamatay at lalaki ang matitira. Mananatiling buhay ang lalaki kahit pa namayapa na ang kan'yang beloved. Dahil para sa kan'ya malakas ang lalaki. Kakayanin nito. But I doubt that, because to lose your beloved means to lose your other half.

At sa kaso nila Clark at Venice, ilang minuto lang ang itatagal ni Venice matapos bawian ng buhay ang kan'yang kalahati. Kaya ibig sabihin iba ang nakalaban namin.

And the tattoo on her neck is the evidence. Rose na may kadena. Someone used her body. Kaya paunti-unting kumulubot ang kan'yang balat, kaya unti-unting namumuti ang kan'yang buhok. At ang puso niya ay agnas na sa loob.

Kaya may kapangyarihan siya ng itim na mahika. First, I thought that dark wizards or witches helped her. But the moment I saw her mark/tattoo every details entered my mind. Tila rumaragasang tubig na dumaloy ang lahat ng iyon sa utak ko. I don't know how that happened, but I think ang abilidad na regalo sa akin ang may kinalaman do'n.

A demon entered and used her body. At ang isip ni Venice ang ginamit. I'm sure that demon was up to something. Revenge? Or just playing? I really don't know and that left a big question mark on my mind.

I closed my eyes and prayed for Clark and Venice. Hindi ko pa rin matanggap na dalawang mahalagang tao ang nawala sa akin. And I am still thinking that I am responsible for that. Na kahit anong gawin kong pag-iisip, at ipilit na wala akong magagawa dahil para kay Austin ako at hindi ko kasalanan na hindi ko nasuklian ang pagmamahal ni Clark, still, I'm guilty.

Sana dumating ang araw na mapatawad ko na ang sarili ko sa nangyari. Because what happened will always bug me and my conscience.

May mga panahon talagang mahirap piliin ang dapat gawin. But when you know what is right, everything will be fine. At ang tama ang pinili ko. At kung sakali, hindi naman ako magiging masaya sa piling ni Clark. Maski siya dahil hindi ako ang kalahati niya. Maybe I was just his obsession, and deep inside on his heart, it is craving for Venice ngunit hindi niya binigyan ng pansin.

And I know Venice is kind. Nakita ko ang nangyari sa kan'ya nang mahawakan ko ang katawan niya. Narinig ko na hindi siya galit sa akin. At alam kong masaya na siya ngayon dahil sa kabilang buhay ay magkasama sila ni Clark. And I hope, Clark will love Venice this time.

I sighed before getting up and started to fix myself. I cleaned up and wore a dress and pair it with a doll shoes. I took a glance on the mirror before I vanished on the air.

Nakasalubong ko pa ang ilang mga kasambahay nang sumulpot ako sa sala. Nabigla pa sila, but I just smiled to them. Naglakad ako at nag-ikot-ikot para hanapin siya.

It has been two days since we arrived here. Naalala ko kung gaano nag-panic ang lahat nang sumulpot kami sa may entrada ng palasyo. Ako, duguan ang aking uniform at maraming pasa. May ilan pa akong sugat dahil hindi na kayang pagalingin ng aking katawan sa sobrang panghihina, plus the fact that I didn't taste Austin's blood for a long time. Nasa kandungan ko si Austin no'n at bakas rin sa mukha nito ang labis na panghihina. Wala itong malay.

Being The Vampire King's BelovedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum