Chapter 36

122K 3.3K 280
                                    

Lauren's POV

I can't help but to throw death glares on Venice. Sa tingin ko, lampas dalawang linggo na ang nakalipas simula nang dumating si Austin. At gano'n pa rin siya. Well, minus the part na sinasaktan niya ako. Sa tuwing pinapahirapan ako ni Venice ay wala si Austin dito.

I don't know kung nasaan siya sa ganoong pagkakataon. But that's better, kesa nakikisali pa siya na saktan ako that surely gonna hurt me big time, physically and emotionally.

"Get that for me, my love." Prente itong nakaupo sa sofa malapit sa pinto ng kwarto na kinalalagyan ko.

I remember how she commanded Austin to bring that sofa here.

Mabilis iyong sinunod ni Austin at pagbalik niya ay buhat na nito ang inutos ni Venice. And now, pinapakain na naman niya ang bruha.

Mabilis na inabot ni Austin ang isang baso na tubig at inalalayan pa na uminom si Venice. He quickly remove some drops of water that escaped from Venice's mouth.

I can't do anything but to watch them with so much longing and jealousy. Nagsalubong ang mata namin ni Venice. Halata ang pang-aasar sa mga mata niya kahit sa mga simpleng ngisi ng kan'yang labi.

While Austin? He never gave a glance to me. All his attention was poured to that girl. Mabilis na niligpit ni Austin ang pinagkainan. He put it on the tray kasunod ang wala ng lamang baso. Akmang lalabas ito nang magsalita si Venice.

"My kiss, love?" Ngumuso ito at tila nagtatampo.

Tila nabigla si Austin ngunit agad ding binaba ang hawak. Sinapo niya ang mukha ni Venice at mariin itong hinalikan.

I saw how he closed his eyes, and savoured the kiss. Diretso ang mga mata ni Venice sa akin. Like she's watching my expression. Kung ano ang magiging reaction ko sa ginawang paghalik sa kan'ya ng asawa ko.

I remained stoic. I did my best to make my face steady and emotionless. Pinapakita ko sa kan'ya na walang epekto sa akin ang ginagawa nila. Na hindi ako nasasaktan. But deep inside...

I'm crying..

I'm shouting..

I'm dying...

Kasi napakasakit na makita ang pinakamamahal mo na masaya sa piling ng iba. Na 'yong mga ginagawa niya sa'yo dati ay ginagawa na niya sa iba. At napakasakit na ituring ka niyang walang kwenta. Walang halaga. At parang hindi nabubuhay sa mundong 'to.

Ang sakit-sakit na 'yong pagmamahal niya ay buong puso niyang ibinibigay... hindi sa'yo kung hindi sa iba. Ang sakit na 'yong taong kinukuhaan mo ng lakas, ay ang nagbibigay sa'yo ng sakit at kahinaan.

Because, honestly hindi ko na kaya. Hirap na ako. Pagod na ang katawan ko. Ang isip ko. Ang puso ko. It feels like anytime, I would shut down. Pero may-isa pa akong kinakapitan.

Si Austin.

Pero paano kung 'yong kinakapitan mo ay siya mismong bumibitaw. Siya mismo ang kumakalas.

I closed my eyes when I felt something on my chest. Tila may sinusunog. I suddenly felt dizzy. Lalo pang nanghina ang katawan ko.

Bigla akong nabingi. My surrounding suddenly became mute. Magpapasalamat ba ako dahil hindi ko na marinig ang tunog ng mga halik nila? Pero kapalit no'n ay sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.

And I knew what's happening. Our connection is slowly dissolving. And when the process became finished, alam ko ang kalalagyan ko.

Pagbukas ko ng mata ay sumalubong sa akin ang mga mata niya. Those intense dark orbs. Tila may gumugulo sa kan'yang isipan. He's looking at me, with troubled emotion in his face. Hope slowly crept on my heart. Is there any possiblity that he will be back on his normal state?

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now