Chapter 55

107K 3.1K 365
                                    


Lauren's POV

Mabilis kaming tumakbo palayo sa lugar na tinigilan namin kanina. Humahampas sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin. Munting langitngit lamang sa mga tuyong dahon ang maririnig dahil sa mga hakbang na ginagawa ko. Natigil ako nang hawakan ako sa braso ni Sasha.

"Run lightly. Masusundan pa rin nila tayo kung maingay kang tumakbo!" aniya.

Pinanood ko ang bawat hakbang niya. And I was amazed na kahit mabilis ang ginagawa niyang pagtakbo ay walang tunog na nagagawa ito. Na tila walang tumapak sa lupa at walang bakas siyang naiiwan. I concentrated and follow what she said. I ran lightly but fastly.

Hindi nagtagal ay wala na ring tunog ang bawat pagtapak ko sa lupa. Nauuna ang ibang taga-silbi ngunit mas marami ang nasa may likuran namin.

"Fuck! Austin was right, may traydor talaga..." bulong ni Sasha.

Hinigpitan niya ang hawak sa akin at sa isang iglap ay sa sanga na kami ng mga malalaking puno tumatakbo. Tumatalon nang mataas at lalapag sa mga matibay na sanga.

Kinabahan ako nang una ngunit nasanay na rin ako. Napangiti ako at inenjoy ang ginagawa. Ang saya, adventure!

"Why the hell are you smiling!? We are on danger but you..." Hindi na tinuloy ni Sasha ang sasabihin.

"Tss. KJ!" I murmured.

She just hissed at binilisan pa ang takbo. Unti-unti ko ng nakita ang bukana ng gubat.

"Ano 'yan?" takhang tanong ko at nag-focus ang mga mata sa lugar na nasa unahan.

"Ang lumang lungsod. Wala ng nakatira diyan.." sagot niya.

I just nodded at mas lalong binilisan ang pagtakbo. Chill lang kayo, babies. Kapit lang kayo kay Mommy, huh?

Patalon kaming bumagsak sa lupa. Humalo sa hangin ang ilang alikabok. Sasha shook her head at muli kaming tumakbo papunta sa lumang lungsod. Luma na talaga ang lugar. Kahit ang mga bahay. Gawa man sa mga semento, alam mong napakatagal na ang lumipas na panahon nang huling may tumira dito. Madilim ito para sa paningin ng isang tao ngunit dahil bampira kami ay nakakakita pa rin kami kahit madilim. Napatingin ako sa gilid at nakita si Yuri na kasabay ko ng tumakbo. She smiled at me at muling bumaling sa harap at determinadong tumakbo.

Pumasok kami sa mga daan. Siksikan ang mga lumang bahay. Parang isang tricycle lamang ang kayang dumaan dito at kung pumasok ang isang kotse, mai-stuck iyon. Nang makalayo-layo ay tumigil kami sa likod ng abandonadong building. I gasped for air. Kasama ko si Sasha at si Yuri. Sumisilip si Sasha at nagbabantay kung may paparating.

Hinaplos ko ang tiyan at napapikit. Nag-aalala ako para sa mga anak ko.

"Ayos lang ba kayo, mahal na reyna?" nag-aalalang tanong ni Yuri.

I smiled slightly and nodded.

"Yeah.." I murmured at umupo habang nakasandal sa pader.

"Stupid! Parating na sila," bulong ni Sasha sa sarili at hinawakan muli ako sa braso. Muli kaming tumakbo. Kunot-noo akong sumunod sa kanya.

"Bakit hindi na lang natin sila labanan?" tanong ko habang nakatingin sa harapan at maingat na tumatakbo.

Sasha threw a death glare on me. I shrugged.

"Hindi natin sila kaya. Once na lumaban tayo, tuloy-tuloy na 'yan at hindi na tayo makatatakas," saad niya. Tumango ako. Naririnig ko ang ilang mga mahihinang yabag ng mga kalaban mula sa likuran.

Tumalon muli nang mataas si Sasha kaya nasama na naman ako. Sa mga bubong naman kami tumapak. Nakasunod sa amin si Yuri.

"Parang nasa movie tayo.." bulong ko. Sasha hissed.

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now