Chapter 32

141K 3.7K 247
                                    

Lauren's POV

"Are you okay, wife?"

Halos mapatalon ako sa kinauupuan nang magsalita si Austin. Napabuntong-hininga ako at pilit na ngumiti saka tumango. Tumingin ako sa labas ng bintana at pinanood ang mga nadadaanan namin.

"If only I can read your mind. Why are you blocking me wife?" tanong muli niya.

"Para naman may privacy ako," sagot ko.

Ngumuso siya saka yumakap sa akin. Oh, my clingy and cute hubby.

"Tss, are you thinking about someone else, wife? Hmm, tell me?" pangungulit niya.

Napangiti naman ako saka hinalikan siya sa noo.

"Yes," I answered.

Umayos siya ng upo saka pinakatitigan akong mabuti. Nagsalubong ang kilay niya.

"Sino?" seryoso niyang tanong.

"Uhm, lalaki!"

Napahagikgik ako nang magdilim ang aura niya. Sumama rin ang timpla ng kan'yang mukha. Selos na naman 'tong hubby ko.

"Tell me... sino?" matigas niyang saad.

Napa-iling ako saka ninakawan siya ng halik. Humilig ako sa dibdib niya at hinawakan sa kamay.

"Come on Austin, don't be jealous. You have nothing to be insecure about. And I'm just kidding. I'm thinking about Desteen," saad ko.

Kumalma naman ang katawan niya at inakbayan ako.

"What about my sister, baby?" tanong niya.

"Well, she's just acting weird lately. Bigla siyang nag-transform into fine lady. I mean, maayos naman si Desteen kaso brat siya. But these past few days, bigla siyang naging tahimik. And I'm curious, why..."

Kumunot ang noo ko habang inalala ang mga kilos niya. Gone the talkative Desteen. Lagi itong tahimik sa tabi. O 'di kaya ay nakikipaglaro sa mga pups which also weird. Dahil simula ng insidenteng iyon, which I accidentally sip Carl's blood naging ilag sila sa mga bampira.

But kay Desteen, no! Maamo sila at palaging nakikipaglaro. Minsan nga ay nakatutulog sila sa kandungan nito. Para silang mga napaamo masyado. Napangiti ako habang naaalala iyon. Pero napawi rin nang maalala na takot pa rin sila sa akin. And the threat I received from the crow.

Tumindig ang balahibo ko nang maalala iyon. The crow, the threat at ang sugat na natanggap ko dahil sa pagtuka niya. Wala sa sariling napatingin ako sa paa ko na natatakpan ng medyas. May marka pa rin ito ng itim. I sighed at napalingon sa katabi kong nakatitig sa akin at kunot ang noo.

"Something is bothering you wife," he stated.

Pilit akong ngumiti saka tinitigan siya.

"Na-ah, just Desteen," saad ko.

"Hindi ko masyadong napansin, wife. You know I'm busy these past few days because of our visitor," aniya.

Tumango ako saka nilingon ang gate na unti-unting bumubukas dahil sa pagpasok ng limousine na sinasasakyan namin.

Umalis na ang Ravenwood pack. Pero plano kong pumunta doon, soon, para bisitahin ang mga pups. I'm still waiting for their smile.

Nagsitabihan ang mga estudyante nang makita ang pagpasok ng kotse sa paaralan. The car parked at pinagbuksan kami ng pinto. Inalalayan ako ni Austin sa paglabas. Nagsiyukuan ang mga estudyante nang makita kami. And Austin, back to the stiff and emotionless king. Tipid siyang tumango samantalang ako ay ngumiti.

Being The Vampire King's BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon