Chapter 8

210K 6.9K 596
                                    

Lauren's POV

"Oh my gosh! How did they do that?"

Manghang-mangha ako sa kakaiba nilang ginagawa. Parang magic. Ngunit hindi katulad no'ng mga pangbata na magic na madaling makita ang daya na ginagawa nila. This one is unbelievable, amazing and just damn!

Merong mga nakatayo na espada sa gitna. Three swords na medyo may distansya sa isa't isa. Then my pinatong silang babae sa ibabaw ng mga iyon. And I am so amazed dahil 'di siya nahuhulog o nasugatan man lang.

"Wow!" I exclaimed. Nanlalaki ang mata ko at 'di mapigilan ang pagpalakpak

But I froze when I heard a sexy, low and deep chuckle. Napatingin ako sa katabi ko. Naabutan ko siyang nakapangalumbaba habang mariin na nakatitig sa akin. Tila natutuwa pa sa reaksyon ko. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi. Damn, do I look stupid earlier?

Nakaramdam ako ng hiya. Ngayon ko lang napansin na mukhang bored na ang iba habang nakatingin sa stage tapos ako lang ang tuwang-tuwa. Tapos ang katabi ko naman ay abala sa panonood sa akin.

Napatingin ulit ako sa harap and my eyes widened nang hahatiin ang ulo niya! I mean, nakapasok sa box ang katawan niya at nakalabas ang ulo niya. And if the guy will pull the rope may mahuhulog na matalas na bagay that may cut his head.

Biglang hinila ang tali kaya napatili ako at napayakap sa katabi ko. Oh my, paano na lang kung matuluyan siya?

Sumilip ako nang konti and I sighed nang hindi. Buo ang ulo niya, walang galos, walang sugat o dugo. Grabe, nakakatakot naman 'yon!

I felt a strong arm embraced my body. Napatingala ako and I saw a hint of happiness on his eyes. I gulped hard when I saw different emotion from his eyes. Napatingin ako sa iba.

Nakatingin sila sa ibang direksyon, 'yong iba naman ay nakayuko nakaharang ang braso sa mukha na tila hindi dapat makita ang pwesto namin. I felt my cheeks burned once again. And I realized our position.

His arm around my small waist, my palm against his hard chest ang isa ay nakasabit sa batok niya. Nagkusang lumandi ang kamay ko! Shit!

"I-I'm sorry," saad ko.

He smiled widely.

"It's okay," aniya.

We stayed in that position for I don't know how long. Magkatitigan lang kami. The feeling is familiar. Comfortable and secured. At nacu-curious na ako. I'm feeling something different on my heart.

"Lauren."

Napalingon ako kay Clark na seryosong nakatingin sa 'min. Nabigla ako nang hilain niya ako dahilan para mapabitaw ako kay Austin.

"Kanina pa kita hinahanap," malamig niyang saad.

Nagtagis ang kaniyang bagang at tila kinokontrol ang sarili. Mukha siyang galit at 'di ko alam kung bakit.

"May program eh," simple kong sagot.

Hihilain na sana niya ako paalis nang magsalita si Austin.

"Don't drag her, bastard." His cold voice filled my ear. I felt Clark stiffened beside me.

Tumayo mula sa pag-kakaupo si Austin saka naglakad palapit sa amin. Tinignan niya ang kamay ni Clark sa braso ko na sobrang higpit. Sinamaan niya nang tingin si Clark.

"Let her go," may diin nitong sambit kay Clark.

"Never," sabi ni Clark.

Napangiwi ako nang humigpit ang hawak ni Clark sa braso ko.

"You're hurting her!" Austin said.

Kinabahan ako sa galit niyang boses. Napatingin ako sa mukha niya.

I was taken a back nang pumula ang kulay ng mata niya. But I like to think that I'm just imagining things dahil nawala rin naman agad iyon. At imposible ang bagay na 'yon. Napatingin ako sa kamay ni Clark na masyado nang mahigpit ang hawak sa akin. Masakit na 'yon at namumula na ang aking balat.

"C-clark. N-nasasaktan ako," nakangiwing sambit ko.

Tila natauhan naman si Clark at tumingin sa akin.Tinignan ko ang braso ko at nakitang medyo nangitim na 'yon.

Napailing ako saka naglakad palabas ng gym. I heard him calling my name pero hindi ako tumingin.

Hindi ko na maintindihan si Clark. Parang lagi siyang balisa. Naging over protective na siya. To the point na may lalapit pa lang sa'kin na lalaki ay sinusuntok na niya.

Hindi na niya ako pinapayagan na makipag-usap sa lalaki. But that's impossible lalo na sa school dahil kailangan makipag-interact.

Halos nasasakal na ako. Hindi ko na siya maintindihan. Nagbabago na siya. Nasasaktan niya ako minsan. At kanina, nasaktan niya ulit ako.

Gone the happy-go-lucky Clark. Gone the cheerful, kind and carefree bestfriend. He's now a possesive man. And I don't know why.

******

Supladdict<3

Being The Vampire King's BelovedOnde histórias criam vida. Descubra agora