Chapter 36

43.7K 1K 102
                                    

Devonne POV'S

What a boring day, well it's been a week since that incident. Tsk, I promise my self no to see him again here in his damn school. Bakit ko pa kasi kailangan mag-aral dito sa school na toh. Si tanda kasi nakakainis.

Nandito ako ngayon sa bahay at weekends ngayon kaya free day ako sa mga boring na subjects. Pero geeze, mas boring pa pala dito sa bahay dahil sa wala yung mga magugulo. Eloise need to go home because of some important matters on their businesses. While the others need to go home because of their parents request. Aishh, ganda ng Buhay ko noh, walang mga asungot pero kapag wala sila ang boring.

Siguro kailangan ko ding umuwi, akala niyo siguro wala akong uuwian noh? Meron. Madami sila, madami silang nag-aalaga at nagmamahal sa akin. Ako yung naturingan nilang prinsesa. Na-miss ko na din naman na sila tanda kaya okay lang naman siguro na uuwi ako.

Pumunta na ako sa kwarto at nagpalit. Lumabas ako sa bahay at pumunta sa garage wearing my simple get up, just a plain black shirt, white shorts and paired up with my high cut black converse.

Pumasok na ako sa napili kong sasakyan at lumabas na ng bahay. And guess what, I'm not expecting a traffic but it came up suddenly. Geeze, damn this road construction. Nang maluwag na yung daanan mabilis kong ipinaharurot yung sasakyan, and thank goodness okay na ang daanan.

Nakarating na ako sa destinasyon ko at pumasok na sa may gubatan na daan. Tsk, kung bakit kasi dito pa sila nagtayo ehh. Pwede naman sa madali lang puntahan. Sa wakas narating ko na din ang kaduluhan ng gubat na toh Kung nasaan ang pupuntahan ko. Nagstop ako sa malaking gold and black na gate. Nakita ko ang isang mga guard, binaba ko ang windshield ko at sinenyasan siya.

Nakuha naman niya ang gusto ko at pinahintulutan na pumasok na ako. Madadaanan ko yung mga guards na nagbabantay sa gilid at tila nagmamasid sa paligid. Makikita mo dito pagpasok ang fountain na nasa gitna na simbolo ng pagmamay-ari nila itong Lugar na toh.

Tsk, kahit kailan walang pinagbago ang lugar na toh. Nagpark na ako at lumabas na sa sasakyan, lahat madadaanan kong guards ay yumuyuko tanda ng paggalang nila.

Pagpasok ko sa mansyon na nila, lahat ng maids ay nakahilera kasama na si Butler George at si Nanay Celine na kanyang asawa.

Tsk, mukhang natunugan nila ang pagdating ko. "Maligayang pagbabalik, Young Lady Savannah." Bati nilang lahat.

Bahagya ko lang silang tinanguhan at sinalubong si Nanay Celine kabilang na din si tatay George. Well I use to call like that because they one of my second family. "It's good to see the both of you, Nanay and tatay. I miss you." At niyakap sila.

"Kami rin iha, wala ka paring pinagbago. Nga pala hinihintay ka nila Master." Nanay Celine. Well, mukha nga. Kaya sinabi ko munang pupuntahan ko sila.

Pumasok na ako sa usual place nila at nakita ko silang lahat doon nakaupo, at masayang nagkwekwentuhan. Kita mo tong mga toh, hindi man lang ako napansin, ang bad nila.

Nakita ko namang napansin na nila ang presensiya ko at bigla silang napatayo. As in silang lahat ahh.
"Pinsan!! Andito ka na pala." One of my cousins.

"Tsk, hindi picture ko lang toh." I said sarcastically.

"Ang hard mo naman sakin insan, na-miss mo lang ako ehh." Meet Yves Takashi, siya yung akala mo babae Kung makasigaw kanina.

"Wahh, na-miss ka namin insan. Bakit ngayon ka lang." Next Rave Takashi Dela Vega.

"Tsk, long time no see cous." Next my cold and partner in crime, Rile Takashi.

"Buti naman naiisipan mo pang pumunta dito, panget." Last my irritating cousin, Dave Takashi Dela Vega twin of Rave.

Well sa nababasa niyo naman, ako lang at si Eloise ang babae sa mga pinsan namin. Kaya kami ang naatasan na magmana sa mga malalaking kompanya nila.

"Apo! I'm glad your here. We miss you so much." Lolo Vince.

"Ngayon ka lang dumalawa apo, it's good to see you." Lola Vera. Well, they are my grandparents on my mother side. Sila lang ang naging pamilya ko. Simula noong itinakwil ako ng magaling ng na Lolo ko, oh rephrase that Mr. Moore pala.

"I'm sorry po, masyado po kasing busy sa school. Kaya hindi po ako nakakauwi. At Saka wala po kasi yung mga asungot sa bahay. " I said to them.

"Haha, Ikaw talaga apo. Kumusta pala sa pinapasukan mo?" Lola.

"Well, okay naman po. Guess what guys?" I said.

"Ano yun insan?" Rave.

"Tsk, nakita na ako ng matandang bugnutin." I said to them. Lahat naman sila napatawa sa sinabi ko. Wahh! Anong nakakatawa dun?

"Haha, Ikaw talaga apo. Ganun ba buti hindi mo natuluyan." Lolo said.

"Grabe ka naman Lolo, tuluyan agad hindi ba pwedeng deretiyo nalang sa hukay na lupa." Rile, pinagbabatok naman nila si Rile. Well kasama si Lolo ahh? Nasa tabi kasi niya si Rile, haha.

"Wah, ang sasama niyo. Insan ohh." Rile, haha tinawanan ko nalang sila.

"Mas pinasahol mo naman kasi yung sinabi ni Lolo, baliw ka talaga." Dave.

"Tse! Mas baliw ka kaya." Rile.

"Hep, Tama na yan mga apo magtanghalian na tayo." Sabi ni Lola vera, well buti nga napatigil na ni Lola yang dalawa ehh. Malala pag nagtuloy-tuloy pa yan. Baka masira pa mga pinakamamahal niyang vase. Maitapon pa sila sa Bermuda triangle ng di-oras.

Matapos ng tanghalian ko kila Lolo, umuwi na ako sa bahay dahil nga may pasukan nanaman bukas. Aishh, bakit ba ang bilis ng oras tapos hindi mamalayan end of the school year na ehh.

Wala pa yung mga asungot dito sa bahay kaya kahit papaano makapagpahinga din ako ng kahit konting oras lang. Kasi alam kong mamaya-maya din meron na yang mga yan. Subukan lang nila ako guluhin baka hindi na sila sikatan pa ng araw.

----

Arghh, what a day. School day nanaman, nakakainis. Kung pwede lang matulog dito ng di-oras. Bwisit kasi na mga terror teacher ayaw ng kung ano-anong ginagawa.

Late akong pumasok ngayon ng five minutes, ehh sa ayaw ko talagang bumangon sa higaan kanina ehh. Ayan for the first time naunahan ako ng mga baliw kong kaibigan.

Pumasok na ako sa classroom at buti naman wala pa ang terror na teacher namin. Tinignan lang nila ako as usual at pagkatapos bumalik din sila sa mga kanya-kanyang ginagawa. Tsk, himala at late ang teacher na yun usually kasi siya ang nauuna samin kaya nasanay na kami.

Bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok na ang hinihintay namin. "Good morning, sorry dahil na-late ako. Well kaya ako na-late dahil sa may bago tayong transferee. Miss can you come in?" Sir said.

Miss? So babae ang transferee huh? Interesting. Mukhang mas gaganda pa ang school year na toh para sa akin. Pumasok na ang isang babae, nakayuko ito kaya hindi makita ang mukha niya. "Miss Transferee can you introduce yourself?" Sir.

"Good day, I'm Dawn Samantha Audrey Moore. It's nice to see you all again."

-
To be continued

Wahh, guys! I'm sorry kung late update po. Kailangan ko po kasing tapusin yung reaction paper namin sa religion, three pages pa kasi ang kailangan no spacing pa. Kaya sorry po talaga sa mga naghintay. Sa mga silent readers jan alam kong nagsisilabasan na po kayo kaya comment lang guys kung anong mga suggestions, clarifications or masasabi niyo sa story ko. Yun lang po, lovelots.💕💞~MissIce_






The Nerd's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now