Chapter 80

22.8K 534 52
                                    

Devonne POV'S

Nakita na din kita sa wakas, nandiyan ka lang pala. Mahilig ka talagang makipag laro ng taguan. "Psst!", saad ko.

"Ano?", saad niya sa akin. Aba't tumatanda na talaga tohh hindi man lang napansin na iba na ang kausap niya.

"Ano ginagawa niyo diyan?", Tanong ko sakanya.

"Tinitignan sila, sigurado na akong mananalo na kami.", saad niya. Mananalo? Imposible. Marami nakong naratay na tauhan niya.

"Ganun ba? Kaya pala marami ng nakaratay na tauhan mo ehh.", Saad ko sakanya habang nakangisi.

"Anong sin-", nahinto ang sasabihin niya sana sa akin ng nakita niya ako. "Sino ka naman?!", sigaw niya sakin sabay tutok ng baril niya sa akin. Sige lang, tutok mo lang wala naman na yang bala ehh.

"Hmm, sino ako? Sabihin nalang nating anak ni kamatayan?", saad ko sakanya habang nakangisi ng demonyo. Palapit ako ng palapit sakanya habang suot ang nakakatakot kong mga ngisi sa mukha.

"Sino ka?! Anong ginawa mo sakanila?!", saad niya sakin sabay turo ng mga tauhan niya sa likuran namin na walang malay at puro pugot ulo na.

"Aww, nakakatampo ka naman. Nakalimutan mo na ako? Maglalaro pa tayo ng patayan ehh. Wanna play, seth?", saad ko sakanya ng may ngiting malademonyo. Geeze, its been a long time since ginawa ko tohh. Ibang ugali ng katauhan ko tohh ehh. Sabihin nalang natin na eto ang malademonyong side ni Devonne Takashi, a brutal and merciless one.

"Ikaw?! Buhay ka pa palang bata ka! Hahaha, kumusta ang mawalan ng mga magulang? Masaya ba?Hindi diba?! Naranasan mo din ang naranasan ko!!", saad niya sa akin.

"Hindi mo alam ang totoo. Wala ka talagang ka alam-alam?! Ang tanga mo, ang tanga mo sobra! Hindi ko alam kung bakit kabaliktaran mo lahat ng nakwento sa akin ni papa. Lagi ka niyang kinukwento sa akin nung bata pa ako, ipinagmamalaki niya sakin na meron siyang tapat at napakabait na kaibigan, pero anong ginawa mo? Pinatay mo sila! Sarili mong kaibigan!!", saad ko sakanya.

"Hindi! Hindi ako naniniwala sayo! Nakita ko sa sarili kong mga mata! Pinatay niya ang mga magulang ko, namatay sila sa sarili niya kamay!", sigaw niya sa akin, sabay paputok sana kaso walang lumabas na bala.

"ARGHH!! Humanda ka sakin! Ikaw ang isusunod ko sa mga demonyong magulang mo!!", saad niya sa akin.

Sinugod niya ako ng maraming suntok pero nailagan ko lang ito. Aish, sinasayang niya lang lakas niya. Pero nagulat ako ng may dumaplis na matulis na bagay sa pisngi ko. Wow, nakahanap pa ng pangbato. Muntik na yun ahh, sayang ang maganda kong mukha.

"Yan lang ba ang kaya mo?", saad ko sakanya.

"Ginagalit mo talaga ako! Humanda ka sakin makakabawi din ako.", saad niya sa akin. Pinaualanan na niya ako ng suntok. Sh*t, hindi dapat ako nagpadalos dalos. Lumalakas na mga suntok niya. Dahil nawala ang atensiyon ko sakanya. Naramdaman ko nalang na may sumuntok sa mukha ko. Naramdaman kong may mainit na likido na sa pisngi ko. Tsk, naisahan niya ako dun ahh?

Dahil sa ayaw ko na makipaglaro dito, pinatulog ko na muna. Kailangan kong tulungan yung iba. Marami ng nasugatan na kasapi ng mafia. "Hey, are you okay devonne?", narinig kong salita ni Ava sa kabilang linya. "Yeah, I'm fine.", sagot ko. 

Nakita ko sila Jake na nahihirapan sa mga kalaban nila. Bakit kasi dadalawa lang sila dito? "Oy!Pwede naman kayong humingi ng backup. Nahihirapan kayo diyan, dehado kayo ohh.", saad ko sakanila habang sumasali narin sa pakikipaglaban sakanila. "Tsk, mas dehado na sa kabila. Kaya na namin toh, diba babe?", saad ni jake sabay tingin kay eloise na nakikipaglaban din. 

"Oo naman, naging pinsan mo pa ako sa wala kung hindi ko kaya toh devonne.", sagot niya. Hmmp, bahala na nga sila diyan. Akala mo wala sa laban kung makipaglandian. 

The Nerd's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now