Chapter 51

35.3K 1K 118
                                    

Chase POV'S

Naramdaman kong bumigat na yung akap-akap ko, napatawa nalang ako ng mahina. Nakatulog na pala yung prinsesa namin.

Ano nangyari at bakit umiyak si Devonne? Tsk, di maganda toh. Bumabalik na ang dating Devonne.

Hindi ko ba alam, simula ng naging kaibigan na namin ang Black Phantom, nagpapakita na ng emosyon si Devonne, nagsasalita na din siya ng mahaba. Haist, ano magagawa ko.

Masaya din naman akong nakikita na siyang ganyan, pero ang umiyak siya?

Hindi, doble na sakit niya ang nararamdaman namin para sakanya. Sa lahat ng napag-daaanan niya, Hindi namin siya iniiwan.

Lalo na at kami na ang tinuturing niya pamilya, hiniga ko na siya sa kama niya at bumaba na.

Pagkababa ko, tiniginan ako ng barkada ng nagtatanong ang mukha.

"Si Devonne? Ahh, natutulog sa taas. Wag kayong gaanong maingay, magigising niyo yung dragon." I said, at tumawa ng pilit. Hindi pwedeng sabihin dito ng kasama ang Black Phantom.

Tinignan ko naman sila Ava, mga nagtatanong ang mukha nila, pero nagkibit balikat lang ako. Tapos tinignan ko si Ace nakikipaglandian sa linta, ay este Kay Samantha. Nahahawa na ako kay Devonne ehh, sinenyasan ko naman siya na mag-uusap kami. Naintindihan naman niya.

Pumunta ako sa labas, sa may garden. Naramdaman ko namang, nakasunod lamg siya. Umupo ako sa bench dito sa garden. Nakita ko namang umupo din siya sa may tabi ko.

"Why?" He ask. Wow, Hindi na cold. Anong ginawa ng linta na yun, dito? Bakit hindi na cold.

"Anong pinag-usapan niyo ni Devonne?" I ask

"Wala naman." He said. Anong wala? Bakit ngarod umiiyak yun, Kung wala Lang? Yan sana ang gusto kong sabihin pero hindi pwede, baka mabugahan ako ng dragon.

"Yung totoo?" May diin kong tanong sakanya.

"Tsk, pangalawang tao ka na pagsasabihan ko neto. Nauna si Devonne, noon sa park malapit dito sa bahay niyo." He said.

"Oh, tapos?" Dugtong ko.

"Meron akong kakilalang bata noon, mahilig siya sa sunset. Katulad ni Devonne, sa isang park ko siya nakilala. She's my best friend, lagi kami nagkikita noon sa park. And I even promise her, na kami lang ang magkakatuluyan kapag lumaki na kami. Pero, isang araw wala na siya. Lagi akong bumabalik doon, per wala siya. Ang tanging palantaan ko Lang sakanya ay Yung panyo niya na may nakalagay na SAM. At may maliit na rose sa gilid." He said,

Wow may tinatagong kwento din pala tong mokong na to? Pero bakit parang familiar sinasabi neto?

Saka panyong may SAM na nakalagay at may maliit na rose sa gilid? Maraming ganun si Devonne.

"And I finally found her, tol! I already found her! Andito siya kasama natin." Ace said. Hindi Kaya si...

"Sino?" I ask him, Malay ko ba mamaya mali hula ko ehh.

"Si Samantha." Ace said.

"S-samantha?" Bakit ba ako nauutal?

"Yes si Samantha. Dawn Samantha Audrey Moore." He said.

"What?!" Bakit siya pa? Kaya pala. Kaya pala umiiyak ka Devonne, Ikaw pala tinutukoy netong mokong na toh.

"Bakit?" He ask

"Ay, wala. Haha, wala lang." I said. Tsk, naku lagot ka Zach. Bakit Kasi nagpapaniwala ka.

"Paano mo pala nalaman na siya yun?" I ask him.

The Nerd's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now