Chapter 72

24.8K 590 74
                                    

Devonne POV'S

"Ace?", Saad ko. Ang sama ng tingin niya sa amin. Lalo na sa kasama ko, ohh mali tohh.

"Sino. Yang. Kasama. Mo?", Saad niya ng mariin. Sasagutin ko na sana pero biglang nagsalita si kuya.

"It's none of your business.", Saad ni kuya. Naku, humanda ka sakin pag balik mo kuya. Hatakin ka talaga ng away.

"I'm not talking to you!", Ace shout.

"Lets talk later Ace. Ikaw, umalis ka na.", Saad ko kay Ace, at tumingin kay kuya.

"Okay. See you soon, Princess. My DATE pa tayo.", Saad ni kuya. Naglakad na siya palayo at umalis na.

"Devonne. Sino yung kasama mo?", Saad ni Ace na may bahid na inis.

"Kuya.", Maikling saad ko.

"Kuya? Ehh, bakit may DATE kayo?"

"Tsk, it's not what you thinking. It is just a simple date, family date I think?", I said.

"Tsk, k.", Saad niya at naglakad na palayo? Hinabol ko siya kahit medyo malayo na siya.

"Yah! Bakit moko iniwan?", Tanong ko sakanya.

"Tanong mo sa KUYA mo!", Sigaw niya sakin. Aray, makasigaw toh. Ang lapit lang namin.

"Eh, bakit ka sumisigaw?!", Pasigaw na sagot ko na din sakanya.

"Wala! Tanong mo ulit sa kuya mo.", Saad niya sakin. Iniwan na niya akong nakatulala dito. Ganyan naman sila lagi ehh, nang iiwan.

Pumasok na ako sa classroom at nakita ko siya na nakaupo. Nakasimangot. "Oh, bat ganyan mukha mo?", Tanong ni Eloise sa akin.

"Iniwan lang naman kasi ako sa ere ng isa diyan.", Saad ko sakanya.

"Oh, LQ kayo bes?", Ava said.

"Tsk, malay ko ba diyan.", Saad ko.

"Nakuu, ayusin niyo yan."

Hindi na ako nagsalita pa dahil sa dumating na yung teacher. Hindi ako makaconcentrate kainis. Nakakainis siya, siya lang naman tong iniisip o buong klase.

Pagkatapos na lecture, break na. Lumapit ako sakanya. "Yah!", Sigaw ko sakanya. Hindi niya parin ako pinansin. Arghh, nakakainis na ahh. Ganito ba magtampo tong taong toh? Kakaiba.

"Sige. Wag mokong pansinin. Hindi na kita boyfriend!", Saad ko sakanya. Lumayas ako sa tabi niya at pumunta ng garden. Kaso bago pa ako nakarating, may yumakap na sa akin. "Anong sabi mo kanina?", Malalim na tanong niya. Shet, bakit nakakaakit yung boses neto?

"Wala.", Saad ko sakanya. Bahala siya Jan. "Tayo na?", Tanong niya sakin.

"Ayaw mo? Sige, maghanap nalang ako ng iba.", Kakalas na sana ako sa yakap niya. Kaso mas lalong hinigpitan niya ito.

"No. Stay here. Tayo na ba talaga? Answer me seriously.", Saad niya ulit sa akin. Kakulit neto noh? Humarap ako sakanya at sinabi, "Yes, Mr. Montereal. I'm officially yours. So don't be such a kid again. Mukha kang ewan magtampo.", Saad ko sakanya.

Nagulat ako ng niyakap niya ulit ako. "You know how much I'm happy. You made my day so special. I'm glad you're mine now, Ms. Montereal.", Bulong niya sakin. Naramdaman Kong uminit pisngi ko. Geeze, am I blushing?

"Tsk. Tama na. Masyado ka ng chansing sakin.", Saad ko sakanya. Bumitaw naman agad siya.

"Tsk, kung makadama ka nga ng yakap kanina ehh. Gustong-gusto mo.", Saad niya sakin. Mas lalo naman akong namula. Bastus tong lalaking toh.

"Psh, don't care!", Saad ko sakanya. Sabay lakad papuntang canteen. "Yah! Wait for me."

Nang makarating na kami sa canteen nakita kong nagkakasiyahan na yung mga abnormal kong kaibigan. "Oh? Bati na yung couple ohh, naks pakain naman diyan.", Tyler said. Kumakain na nga lang sila ehh.

May bumato naman sakanya ng fries. "Baboy! May kinakain ka na ngalang jan ehh!", Amanda said.

"Tse! Pakielaman mo sarili mong pagkain!". Tyler said. At Ayan nanaman, nagsimula nanaman silang magbangayan.

Masaya lang kaming nagkwentuhan. How I wish na ganito lang kami lagi. Pero Hindi naman namin matatakasan ang mga nakalaan sa amin. Marami kaming haharapin na mga bagay. Lalong-lalo na ako.

---

Nandito ako ngayon sa HQ namin. Hinihintay sila. Remember? Ngayon umpisa ng training nila. Bakit wala pa sila? Sabi ko bawal malate ehh.

Habang naghihintay ako pumunta muna ako sa may lamesa na puno ng iba't-ibang armas. Naramdaman kong may mga papalapit. Humugot ako ng tatlong dagger at binato yun sakanila.

"Sh*t! Lagi nalang bang may sasalubong na ganito?!", Saad nila.

Tinignan ko sila. Hingal na hingal sila. "Talagang yan ang sasalubong sainyo, because your 5 minutes late! Kapag late kayo bukas. Lima na ibabato ko sainyo. Run now! 200 laps. Walang hihinto. Ang huminto push-up 300.", Malamig kong saan sakanila. Harsh? Well, Hindi. Dahil mas masahol pa training ko diyan. Idoble mo sa mga gagawin nila.

Nang matapos sila tumakbo. Hingal na hingal sila. "Walang uupo! Boys, push up 150! Girls, pumping 150 din. Now!", Napaangal naman sila.

Nung una hindi muna sila gumalaw pero nung nakayanan na nila gumalaw na sila. Kailangan nilang palakasin ang mga katawan nila, para Hindi sila madaling mapagod sa isang Laban. Yan ang tulong nila. Kada training nila gagawin nila sa umpisa yan. After non, mag cocombat battle sila. Para matest kung may epekto ba sakanila eto.

After ng five days na ganon, susunod na sila sa paglaban gamit ang mga armas. Titignan doon kung saan sila magaling. Short range or long range b ang mga specialties nila. Tatlong araw sa paggamit ng armas. Dahil alam kong kakayanin na nila yun, mas magaling naman sila sa may armas. Kulang lang talaga sila sa combat battle.

Dalawang araw para sa pangkaisipan nila. Kailangan din sa isang laban ang matalino. Hindi puro physical lamang. Kailangan alamin nila ang kilos ng isang kalaban, kailangan mapag masid din sila.

Natapos ang training nila ng lupasay na sila sa sahig. Ikaw ba naman magtraining ng tuloy-tuloy 5 minutes lang ang break ko para sakanila.

At mamasabi kong may konting improve na. Pero wala parin sila sa limit niya. Kailangan nilang ma-improve yun. Pinaalalay ko na sa mga guards sila, dahil nanghihina na talaga. May nakalaan namang mga kwarto nila dito.

"I suggest na pumunta kayo sa lagoon na head quarters. May pangbabae at lalaki na area. Magbabad lang kayo doon, I swear giginhawa pakiramdam niyo. Pero kung ayaw niyo, bahala kayo. Paturo nalang kayo sakanila.", Saad ko sakanila saka umalis na.

Pumunta na ako ng kwarto ko. Tumingin tingin Lang ako ng updates sa mga business ng pamilya namin. Mahirap na kung Hindi ko masubaybayan ito. Hindi ko alam onti-onting bumabagsak na pala ito.

Kumusta kaya yung mga yon? Pumunta Kaya sila sa lagoon? Hindi ko intensyon na pahirapan sila dahil part yun ng training. I hope makayanan nila. Para sakanila din naman yon.

---
MissIce_

The Nerd's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now