Chapter 62

40.7K 1K 135
                                    


Devonne POV'S

"Oy, Mahal na Reyna gumising ka na diyan!!!"

Arghh, sino ba tong bwisit na gumising sa akin?! Kitang puyat yung tao kagabi ehh. Umagang-umaga nangbubulabog. Kinuha ko yung kunai ko sa ilalim ng unan ko saka binato sakanya para manahimik na habang buhay.

"Wahh! Ang bad mo talaga sa akin hime!!" Tili ng bwisit kong kapatid.

"Tsk, Hindi mo na sana iniwasan para matuluyan ka na. Ako naman bahal sa kabaong mo ehh. Kulay pink ba? Pink din ba na barong?" Saad ko sakanya.

Hindi naman maipinta mukha niya sa mga sinabi ko. Pff, hahaha. Ang pangit niya na tuloy. "What the hell hime?! Anong pinagsasabi mo? Pink na kabaong?! Hindi ako bakla!!" Saad niya.

Bakit may sinabi ba akong bakla siya? Wala diba? "Wala akong sinabing bakla ka. Ikaw ahh, Hindi ko sinasabi Hindi pala kita kuya, ate kita." Saad ko sakanya ng tumatawa.

Lumabas na ako at bumaba agad kahit hindi pa ako naka-ayos, baka mabugahan ako ng dragon.

"HIME!!!! Bumalik ka dito!!!!" Naku, kahit kailan talaga daig pa ang babae na sumigaw. Kaya walang kaporeber to eh.

Nakita ko namang wala yung iba. Tsk, may inasikaso siguro. Pati sila Eloise wala dito. Saka paano nakapasok ang magaling Kong kapatid dito? Mahigpit naman yung mga securities dito.

Naku, yung lalaking yun sinuhulan niya siguro. "Hime! Pumunta ka na nga mag-ayos, ang pangit mo na." Saad ni kuya na kakababa.

"Why? May pupuntahan ba tayo?" Tanong ko sakanya.

"Naku, Lola ka na ba hime? Makakalimutin ka na, pati ba naman birthday mo Hindi mo naalala." He said. Ohh, birthday ko pala? Ano ba yan, masyado atang napahaba lakbay ko sa Dreamland at nakalimutan ko Kung anong mangyayari ngayon.

"K." I said. At umakyat na sa taas.

"Ano ba naman, hime! Ang haba ng sinabi ko, k lang ang sagot. Grabe siya." Tsk, onti nalang talaga iisipin ko tong bakla ehh.

Kung Hindi lang toh childish at madaldal sa iba, mapagkakamalan natong baliw ehh. Sa amin lang yan ganyan, saka kapag tinopak. Sa totoo lang napaka-cold din niyang tao na yan. Malay ko ba sakanya, na-broken heart siguro.

Nang matapos na ako sa routine ko. Bumaba na ako. Nakita ko siya sa sala na nanonood ng Dora?! The hell.

"The heck, Devon Takashi. Bakla ka ba talaga?!"

"Hindi Hime, slight lang." Saad niya habang umaaktong babae. Napasapo nalang ako sa noo ko. Malala na. Naka-high ata to ehh.

"Aishh, bahala ka na nga diyan!" Saad ko sakanya.

"Wait Hime! Hintay. Alam mo ba pupuntahan mo?" Napahinto naman ako sa sinabi niya. Sabi ko makakasabay ko tong baliw na bakla na toh.

"Yeah, yeah. Whatever." I said.

"Eto naman di mabiro. Hindi ako bakla hime, ang dami ngang nagkaka-gusto sa poging kuya mo ehh." He said. The heck? Ang hanging grabe.

"Tsk, mag-ingat ka sa pag-drive kuya. May bagyo daw. Bagyong DEVON daw!" Saad ko sakanya saka pumasok na sa sasakyan niya.

Nang makapasok an siya. Tinanong ko siya Kung saan ba kami pupunta. "Yah, saan ba tayo pupunta?"

"Sa mansion nila Lolo. Dun gaganapin yung birthday mo, pati narin yung ceremony." He said.

Tumango nalang ako at tinuon yung paningin ko sa labas. Magiging mahirap na ang pagdadaanan ko. Hindi ko na magagawa gusto ko. Pero kaya kong gawin yun, sa ayaw at gusto nila.

Nang makarating na ako sa mansion nila Lolo. Nakita kong nagaayos na sila. Hmm, mukhang alam nila ang gustong-gusto kong lugar dito sa mansion nila ahh.

Meron kasi ditong malawak na garden sa likod na mansion nila. Maganda siya, kasi kitang-kita mo dito yung buong lugar sa baba mula dito. Nasa malayong-layo kasi tong Mansion nila.

"Apo! Happy birthday! Dalaga na talaga ang apo ko. Wala na yung prinsesa namin." Saad ni lola. Ano ba tong si Lola, iiyak nanaman ata. Napakaiyakin kasi niyan eh.

"La, iiyak ka nanaman ehh. Sige ka, papangit ka niyan katulad ni kuya devon." Saad ko sakanya. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Wahh!! Ang bad mo talaga hime. Lolo ohh, pangit daw ako eh magkamukha lang naman kami." Saad niya na parang bata kay Lolo.

Yeah, hindi kami kambal. Pero napagkakamalan kami lagi dati. Dahil magkamukha talaga kami. Kahit mas matanda siya sa akin. Isa pa, akala Nila ako ang mas matanda. Eh, paano naman kasi napaka-childish.

"Happy birthday, apo ko. Pumunta ka na sa kwarto mo sa taas at aayusan ka na nila." Saad ni Lolo. Himala, Hindi tinopak tong si Lolo. Ang seryoso ehh.

"Ehh, lo. Di pa ako kumakain. Hindi ako pinakain niyang si kuya." Sumbong ko kay Lolo.

"Aba't hoy, Devon! Bakit Hindi pinakain tong kapatid mo mamaya Hindi matuloy birthday niyan at mahimatay ehh." Saad ni Lolo kay kuya devon, plus may batok pa yan. Akala ko Hindi tinopak ehh, mood swing talaga si Lolo.

"Aray naman Lolo! Hindi siya nagsasabi ehh. Kasalanan niya yan." Saad sakin ni kuya sabay irap. Kita mo toh, anong ginawa ko dito at sinumpong nanaman.

"At bakit ako? Alam mo namang Hindi pa ako kumakain. Edi sana kahit nag-drive true lang tayo!" Ayan sinumpong na ako, epekto yan kapag Hindi ako kumakain. Pabago-bago mood ko.

"Edi sana sinabi mo!" Sigaw niya sa akin.

"Eh, Alam mo naman! Bakit kailangan ko pang sabihin!!" Sigaw ko din sakanya. Ayan, paiyak na ako. Nakakainis, bwisit kasi bakit hindi ako kumain.

"Enough both of you!" Saad ni Lolo.

"Apo, umakyat kana ako nalang magdadala ng pagkain mo sa taas." Saad ni lola. Pumunta na ako sa taas, nang Hindi pinapansin siya. Tsk, bahala siya sa buhay niya. Nakakainis siya.

Pumasok na ako sa kwarto ko, nakita ko na yung mga mag-aayos sa akin. Tsk, akalain mo yun eighteen na ako. Ang bilis ng panahon. Napakabilis, Hindi nga ako ang nag-asikaso netong party na toh ehh. Basta tinatanong lang nila ako Kung anong gusto ko dito.

Sa invitation sila na bahala. Hindi ko nga alam kung sino ang 18 roses ko ehh. Yung iba kakaiba na. 18 roses lang any Hindi naiba. Yung 18 candles, ganun. Wala na yung mga yun. Malay ko ba sakanila. Para kakaiba daw.

Inumpisahan na nila akong ayusan. Habang inaayusan nila ako kinakausap ko naman sila, para hindi sila maboring siyempre. Nagkwentuhan lang kami. Nang my kumatok, si Lola na siguro yun.

"Apo, eto na yung pagkain mo ohh. Ako nag-luto niyan, alam kong namiss mo na mga bake ko." Saad niya. Niyakap ko naman siya.

Nabigla siya, pero niyakap niya din ako pabalik. "Naku, ang apo ko naglalambing. Namiss ko ito apo, yung dating Ikaw." Saad niya.

Hinding-hindi na ako babalik sa dating ako Lola. Ako na ito, yung bagong Devonne Takashi na nakilala niyo. Hinding-hindi niyo na yun makikita kahit gusto kong iparamdam sainyo yuon.

Ngumiti lang ako sakanya at kinain na yung binake niya. Binigyan ko din yung mga nag-aayos sa akin siyempre.

Malapit na, humanda kayo. Ma,pa. Maipaghihiganti ko na din kayo sa wakas.

----

Wahh, sorry guys. Natagalan UD ko, sorry talaga. Ang hectic na masyado ng schedule namin guys. Sorry talaga. Unang week palang ang dami na naming ginagawa. Babawi po talaga ako sainyo kapag may time ako. Sana magustuhan niyo po, alam ko pong excited na kayo mangyayari sa birthday ni Devonne. Lovelots from author. 💕
~MissIce_

The Nerd's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now