Chapter 38

40.5K 1K 86
                                    

Devonne POV'S

May pasok nanaman, plus makikita mo yung pagmumukha ng haliparot. Edi mas lalo kang hindi gaganahin sa pagpasok kung makikita na pagmumukha niya.

Alam niyo kung bakit? Eh paano naman kasi pagpasok na pagpasok ko sa classroom, makikita mo na yung pagmumukha ng isang haliparot na nakikipaglandian.

Nakalimutan ko lahat pala kami ngayon parehas ang schedule. Tsk, naihiwalay nalang sana ako. Lumabas muna ako ng classroom, at pumunta sa tambayan ko. Wala namang pumupunta kahit isa dito na istudyante ehh. Hindi ko ba alam sakanila at nagpapaniwala sila sa mga kwento.

May multo daw kasi dito. As if maniwala naman ako dito, saka maganda kasi ang tanawin dito. Pag umakyat ka ng puno makikita mo yung mga istudyante na pagala-gala at yung iba pang bahagi ng Moore.

Matutulog na muna sana ako kaso may tumawag sa cellphone ko.
"What do you need?" I said.

"It's urgent my queen. You need to come here right now."

"Tsk, make sure that is important, if not you'll meet hell. I'll be there at 6 pm." I said, then hang up.

Tsk, ano naman kaya ang nangyayari dun? Hindi sila tatawag ng walang dahilan. Alam nilang hindi ako ganun kadaling papuntahin dun. Pupunta lang ako doon kapag kailangan.

Bumalik na ako sa classroom at nakita kong nandun na yung teacher namin. Tinanong naman ako ni eloise kung saan ako pumunta sinabi ko diyan lang sa tabi-tabi. Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ko kaya hindi ko nalang siya kinausap ulit.

Uwian na ng hapon at wala naman kaming masyadong ginawa kundi mag-aral lang idagdag mo pa na may naglalandian sa tapat ng upuan mo. Tsk, alam niyo yung feeling na nakakairita ehh.

It's already 5:45 at malapit na mag-gabi. Wala akong balak pumunta pero mukhang may importante talaga silang sasabihin. Hindi alam nila Eloise ito kaya mapipilitan akong umalis muna ng hindi sinasabi sakanila. Saka wala naman silang karapatan pang malaman.

Umakyat na ako papunta sa kwarto at nagbihis ng usual get up ko kapag pumupunta doon. I wear a black jeans and white shirt, pinatungan ko ito Ng leather jacket at pinartneran ko ng white Converse. Well I'm used with comfortable clothes.

Nakita ko naman silang lahat sa baba, nandito na pala sila? Hindi ko na sila tinignan pa, at pumunta sa labas. Nang tinawag nila ako. "Saan ka pupunta, dev?" Ava asked.

"It's none of your business, so better get your ass up inside the house and  don't ever follow me. Understand?" I said coldly.

Alam naman na nila kapag nasa cold tone ako at ganyan ang pananalita ko, ibigay sabihin noon ay either may problema doon o kailangan ko pumunta. Hindi na siya nag-abala pang tumutol sakin, dahil wala naman na siyang laban pa.

Pumunta na ako sa garage at sumakay sa Isa sa mga sasakyan ko at pinaharurot na ito. Pumunta na ako sa pupuntahan ko, pinarada ko na ang sasakyan ko sa usual parking area para sakin. Nakita ko namang nagtitinginan ang mga tao sa akin, Kung bakit ako nagparada dito. And that's hit me the realization, wala pala akong suot na mask.

Pero dahil sa nakikita kong baguhan palang naman sila at buti naglagay ako ng make-up for some reason.

Pumunta ako ng banyo netong parking lot at sinuot ang mask ko. Buti nalang at dala ko ito, lumabas na ako at luminga linga sa paligid Kung meron bang tao, nakita kong wala kaya nagpatuloy nalang ako ng parang walang nangyari.

Pumasok na ako at pinakita ang black card na nagsisilbing I.D dito para makapasok, ng makita agad ng lalaki ang I.D ko ay agad naman itong yumuko at nagbigay galang. Ang iba't-ibang​ uri kasi ng card dito ay dito nabebase kung anong posisyon mo.

Pumunta naman ako sa usual place Kung saan kami nagtitipon. Tsk, ano naman kayang kaguluhan at bakit pinapapunta nila ako dito. 

Sa bawat paglakad ko papunta sa pupuntahan ko, may makikita kang nag-iinuman, nagmemake-out at naglalaban. Tsk, what a mess.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ay binuksan ko ito, nakita ko silang lahat doon. Lahat naman sila ay nagulat at nagbigay galang sa akin. "Bakit niyo ako pinapunta dito?" Malamig at may diin kong sabi.

"Gusto lang namin na malaman mo na nagkakagulo na dito sa underworld." Saad ng lalaking nasa pang-apat na upuan na kilala sa tawag na Cancer.

"Simula ng naglaho ka at hindi na nagpakita ay nagkagulo na dito, paumanhin at ngayon lang namin nasabi." Saad na Isa pang lalaki ng naka-upo sa pang limang upuan na kilala sa tawag ng Scorpio.

"Paumanhin at tinawag po namin kayo ng walang sapat na sasabihin sainyo." Saad ni Taurus na naka-upo sa pangatlong upuan.

"Tsk, bakit ninyo ako tinawag sagayon na kayang kaya niyo namang ayusin ang problema na iyan?" Saad ko sakanila.

"Paumanhin po, hindi po kasi nila sinusunod ang batas natin. Marami na din pong gumagamit na ipinagbabawal sa loob ng gates hell of ang arena." Saad naman ni Pisces na naka-upo sa pang walong upuan.

"Kung ganon, Ikaw Leo bilang aking kanang kamay at hari dito sa underworld. Maari mo bang pahintulutan lahat ng kasali sa rank 1 hanggang 10 na dumalo sa onting pagtitipon." Saad ko kay Leo. Tumango lamang ito, tsk kahit kailan cold talaga.

"Queen, mahirap po tawagin ang Royal Death Gang. Lalo na at hindi na po sila nagpapakita isang taon nadin ang nakaraan." Saad ni Aquarius ang pang anim.

"Ako ang bahala sakanila, wag niyo silang isipin. Basta gawin niyo ang sinabi ko,  lalo na at Alam kong nangunguna sa kaguluhan ang ang mga nasa rank 4 hanggang 10." Saad ko na ikinagulat naman nila.

"Paano niyo po iyon nalaman?" Tanong ni Virgo na nasa pang siyam.

"I have my ways." I said, then smirk to them. Tsk, ano ba yan nakakalula mag tagalog ng malalim. Ayan tuloy napa-english ako.

"Ayusin mo dapat ito Sagittarius, lalo na at Ikaw ang may hawak sa kanila." Saad ko sakanya.

"Yes queen." He said.

Kayong apat, Gemeni, Libra, Aries at Capricorn ay inaatasan ko na magbantay sa mga bawat gang, scan their backgrounds and identities. Hindi natin alam kung kailan tayo aatakihin, Kaya dapat lagi kayong handa sa mga kalaban. Protect your identities." Saad ko.

Tumayo na ako sa upuan ko, at may iniwan na salita sakanila. "Lagi niyong tandaan, kapag kayo ang traydor dito. Makakalaban niyo ako at makikita niyo ng maaga an impyerno." Saad ko na ikina-takot nila. Dapat lang, dahil makikilala niyo ang tunay ako, kapag ako ang kinilaban niyo.

I guess, you meet the other side of Devonne Takashi. I the queen of underworld, and the leader of The 13th, Ophiuchus.

----

Yow guys, may nalaman na kayong malaking sekreto ni Devonne. Hindi lang yan ang sekreto niya Kaya abangan niyo guys. Sana nagustuhan niyo po ang update ko. Yun lang po lovelots. 😊💞
~MissIce_




The Nerd's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now