Chapter 40

39.6K 1K 31
                                    

Devonne POV's

Tsk, it's been a week since yung nangyari sa cafeteria. And guess what? Sembreak na, natapos na din ang paghihirap namin sa wakas. At yung hinihintay namin na reward namin mula sa pagkanalo noong school festival ay meron na! Nandito ako sa kwarto ko, nakakatamad kaya mag-empake. Mamaya alis namin.

Narinig ko namang may kumatok. Hindi ako sa sumagot, kaya tumayo nalang ako at binuksan ito. Tinatamad ako magsalita. "Ano ba yan Devonne Takashi?! Hindi ka pa nage-empake. Mamaya malate tayo." Eloise said.

Aish, ano ba yan umagang-umaga ang ingay-ingay. Anong oras pa naman? 6:30 palang ng umaga ata alas-otso pa ang alis namin dahil. Tatlong oras lang naman ang byahe papuntang tagaytay? Geeze.

"Tsk. Maaga pa." I said.

"Ano ba dev, mabuti na yung maaga." Eloise said. Tsk, if I know excited lang sila. Sila nga ehh, naka-empake na kagabi pa. Parang lilipat na nga ng bagay sa dami ng dinala Kaya pinabawasan ko sakanila. Para namang magba-bakasyon sila ng isang buwan.

Tsk, dahil sa kakulitan ng babaeng yan. Nag-empake na ako ng gamit. Pagkatapos ko nag-empake pumunta na ako ng baba. Para kumain. Nakita ko naman na silang lahat dun, kaya umupo na ako sa usual place ko. Grabe talaga tong mga toh pag kumain. Akala mo pyesta.

"Yah! Wag mong ubusin yung hotdog!" Dree.

"Ano ba yan kahit kailan ang takaw-takaw mo!" Alex.

"Wahh! Bakit hindi niyo tinirhan ng itlog!!" Eloise.

"Ano ba yan! Tumalsik pa laway mo liit!" Xander.

"Tse! Tumahimik ka diyan, unggoy!" Eloise.

"TUMAHIMIK NGA KAYO! RESPETO NAMAN SA PAGKAIN OHH!" Naku, iba magalit yang si bitch. Katulad ko din yan, bahala sila jan. Kumuha nalang ako ng tinapay at kinain toh. Nawalan ako ng gana sakanila, ang iingay nila.

"Uy, ang ingay niyo kasi. Nagalit na yung isang dragon dito." Alex.

"Naku, bakit ba kasi ang dami nating alagang dragon dito?" Dree.

"Psst. Tumahimik kayo jan, baka marinig tayo ng mga dragon." Xander.

"Oo nga. Bahala kayo mabugahan kayo diyan." Eloise.

Aba't kita mo tong mga toh. Mukha ba kaming dragon?! Loko tong mga toh ehh. "NARIRINIG NAMIN KAYO!!" Ava/Chase/Amanda.

Ayan, ang lakas kasi magbulungan.
"Sabi nga namin hindi kayo dragon." Alex.

Napa-iling nalang ako sa mga pinaggagawa nila. Umakyat na ako sa kwarto ko, at nagbihis na para sa pupuntahan namin. Sa ka-iingay nila Hindi nila napansin na mag aalas-otso na pala.

Pagkatapos ko magbihis, tinext ko si Amanda at naririnig ko na ang iingay parin nila sa baba.

To: Beautiful Amanda

Tumigil na kayo diyan. Ang iingay niyo, tignan niyo yung mga orasan niyo.

Tsk, Hindi ako naglagay ng pangalan niyan diyan. Siya palang, lahat sila sa may phone book ko. Kanya-kanyang lagay ng sariling name sa phone book. Inangkin na ehh. Narinig ko naman sila na sumigaw dahil sa male-late na kami.

"What the heck?! Anong oras na!"

Ayan napapala ng mga ma-iingay. Hindi tuloy nila nalaman Kung Anong oras na. Inayos ko na yung iba ko pang gamit sa may bag ko. Dalawa lang naman dala. Isang bag para sa mga personal care at isang malaking maleta para sa two weeks na damit ko.

Chineck ko naman kung may na-iwan pa akong gamit. Nakita ko wala naman kaya bumaba na ako. Nakita ko silang nag-unahan pumunta sa mga kanya-kanyang kwarto nila para kunin yung mga gamit nila. Kahit kailan talaga.

Ilang taon na bang hindi pumunta tong mga toh sa beach? At mukha sila ewan. Nakita ko naman yung tatlo na sumunod sakanila na pailing-iling.

Aish. Bumaba na ako at pumunta sa garage, iisang sasakyan nalang kaming lahat. Kaya napagpasyahan nila na itong van nalang sa bahay ang gamitin nila. Tsk, okay lang naman sakin dahil hindi pa toh gaanong nagagamit.

Nilagay ko na mga gamit ko sa likod. Tsk, kasya Kaya tong mga gamit nila? Bahala sila diyan pagkasyahin yan.

---

Nandito na kami sa school. Yeah, dito nila napagpasyahan na magkita-kita. Hindi pa kami umaalis dahil problema nila yung mga gamit nila. Tsk, buti nauna akong pwumesto Ng gamit sakanila.

"Aish, ano ba yan. Sino kasing nagsabi na magdala kayo ng dalawang maleta girls?!" Tyler said.

"Tsk, not me." I said.

"Me, Neither." Ava said.

"Paano na toh? Problema nanaman toh. Anong oras na ohh. Malayo pa ang byahe." Zaiden said.

Aish, hindi nagiisip tong mga toh. Pumunta ako sa likod Ng academy kung saan merong isang malaking parking lot ng mga services ng school. May mga bus at meron ding mini bus. Nakita ko namang andito yung mga driver na naglilinis ng mga sasakyan.

Kaya lumapit ako. "Excuse me, sir. Pwede po bang mahiram ang isa sa mga services Ng school dito. Hindi po kasi kami kasya sa van. Kaya kung okay lang po ba?" I said.

"Ay, iha. Kayo ba yung nabigyan ng price na trip sa tagaytay?" Someone ask. Tumango naman ako bilang pag-sangayon sakanila.

"Oo sige, iha. Napahintulutan naman na kami. Kapag kakailanganin niyo Ng masasakyan." Driver said.

"Maramimg salamat po."

Pagdating ko doon, nakita ko silang nag-aaway nanaman. Ano ba yan? Pati ba naman dito? Nakita ko naman si king nakasandal lang sa sport car niya habang nakapikit.

Tsk, anong maasahan mo diya mag-paawat. Lumapit na ako sakanila at sinabing lilipat nalang kami Ng sasakyan.

"Hey, lipat nalang tayo ng sasakyan. Meron na akong nakita." I said, at tinext si manong driver na pumunta na dito. Wala pang isang minuto. Nakita ko na si manong driver. Binusinahan niya kami, at tinaasan ko lang siya ng kamay. Ngumiti naman siya.

"Naks, dev. Talino natin ahh? Bakit ngayon mo lang naiisip kanina pa nag-aaway etong mga toh." Jake said, habang turo sila Eloise.

"Tsk." Yan nalang ang sagot ko sakanila at hinihintay na tanggalin yung mga gamit nila. Nasa pinaka-ilalim pa yung maleta ko ehh.

Nang matanggal na nila, nilabas ko na din yung akin at dumiretso na sa mini bus at pinalagay ko na yung maleta ko kay manong driver sa lalagyan. At umakyat na ako sa bus. Umupo ako sa medyo dulo at umupo sa may bandang bintana.

Wala naman na sigurong tatabi sakin noh? Habang hinihintay yung iba. Sinalpak ko muna yung headset ko at pumikit. Hindi naman ako matutulog trip ko lang pumikit.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at minulat ko yung mata ko. Nakita ko naman Kung sino toh, kaya napa-irap nalang ako ng di-oras sa taong tumabi sakin.

"Why are you here? Marami pang vacant seats diyan." I said.

"Tsk. Nothing." Ace said. Oo siya lang naman ang tumabi sakin. Bahala siya diyan, tumabi siya Kung tumabi siya. Wala na akong paki dun.

Naramdaman ko namang umandar na yung bus, at umalis na kami sa school.

---
Dedicated this chapter to all of you.

Hello guys. Lame update, babawi nalang po ako sa next update. Guys, thank you sa mga suporta niyo sa story ko. Hindi niyo po alam kung gaano niyo po ako napasaya nung nakita kong 100k reads na tong story ko. Super Thank you, sa mga suporta niyo. Mahal kayo ni author! 💞💕 ~MissIce_

The Nerd's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now