Chapter 66

29.9K 826 54
                                    

Devonne POV'S

Naalimpungatan ako ng may naramdaman akong maiinit na tumatama sa balat ko. Dinilat ko ang mata ko at pagdilat ko nasinag ako sa sikat ng araw. Tsk, sino ang nagbukas ng kurtina?

Nilibot ko naman paningin ko, nandito ako sa kwarto ko ngayon sa mansion. Tsk, nang bumangon na ako medyo kumirot yung ulo ko.

Bwisit na gamot na yan, iba pala epekto sa akin. Tuluyan na ako tumayo, at pumunta sa banyo Ng kwarto at ginawa ang morning routine ko.

Pagkatapos non, nagsuot lang ako ng simpleng dress at pinartneran ko ito ng white sandals. Lumabas na ako ng kwarto ko. Pumunta ako bumaba papunta ng dining area.

Narinig ko naman silang nagtatawanan at nag-uusap. Pagpunta ko doon, nakita ko na silang kumakain.

"Ohh, gising ka na pala apo. Sumabay ka na sa amin, kakasimula lang namin." Lolo said.

"Hindi, tulog pa po ako. Tulog na tulog ohh." Sagot ko sakanya.

Napatawa naman sila, eh sa trip kong mangbara eh. Umupo na ako at sinimulan na ding kumain. "Balita ko ngayon na kayo babalik sa Moore University." Saad ni Lolo.

Ohh, oo nga pala noh. Tsk, may klase nanaman. Hmm, well okay na din. Kaso may makikita nanaman akong linta ehh.

"Wahh, ngayon ka na babalik Hime? Sayang ang ikli naman ng pag-stay mo sa University." Saad ni kuya Yves.

"Don't worry, bibisita din ako doon pag may time. Matapos ko lang lahat ng toh, I'll be back." I said.

Nang matapos ang umagahan namin, nagpalit ulit ako sa taas. Sorry, naman. Nakalimutan kong may pasok pala ngayon. Tutal maaga pa naman. Nang makabihis na ako, nag-paalam na ako sakanila. Babalik na ako sa bahay, minsan lang naman ako pumunta sa mansion.

Sila kuya Rile ang nasa mansion dahil sa sinasamahan nila sila Lolo and at the same time para may tumulong sakanila na magpatakbo ng business at mafia. Pumunta na ako sa garage ng mansion, dumiretso na ako sa University.

Hindi na ako dadaan sa bahay, siguradong nasa school na yung mga baliw kong kaibigan. Well, from now on I will not disguise na. Siguradong Kung sino ang imbitado na sa party noon, ay kilala na ako.

But I still wearing my glasses, trip ko ehh. Nag-park na ako sa parking lot, at pumunta na sa first period ko. Tsk, malapit na mag-bell. Habang nag-lalakad ako, panay tingin nila sa akin. Yung ba akala mo nagbubulungan rinig na rinig naman.

"Girl, tignan mo ohh. She's​ back."

"Oh my, they already back na?"

"Girl, si Devonne ohh."

"Oo nga noh? Hindi mo akalaing mayaman siya."

"Wahh! Omg, sis siya yung kapatid ni Devon Takashi na Isa sa sikat na actor sa korea. Wahh!!"

Geeze, hanggang dito pala sikat ang kagwapuhan ng aking baliw na kapatid. Nang makarating ako sa classroom, Hindi ako kumatok at deretsong pumasok lang. Wala namang teacher ehh.

Nakita ko sila Eloise, at kumaway naman sila sa akin. Tinanguan ko lang sila. Nakita ko naman si linta, at umagang-umaga palang sira na araw ko sakanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Hinayaan ko lang siya at pumunta na sa upuan ko.

Nakita ko naman ang Black Phantom. Kumaway din sila at tinanguan ko lang sila. Si Ace naman, ngumiti sa akin. Pero hindi ko ito pinansin. Bahala siya jan.

Nang naka-upo na ako, saktong dumating naman na yung teacher namin. Nag-discuss lang ito. Hanggang sa bell na. Tumayo na ako, at hind na hinintay yung mga yun, ang babagal kumilos eh.

Habang nag-lalakad ako, naramdaman kong may sumusunod sa akin. Hinayaan ko na ito, dahil kilalang-kilala ko naman na ang presensya ng taong nakasunod sa akin.

Ang ganda ng trip niya ahh? Akala niya hindi ko siya nakikita? "Tsk, what do you need?" I said then stop walking.

"H-huh?"

"I said, what do you need? Why are you following me?" I ask him. It's Ace, who's keep following like he was my dog. Geeze.

"Nothing. I just want to follow you. Bawal ba sundan ang isang magandang tulad mo?" He ask me.

"Oo, dahil hindi pinapatulan ng ganda ko ang pagsunod-sunod mo sa akin. So please stop following." I said then walk away.

"Woah!! Burn baby burn. Wala ka pala Brad ehh." Sarili-sariling komento nila, kanina pa kasi nakikinig ang barkada magkasunod lang kami.

Hindi na ako tumuloy sa cafeteria, ayaw ko makita ang pagmumukha. Hindi ko alam kung bakit, naiinis ako. Naiinis ako sakanya, pagkatapos niya akong pagsabihan ng mga corny na salita niya noong party gaganyan na siya?

Dumiretso na ako sa garden, as usual ang laging tambayan ko dati. Pumunta na ako sa ilalim ng puno, at matutulog na sana ako. Kaso may biglang bwisit na dumating.

Hindi ko minulat mata ko. Nagtulug-lugan lang ako. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Hindi ko alam, pero parang kinakabahan ako na ewan.

"Tsk, tulog mantika talaga..." He said. Aba't kita mo to, hintayin niya lang talaga na magmulat ako ng mata ng di oras. Humanda siya sa akin.

"Alam mo, namiss kita? Gusto kitang yakapin kaninang pagpasok na pagpasok mo sa room. Pero hindi mo ako pinansin. Gusto kong mahawakan yang malambot na mga kamay mo. Tignan buong magdamag yang maamo mong mukha, na kabaliktaran ng ugali mo. Hindi ko ba alam kung bakit ako nagkagusto sa isang katulad mo. Naalala mo ba noong, unang tagpo natin? Mag-kaaway pa tayo non, Hindi kita tinatantanan na i-bully kasi Ikaw lang ang sumubok sa akin na kalabanin mo ako. Pero Hindi ko alam, dahil sa ugaling palaban at matapang na naipakita mo sa akin, yung cold minsan masungit, minsan mabait. Nagustuhan kita. Sana mapatawad mo ako, sa mga nagawa ko. I'm sorry and I love you always Devonne Takashi. I know your listening to me." He said.

Bakit ba hindi ko magawang magalit at maiinis ng matagal sayo Zachary Ace Montereal?

Minulat kona Yung mata ko, pero nakita kong wala na siya sa tabi ko. Hinanap ko siya at nakita ko na siyang nag-lalakad palayo. Tumayo na ako at tumakbo papunta sakanya.

Pumunta ako sa likuran niya at niyakap siya. "Iiwan mo nanaman ako. Nakakainis ka, nakakainis ka to the point na gusto kitang suntukin pero hindi ko magawa." Saad ko sakanya. Natigilan naman siya sa sinabi ko. Hindi siya nagsalita.

"Ano?! Tatahimik ka nalang ba diyan?! Lagi ka nalang bang ganyan? Magsasabi ka ng Mahal mo ako, tapos iiwan mo din ako. Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ko sakanya. Bahala siya diyan. Kumalas ako sa yakap ko sakanya at mag-lalakad na sana ako palayo ng nagulat ako ng hinila niya ako bigla.

At... At hinalikan ako. Gusto kong itulak siya pero Hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat na naramdaman ko. Wala na akong nagawa at pumikit nalang ako.

Naramdaman kong wala na. Niyakap niya ako. "Hinding-hindi na kita iiwan. My Queen."

-----
~MissIce_

Please Vote and Comment!

The Nerd's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now