Chapter 52

34.9K 994 86
                                    

Devonne POV'S

Tsk, it's been a week since nangyari yung pagtatatambay nila sa bahay, aba't sila ang pinalinis ko ng mga kalat ahh. Iiwanan nila yun nang ganun nalang? Ang swerte nila ahh. At ang mga unggoy na black phantom nakuha pang kumain ng gabihan sa bahay.

Gusto daw nila matikman luto ko, ang ganda nilang ipagtatapon sa Bermuda Triangle ehh. Andito ako ngayon sa hallway ng school papasok na, alangan namang magmall? Try niyo mag-mall kayo sa school niyo, baka mabilib ako.

As usual wala ng taong nag-lalakad kasi kaka-bell lang ng first period, at eto si ako mukhang model na nag-lalakad lang sa hallway at hindi pinapansin yung oras.

Tsk, kaysa naman magmadali ka na makikita mo at bubungad sayo ay ang linta, oh diba sino ba naman hindi maiinis diyan. Mas dibaleng i-enjoy ko nalang maglakad, aba't exercise ko na to noh.

Bahala sila dun maghintay sa akin, at speaking dun na classroom namin, andito na pala ako. Ayt, ang bilis ine-enjoy ko pa ehh. Pagpasok ko wala pang teacher. Nahagip ng peripheral vision ko yung dalawa, pero hinayaan ko lang sila. Pero napantig ang tenga ko sa sinabi ng linta ay este ni Samantha.

"Guys! We're officially ni Ace!" Sigaw ni Linta. Dahil sa sinabi niya gusto ko ng lamunin ako ng semento dito sa kinakatayuan ko, bakit ganun? Ang sakit, ang sakit-sakit.

Lahat naman nag-sigawan sa classroom, maliban lang sa buong black phantom at kila Eloise. Panaginip lang to diba? Panaginip lang sana to! Sana panaginip nalang lahat.

Hindi ako natinag at tuloy-tuloy parin ako sa paglalakad hanggang marating ko ang upuan ko, nakita ko naman ang mga kaibigan ko na may puno ng pag-aalala ang mga mata. Pero Hindi ko lang sila pinansin.

Ang mga bwisit na luha ko, kanina pa gustong-gustong tumulo. Pero hindi ko magawa, ayaw ko magpakita ng kahinaan. I just replace it with my cold and expressionless face. Hmm, it's good to be back, huh? This is it.

This is the real Devonne Takashi. Walang pakielam sa paligid, cold and emotionless.

Dahil sa mga madami na pala akong iniisip, break na pala. Well, Hindi ko yun napansin ahh? Tsk, ganito ba ang masaktan? Namamanhid? Pero naiinis ako sa sarili ko, dahil andun parin yung sakit eh. Parang sinaksak ako ng ilang libong kutsilyo.

Inaya naman ako nila Eloise na mag meryenda at hindi ako sumagot sakanila at sumunod lang. Alam kong nag-aalala na sila sa akin, pero wala akong pake. Mind their own business. Cold? The hell I care, this is me. The real me.

Habang nag-lalakad kami papunta sa cafeteria, may tumawag naman sa mga pangalan namin.

"Uhm, excuse po?!" Someone said.

Tinignan namin ito, babae siya at sa tingin ko nasa second year or grade eight I must say, ang babaeng kaharap namin.

"Bakit?" Eloise said.

"A-ahh, ehh. P-pinapatawag po kayo ng principal." Yung babae, sabay takbo. Natakot siguro sa gaga na si eloise.

"Well, I guess pumunta muna tayo doon. Tapos pagkatapos pumunta na tayo sa cafeteria." Jake said, nag-agree naman yung iba. At si ako wala paring imik. Nakalimutan kong sabihin may linta pa pala kaming kasam dito.

"Ano naman kaya ang kailangan ni tito noh, babe?" Linta said.

"I don't know, b-babe." Ace said, iniwas ko nalang tingin ko sakanila at naglagay ng earphones, para hindi na marinig ang walang kwentang landian nila.

Nakasunod lang ako sakanila at sila naman nag-lalakad lang ng walang ingay, Hindi ito katulad dati na ang ingay kulang nalang ipa-detention sila sa ingay nila. Well, the hell I care. Wala akong pakielam, bahala na sila sa buhay nila.

Nang marating namin yung office ng principal, wich is ang walang kwentang tito ko din. Remember I'm also a Moore. Pero Hindi na ngayon, kahit kailan hinding-hindi ko dadalhin ang apelyido na yan, naalala ko lang ang pagtatakwil nila sa akin.

Pagpasok namin, napatingin sa akin ang principal kunno daw. Nagulat siya pero binawi niya din, ohh natakot ko ba ang dearest Tito ko.

"Ehem, well kaya ko kayo pinatawag kasama ka pamangkin ko." Sabay napatangin sa akin, pero binaling niya din si linta ay este Samantha, nakita ko namang napa-irap lang sa akin si Samantha.

Problema neto? Wala akong ginagawa ahh. Miss niya na ba ang pinakamamahal niyang kapatid? Or nasisiyahan na siya masyado sa pagiging best actress niya? Tumikhim naman si principal daw. At nagsalita na.

"Ay I was saying, Kaya ko kayo pinatawag ay dahil sa kayo ang napili ko and the other teachers na maging exchange students sa Royal Academy. Ang kinikilala niyong rival academy. But that's not I want, Hindi natin sila kaaway. Nagkaroon na ng negotiate between me and the principal of Royal Academy. At pumayag sila, kayo ang napili ko dahil alam kong kakayanin niyong manatili doon." He said.

"What do you mean kakayanin naming manatili doon?" Tyler ask curiously. Napa-smirk lang ako sa tanong ni Tyler.

Tsk, at talagang hindi nila sinabi sa akin to ahh? Humanda sila kapag nakapunta ako doon. Hindi sila nagsasabi sa akin.

"Royal Academy is an elite school too like us, but not elite like the students here. The students in Royal Academy are heiresses and heirs of top companies around the world, son and daughter's of politicians and also some students, not some half of the students are gangsters, mafia, and assassin's." May sinabi pa ang principal, pero mahina lang.

Hindi narinig ng iba pero hindi nakaligtas sa akin, so alam pala nila. Huh? Saan naman nila nakalap ang mga ito? Magaling sila mag imbestiga huh?

"Ano po yun? Half po ng students doon ay?" Zaiden

"A-ahh? Ah, ang ibig kong sabihin ay half din ng istudyante doon ay normal lang na elites. Yun lang, bukas-bukas din pupunta na kayo. Meron kayong two weeks na stay doon. Excuse na kayo sa quizzes, activities, at nalalapit na exam." Principal

Napahiyaw naman sila Xander, per nabawi din dahil sa sinabi ng principal.

"Pero doon, Hindi kayo excuse. Siyempre magiging istudyante kayo doon ng two weeks. Kunin niyo nalang mga uniform niyo dito bukas ng umaga bago kayo umalis." He said, at lumabas na ako pagkatapos noon.

Naramdaman ko naman silang sumunod, at nagrereklamo dahil sa hindi sila nakaligtas sa mga pag-aaral. Kahit kailan talaga. Papunta na sila sa cafeteria pero humiwalay ako sakanila.

"Dev, saan ka pupunta?" Chase ask.

"None of your business." I said, at umalis na pero bago yun nakita ko sila na puno ng pag-aalala, kasama si Ace? Tsk, masyado lang siguro akong naparanoid. Siyempre yung linta sayang-saya pa na umalis ako.

Sige, magpakasaya ka lang Dawn Samantha Audrey Moore, my dearest little sister. Hayaan mo akong unti-unting kunin din ang mga pinaghirapan niyo.

----
To be continued.

Wahh! Sorry po sa late update, walang maisip si author na i-update ehh, nagka-writer's block ata si author. By the way, kaway-kaway diyan sa mga team bahay simula kahapon hanggan ngayon sa mga kapwa ARMY's ko! Sa susunod na concert ng BTS sabay-sabay​ na tayong pupunta ahh? Haha. Lovelots readers! 💕💕~MissIce_


The Nerd's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now