Chapter 3.a -- Nakakaantok din maghintay

6.1K 88 3
                                    

  

Christine’s POV

“Jusko hindi na ako aasa dyan sa officer na yan. No way na magiging officer ako.” Naisip ko nung sinabi ni Sir Vince na mag-eelect na daw kami.

~After a few minutes of voting~

 

=======Officers=======

President: Christine Park

Vice-President: Chieni Lee                

Treasurer: Jacob Yang 

Secretary: Xander Jang

P.R.O: Matt Ymoto                

==================

 

Para saan pa’t inisip ko yon kung ako lang din pala ang pipiliin nilang maging president nila? T.T Responsibilities na naman tas ako na naman laging uutusan. Aigoo.

 

~Bell~

“Okay, class. Nagbell na, self-study time na! See you around.”

"Yes, sir"

Nung lumabas na si Sir Vince, lalapitan ko sana si Bhes para kausapin siya kaso hinarangan agad ako ni Zyren, "Congrats, President!" sabi niya habang hinaharangan ako ng kamay niya papunta kay Bhes.

Tinignan ko siya nang masama. "Leave me alone, Zyren!" sigaw ko sa kanya. Wala bang oras na hindi ko siya pwedeng makita? "Chill ka lang, Tine. Masyadong mainit ulo mo eh."

"Syempre, kasi nandyan ka! Tsaka “Tine”? Kailan mo pa nalaman pangalan ko, ha? Hindi ko naman sinasabi sayo ah! Tsaka close ba tayo, ha? Bat nickname ko na yung tawag mo sakin?! Feelingero! Alis nga! Pupuntahan ko lang si Bhes!" Tinabig ko yung kamay niyang nakaharang pero hindi niya pa rin inalis. "Hindi mo ba nakikita? Busy sila ng boyfriend niya oh. Tas mang-iistorbo ka?" sabi niya.

"Eh pakielam mo ba?" Wala na akong masabi. Naiinis nalang talaga ako. >.< "My pakielam ako no." nagsmirk siya sabay akbay sakin. "Huwag mo nga akong akbaya--"

~BELL~

Yooon. Uwian na! Pagkatunog ng bell, inalis ko na agad yung kamay ni Zyren sa balikat ko, kinuha ko na yung bag ko at tumakbo na ako palabas ng room. Nagtext sa akin si Bhes na sa hallway nalang daw kami magkita.

“Bhes, sorry. Hindi ata kita masasabayan ngayon may date kasi kami ni Munch eh. Pero yung deal natin kanina tuloy pa rin yun ah! Hakutin mo na lahat ng pera mo bukas! Haha! Bye!” niyakap niya ako at nagbeso-beso kami. “Okay lang. At least makakatakas pa ako sayo! Haha! Joke! Sige, ingat kayo.” Nung nakaalis na silang dalawa, nagfifeeling loner na naman ako.

Ano kayang gagawin nila? Humanap na kaya kasi ako ng boyfriend para hndi na ako laging loner pag wala si Bhes? Paglabas ko ng gate ng school, nag-isip ako ng pwede ko pang puntahan para gumala pero wala naman akong maisip. Hay nako, uuwi na nga lang ako. Pumunta na ako sa bus station na malapit sa school at doon ako naghintay ng sasakyan ko pauwi.

&quot;Forcedly&quot; MarriedWhere stories live. Discover now