Chapter 25.a -- Mahal ko na siya!

4.1K 59 2
                                    

 Humagulgol na ako sa kalsada.

“waaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!”

TT__________TT

Nung nasa gate na ako ng bahay namin, hinanap ko muna ung baby ni Zyren to check if he's already home and nandun nga. Hayyyy... buti naman pinauwi siya ng maaga ni Ms. NBSB.

Pagkalabas ko ng garahe, mas lalo pang lumakas ung ulan kaya nagmadali akong pumasok sa bahay pero nakalock pala yung front door kaya kinailangan ko pang magdoorbell. Tas nung nagdoorbell naman ako, wala pa ring nagbubukas ng pinto. Ano na naman kayang nagaganap?

Sunod-sunod na kamalasan ang dumating sakin ngayong araw na ‘to. Simula nung nakita ko si MS. NBSB.

Arrrrggghhh!!! Sobrang sakit na talaga ng kamay ko! T_T

"Ye? Nugu seyo? (Yes? Who's this?)" sabi nung nasa speaker. Yes! Na wakas may sumagot din!

"Ahjumma, Christine iyeyo. (Manang, Si Christine po ito.)"

"Oh, jinjja? Omo. Biga neomu mukeo! Arasseo. Na balli ga. (Oh, talaga? Hala. Ang lakas ng ulan! Sige. Bibilisan ko.)"

"Mianhae, Ahjumma. Gidaryo. Ne, komawo. (Sorry po, Manang. Hintayin ko kayo. Sige po, salamat.)"

Pagkabukas ng pinto, tumakbo ako agad sa kwarto ko at nilinis ko yung sugat ko.

Grabe. Alam mo ung word na “sobrang sakit”? aahhh!

And if you're thinking of me doing revenge… For your information, mas gusto ko silang makarma nalang kasi yun ang tinatawag na 'the sweetest revenge'. KARMA.

Lumabas ako ng kwarto para ibigay kay Manang ung basang damit ko.

"Manang, paki laban naman ho ‘tong uniform ko oh. Nabasa po kasi eh."

"Eh bat naman kasi hindi ka muna sumilong? Baka magkasakit ka ulet niyan. Tsk tsk." Inabot ko na sa kanya yung uniform ko.

"Hindi na po kasi ako nakahanap ng masisilungan eh. Si Zyren po ba nasan?"

"Nandun sa kwarto niya. Sorry nga pala kasi nakalock ung front door kanina ah. May dalawang babae kasing humahabol kay Zyren at gusto nilang pumasok dito. Doorbell sila nang doorbell at katok nang katok kaya nilock namin yun. Ayaw kasing papasukin ni Zyren eh. Yung isa studyante tas ung isa naman… teacher. Mukhang patay na patay sa asawa mo yung mga yun. Jusko po. Ang hirap ng may asawang gwapo no?"

"Talaga po, Manang? Pumunta sila dito? Buti naman hindi niyo pinapasok. Yes Manang, I totally agree. Ang hirap ng may asawang gwapo. Ang daming humahabol at nagkakandarapa, minsan feeling mo ma-aagawan ka na."

"Mabuti pang puntahan mo na siya sa kwarto niya. Kanina pa nag-aalala sayo yun eh. Paikot-ikot dito sa sala kanina bago ka dumating. Gusto nga niyang hanapin ka na kaya lang hindi niya alam kung saan siya magsisimulang maghanap kaya sinabi ko na hintayin ka nalang namin kung dadating ka o hindi. Haha. Pero sa awa ng Diyos, naka-uwi ka pa."

"Haha. Syempre naman, Manang. Uuwi pa ako! Buti po pinigilan niyong hanapin ako ni Zyren. Baka po kasi magkasalisi pa kami. Sige po, Manang. Akyat na ako. Good night po!" Bineso-beso ko si Manang tas umakyat na ako. Sinilip ko muna si Zyren bago ako pumasok sa kwarto ko pero wala siya. Hindi ko siya makita.

Kaya naisipan kong pumasok at hanapin siya.

"Zyrennn... Nasan ka?" sabi ko pagpasok ko.

"Yooohoooo... Zyrennnnn..."

"Nandito ako, Babe." sabi niya sabay turo sa dibdib ko pero syempre hindi nakadikit.

"...sa puso mo." tas niyakap niya ako patalikod. Ang hilig niya magback hug.

"Forcedly" MarriedWhere stories live. Discover now