Chapter 5.a -- Babe?

6K 94 6
                                    

Christine's POV

Umaga na naman. Papasok na naman. Puyat na naman. Dahil hindi pa ako masyadong nakatulog dahil sa sinabi sa akin nila Mama. Ikakasal na ako. Kay Zyren pa. Jusko naman, ayokooooo T.T

Nandito ako sa kusina dahil inutusan ako ni Mama na tulungan yung katulong namin sa paghahanda ng almusal.

"Hey Babe!"

huh? Sino yun?

"Babe! Sabay ka na sakin!"

Sinong tinatawag niya? Naaninag ko na may tao sa likuran ko kaya lumingon ako.

"Hi, Babe." Mygash. Si Zyren na naman T.T Nakangiti lang siya sa akin. Hinanap ko agad si Mama.

“Ma!!!!!!!!!!!!!!!!! Bakit nandito 'tong lalaking to?!”

“Pinapunta ko siya, anak. Kasi alam kong nagkocommute ka pa papunta sa school mo kaya sinabi ko sa kanya na ihatid ka na. At saka siya rin naman ang nagprisinta eh.”

“Eh kailan kayo nag-usap?"

“Kagabi lang din. Binigay niya ung number niya sakin. In case na kailanganin daw natin siya, tawagan lang daw natin siya at dadating sya agad.” lumapit sa akin si Mama at bumulong, "Ang bait niya no?"

"Ma!!!"

"Oo nga pala, babe, let's exchange numbers, okay?" nilabas niya yung phone niya," Oh, anong number mo?"

“Che! Ayoko nga ibigay number ko sayo! Bahala ka jan!”  nilapitan ko si mama para magpaalam,“Bye, Ma. Sa Valenzuela na ulit ako uuwi mamaya eh.  난 보고 싶을거야  (I'm gonna miss you).”

"Wait lang, Babe! San ka pupunta? Sumabay ka na sa akin!" Pinagbuksan niya ako ng pinto palabas. "Argh! Eh bakit ba?! Hindi ko naman sinabi na ihatid mo ako diba?!"

"Eh sabi ni tita eh tsaka isa rin daw paraan ito para daw maging close tayo. Para pag naging mag-asawa na daw tayo eh hindi na tayo magkaka-ilangan. Tsaka gusto ko din naman ‘tong ginagawa ko eh. Sige na, iisa lang naman pupuntahan natin eh kaya sumabay ka nalang."

"Ayoko! Magkocommute nalang ako!" naglakad na ako papunta sa bus station malapit sa amin pero sinusundan niya pa rin ako.

TEKA. May pamasahe pa ba ako? Napahinto ako sa paglalakad para tignan yung wallet ko. Huh? Wala na? Wala ng laman?! Pano yan? Ayoko namang sumabay kay Zyren baka lumaki na naman ang ulo. Sige na nga, hindi rin naman ako makakacommute kahit gusto ko. Walang laman yung wallet ko T.T

"Sige na,  please?" humarap siya sa akin at nag puppy eyes siya. “Oo na. Sige, payag na ako.”

"Yes! Thank you Babe!" sabay yakap niya sakin.

“W-w-w-wait lang! Bat mo ako niyakap? Tsaka bakit ba “Babe” ang tawag mo sakin kanina pa?”

"Para masanay na ako kapag mag-asawa na tayo."

“Sus, sobrang confident ka naman na magpapa-asawa ako sayo. Tss.”

"Oo naman! Gagawin ko lahat para mapapayag lang kita. Tara na, Babe. Malelate na tayo."

"Sakay na!"

--

"Dapat masanay ka nang maglakad sa red carpet ha?" sabi niya sa akin after ng isang makakasakal na awkwardness kanina.

Ay, oo nga pla! Hindi pwedeng malaman ng buong student body na ikakasal kami tsaka hindi nila ako pwedeng makitang kasama si Zyren! Baka kung anong chismis ang kumalat sa school na pwedeng ikasira ng image ko. Aish. Anong gagawin ko?

"Forcedly" MarriedWhere stories live. Discover now